Chapter 30 - Assigned

1.2K 50 0
                                    

Liezel POV

Ilang araw din ang nakalipas mas naging busy si Ange di lang sa mga assignments and projects namin pati na rin sa org kasi nga nagsimula na yung pa orientation niya. Tinutulungan ko din siya, last time I check assistant/close friend pa rin ako kaya I need to help her, alam ko din kung gaano karami ang mga pinapagawa ng mga prof.

"Liz yung mga kits na naorder para sa last batch natin dadating mamayang lunch samahan mo akong kunin sa may gate, nagpatulong din ako dun sa iba baka isama natin si Dominic yung treasurer kasi babayaran din natin agad kapag natsek na kumpleto."

"Sige pwede naman kunin na lang muna natin iyon bago tayo maglunch. Ange hindi ba dapat sabay-sabay naibigay yan?"

"Paano kasi nagkamali yung bilang sa orders ayon tuloy nagkulang buti na nga lang naihabol pa yan at nagkasya yung iba for the previous batch."

"Ganoon ba. Okay asikasuhin na lang natin yan mamaya, mabuti pa balik na tayo sa commerce building magstart na in 10 minutes yung class natin."

Sumunod na sa akin si Ange papunta sa room first class kasi namin ngayon Entrep, last time nabanggit ng prof namin magbibigay siya ng project its worth half of our grade daw yung ibang details wala pa baka ngayon ibigay na niya.

"Jer wala pa naman si Mrs.Roberts di ba? Baka kasi mamaya late nanaman kami." tanong ni Ange nang makarating kami

"Wala pa Angela, maaga pa naman."

"Okay thanks, tara Liz dun tayo ulit umupo."

Pagkalipas ng ilang minuto.....

"Goodmorning class, attendance muna tayo. Baltazar, Torres, Casimiro, Sy Chelsea, Sy Tristan, Ignacio, Reyes..."

Tuloy-tuloy lang si Mrs. Roberts sa pagtatawag ng mga classmate ko for attendace after nun ay nagsimula na siyang mag-explain tungkol sa gagawing project.

"Just like I told you previously I will be giving all of you a project it is simple create your own small business. Each group will be having 3 members but since we only have 23 of you one group will be compose of 2 members. After I explained what you need to cover on your small business, I will be announcing the members of each group. Napag-isipan ko kasi kung puro kayo magkakaibigan sa isang group baka wala kayong matapos at iisipin niyo since may pera kayo madali lang kung kaya ako na mismo ang gumawa ng grupo para sa class na ito, walang magpapalitan ha!"

Nagpatuloy lang si Mrs. Roberts sa pagpapaliwanag nang gagawin namin. Binigay niyang deadline para sa mga papers na isusubmit tulad ng business plan, surveys at kung ano-ano pa ay 1 month lang kasi gusto niya for the next few months makapagsimula na kami. Sana naman makagrupo ko si Ange kahit si Jerry ayos lang din wag lang talaga si Chelsea at Tristan sa totoo lang palagi ko na nga silang nakakasama sa bahay pati ba naman sa paggawa ng project kasama ko pa din sila.

"Okay ganoon lang naman ang gagawin ninyo simple lang, ito na rin ang way para matuto kayo kung sakaling gusto niyong magsimula ng business in the future malay natin ito pa lang sisimulan ninyong small business ay lumaki din. Sige babanggitin ko na ang mga magkakagrupo. For Group 1 Espiritu, Casimiro, at Balthazar. For Group 2 Ignancio, Tan, at Corpuz Jerry. For Group 3 Sy Tristan, Reyes, at Ong. For Group 4 Sy Chelsea, Torres, at  Corpuz Arnel...........
And for the last group Monteverde at Guinto."

Biglang nanahimik ang paligid nung banggitin ni Mrs. Roberts ang last group, kinabahan din ako kasi alam kong may mga matang nakatingin sa akin. Bakit naman siya pa sa dinami-dami namin dito kaming dalawa pa ang pinagsama. Gusto kong kausapin si Maam kapag natapos ang klase kasi hindi matatahimik ang buhay ko kapag natuloy ito. Malapit na rin matapos ang oras kapag nakalabas na silang lahat lalapitan ko na siya.

"Okay class that's all for today, simulan niyo na ang project para marami kayong oras kapag actual na."

Palabas na silang lahat, kahit yung assigned partner ko wala na din, sina Chelsea nauna na panigurado sermon ako mamaya.

"Ange paantay na lang sa labas kakausapin ko lang si maam."

"Okay bilisan mo ah kasi kukunin pa natin sa may españa gate yung mga kits. Nagtxt na rin si Dominic na nasa baba na siya ng building natin."

Agad kong pinuntahan si Mrs. Roberts para ipaalam sa kanya kung pwede sa ibang group na lang ako, kahit na sino wag lang si Alex. Tinanong niya kung ano daw ang dahilan ko pero naisip ko hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na dahil kay Chelsea, napakababaw naman na rason iyon kung tutuusin. Paano kaya ito? Tatanggapin ko na lang ba ang maaaring sabihin nila sa akin o ipagpipilitan ko na ilipat ako.

"Ms.Guinto kung wala ka nang sasabihin mauna na ako dahil may next class pa ako sa kabilang building. Pakikinggan ko kung may magandang dahilan kung bakit ayaw mo siyang makagrupo pero for now stick with your assigned partner."

Wala na rin akong nagawa kasi hindi pumayag, kakausapin ko na lang si Alex na magkahiwalay kaming gagawa para wala ng masabi si Chelsea. Nakita ko sa labas si Ange tinanong niya kung anong nangyari pero sabi ko hayaan na lang, kaya pinuntahan na namin yung kikitain tungkol sa org kits.

One message received....
Pres pasensya na nasa baba na ako ng building niyo biglang tinawagan ako ng classmate ko emergency lang. Iniwan ko na sa org room yung pera, kay Clinton, kayo na lang po ang bahala. Thank you. :)

"O sino yan nagtxt at parang may problema ka yata."

"Si Dominic nagtxt sabi niya iniwan yung pera sa org room kaya dadaan pa tuloy tayo dun. Emergency daw kaya di makakasama."

"Yun lang pala tara na nakakahiya may nag-aantay sa atin. Kahit tayo na lang ang kumuha, kaya na natin yon."

Bumaba na kami ng building at pumunta sa org room para makuha ang pera, tapos dumiretso na kami sa may españa gate.

"Kanina pa po ba kayo nag-aantay? Pasensya na po yung dapat kasama namin na tutulong magbuhat at magbayad may inasikaso po, pero ito na po yung bayad. Titignan po muna namin kung kumpleto yung kits."

"Ayos lang po yun maam, hindi naman po ganoon katagal natrapik pa nga po ako papunta dito. Sige lang po maam tsek niyo muna tska ko kukunin yung bayad. Bale 2 boxes po yan, ito po pang bukas."

Tinignan namin dalawa ni Ange yung laman ng box at mukhang kumpleto naman, kaya inabot na niya ang bayad dun sa nagdeliver.

"Hay! Paano na natin ito mabubuhat parehas pa naman tayong babae. Dapat talaga pinasama ko na si Clinton."

"Kaya na natin ito, tig-isa tayo. Sanay yata ako sa pagbubuhat at isa pa si Clinton paalis na nung makarating tayo sa org room dahil may klase pa siya."

"Sige na nga tara na, sa org room na lang muna natin dalhin itong mga kits."

Bubuhatin nanamin sana ang mga boxes nang biglang may kumuha nito at get this parehas na box ang binuhat.

"T-teka sino ka .."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa gulat.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirthieth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now