Chapter 69- This Time Part 2

984 37 2
                                    

Alex pov

"Liezel, nung una tayong nagkakilala akala ko nun hindi na tayo magkikita ulit pero dumami yung pagkakataon na we encounter each other as if something is pulling us together. Ayoko pa ngang aminin na meron na, meron na akong nararamdaman para sa iyo. Everyday that feeling grew, and little did I know gusto na pala kita. I couldn't stop my feelings everytime I see you, gusto ko yung pagising ko o bago ako matulog nakikita at nakakausap kita. Yung mga instances na nahalikan kita those were my most kept memories kasi that's when I realized I didn't want to spend my life with anyone else but you."

"A-alex kasi.."

"Kota ka na sa kaka-kasi mo ha!" sabi ko sa kanya sabay pingot sa matangos niyang ilong

"B-bitawan mo nga y-yung ilong ko."

"Ayieeeh ang cute niyong dalawa. A-aaray!"

Ayan sinabihan na kasi huwag mag-ingay eh, binalik ko kay Liezel ang atensyon ko.

I look straight into her eyes and

"Will you be my girlfriend?"

Hala! Yung puso ko kanina pa ito ah! Hindi naman ako ganito dati, b-bakit kapag kausap ko si Liezel nangyayari ito, ganito na ba talaga ang lakas ng tama ko sa kanya. Uy! Ano hindi ka ba sasagot? Mas lalo lang ako kinakabahan eh!!!!

Ilang minuto pa rin ang nakalipas pero wala pa siyang sagot. Is it time to give up? Tatanggapin ko naman ang desisyon niya, kasi alam ko na hindi ako naging duwag about it.

"Alex nung malaman ko na ikaw yung batang iyakin na nakilala ko noon, sabi ko sa sarili ko imposible yata yun dahil ang laki ng pinagbago mo. Kapag nakakabangga kita asar na asar ako kasi paulit-ulit na lang na para tayong pinaglalaruan ng tadhana. This past few days, weeks na magkasama tayo napakasaya ko, pero hindi pa din mawala sa akin ang pagkabahala  kung ipagpapatuloy pa natin ito at papasok tayo sa isang romantic relationship na marami ang may ayaw. "

"Bakit..."

"Sandali ako naman ang patapusin mo, maraming pagsubok ang pagdadaanan natin pero ngayon masasabi ko sa iyo na handa ako because I am falling in love with you."

"Totoo ba? Hindi ka nagbibiro? As in, ta-tayo na?"

"Ayaw mo yata eh!"

"Wait! Wala ng bawian ha! Sinabi mo ng mahal mo na ako."

"Oo na nga."

Nagsisigaw ako dahil sa saya, I'll definitely remember this day.

"Congrats pre!"

"Congrats Alex, Liezel."

Nagpasalamat ako kayna Al at Max, samantalang yung girlfriend ko kayakap ang bestfriend niya.

Naks naman girlfriend, ang sarap banggitin.

"Uy Alex, alagaan mo ang bestfriend ko ha! Lalo na at kayong dalawa na, mahirap pa naman makipagrelasyon sa iyo maraming kaagaw." palokong sabi ni Angela

"Of course ako bahala diyan. I'll treat her more than she deserves. At ngayon pa lang I promise na wala akong ibang mamahalin kundi sya lang."

"Aba Alex san galing yang side na yan, dati-dati naman wala kang kasweetan sa katawan ah, bahay-school-work lang ang lagi mong iniisip pero ngayon.. aiyeeh iba talaga kapag nagmahal ang tulad mo. A-aaaray! mylabs naman huwag na sa tenga."

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now