Chapter 36- Summoned

1.1K 42 0
                                    

Alex POV

Nagkausap na kami ni Chelsea ewan ko kung naintindihan niya ba ang mga sinabi ko at ang paliwanag ko, pero iniwan ko na siya dahil nga pupuntahan ko pa sina Max na kanina pa tumatawag sa akin.

"Lex! San ka ba nagsusu-suot? Kanina ka pa hinahanap ni my labs. Tinawagan ka na nga namin ng ilang beses." sabi ni Al habang papasok ako ng student council room

Nilapitan ko sina Max at Al para magpaliwanag.

"Pasensya na hindi ko namalayan yung oras may mga kinausap lang ako, may problema ba?"

"Wala, okay na, may isang organization kasi ang nagkaproblema sa budget nila for their upcoming activity, hinahanap ko lang yung mga papers about sa distribution natin to check kung tayo ang nagkamali but I found a few hours ago." seryosong sagot ni Max

Na-guilty naman ako pero nangyari na kaya wala na rin ako magagawa. Humingi na lang ako ng tawad sa kanilang dalawa lalo na kay Max.

"Pre! Di dapat ganoon may mga kailangan kang gawin as President of the Student Council, anong nangyari doon sa Alex na responsable, punctual at laging naaasahan." sabi ni Al

"Hayaan mo na Al atleast natulungan natin sila. Busy lang talaga si Alex pabayaan mo na." sabi ni Max habang papalapit sa asar na asar na si Albert

"Again guys I'm really sorry hindi na ito mauulit. Nawala lang talaga sa isip ko, I am fully aware of my responsibilities and kapag kailangan niyo ako ulit I'll always be there."

"Tama na nga yan, kalimutan na natin yung nangyari. Maiba nga ang usapan natin saan ka ba talaga galing? Sino ang kinausap mo at kasama mo?" sunod-sunod na tanong ni Max

"A-ah g-ganito k-kasi."

Hindi ko akalain na tatanungin pa nila kung kanino ako nakipagkita at kung ano ang pinag-usapan namin, sabagay bestfriends nga di ba. Alam nila ang lahat ng tungkol sa akin pati nga yung first love ko.

"Uy! Lex ano na? Tinatanong ka ni my labs. Pero curious din ako ang hirap mo kasi mahagilap which is unusual sa tulad mo." singit naman ni Al

"Well I went to see Liezel the new girl and Chelsea. The truth is matagal ko nang gustong lapitan sila para humingi ng tawad and to explain sa kanilang dalawa what happen. Dapat nga hindi ko na pinatagal ng isang linggo para lang gawin iyon, pero kanina bigla kong naisip gawin na siya, which is I did and it work well, I think."

"Kamusta naman?" tanong ni Max

"I think okay naman lalo na nung nakausap ko si Liezel."

"What about you know, Chelsea?" si Al naman ang nagtanong

"Well nasabi ko na sa kanya ang lahat ng pwede kong sabihin kaya wala na dapat akong kailangan ipaliwanag sa kanya."

"Pero Alex sa tingin mo ba titigilan ka ni Chelsea alam naman nating lahat ang lakas ng tama sa iyo nung tao."

"Al, I don't care, she's just a friend to me, hindi niya kailangan ipilit ang sarili niya sa akin lalo na at meron ng nagpapatibok nito." sabay turo sa puso ko

"Oy! Teka ka nga bakit ngayon lang namin ito nalaman? Sino yan? Saan mo nakilala? Dapat sinabihan mo kami agad bestfriend nga di ba?" sunod-sunod na tanong ni Max habang papalapit sa mesa ko

"Naks sabi na nga ba eh meron na talaga. Sino yan pre?" singit naman ni Al

"Makulit din kayong dalawa eh noh!"

Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko sa dalawa pero biglang nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong tinignan at sinenyasan ko lang sila na mag-antay. Lam niyo na baka importante.

One message received....

Maam Alex pinapatawag po kayo ni Sir Alexander. Puntahan niyo na lang daw po siya sa isang restaurant sa makati . Sala Restaurant po yung name, kung wala na po kayong klase habang maaga pa dumiretso na po kayo doon may meeting daw po kasi.

Stacey

"O ano na magkwe-kwento ka ba o hindi?" biglang tanong ni Al

Anong oras na ba? Siguro aalis na ako ngayon para madaanan ko pa si Liezel may pag-uusapan pa naman kami.

"Guys sorry next time ko na lang ikwento sa inyo, nagtext kasi yung secretary ni dad. I need to go now malayo pa ang biyahe ko, sa makati pa kasi ako pinapapunta."

"Meeting nanaman ba?" seryosong tanong ni Max

"Ganoon na nga, hindi rin naman ako pwedeng tumanggi. May kailangan pa ba kayo sa akin?"

"Sige na umalis ka na, wala naman na rin kailangan gawin kasi lahat ng papers natsek na natin at napirmahan mo na before. Kung may kailangan kami itext ka na lang namin agad pero maya-maya din aalis na din kami ni Al."

"Thanks Max , basta kung kailangan niyo ng tulong ko or may problema just text or better yet call me, sasagutin ko na agad. Al ikaw na bahala kay Max ihatid mo yan sa kanila ha!"

"Sure ako pa, ingat ka sa biyahe, traffic nga pala sa edsa, malapit sa may santolan station I don't know kung bakit pero mas mabuti pang umiwas ka na."

Nag-agree na lang ako kay Al at nagpaalam na din sa kanila. Dumaan na rin ako sa org room ng red cross bago lumabas ng building. Nang makarating na ako sa pintuan sakto naman ang pagdating din ni Angela.

"O Alex kanina ka pa ba diyan, bakit hindi ka pumasok?"

"Kararating ko lang, si Liezel ba kasama mo?"

"Naku kanina pa nakaalis, nagmamadali nga kasi nagtext sa kanya yung nanay niya."

"Bakit daw? May nangyari bang masama? May problema ba sila?"

"Isa-isa lang, sobra ka naman maka-react diyan, nagka-problema lang yata dun sa tindahan nila sa palengke kaya pinaluwas sila."

"Sa tingin mo may maitutulong kaya ako, san ba ang probinsya nila? Pwede mo bang i-message yung address nila sa akin?

"Hay! Sige na nga alam ko naman hindi mo ako titigilan, isend ko na lang later, pero hindi exact address yung maibibigay ko bale yung pangalan lang ng baryo nila."

"Okay na yun, sige mauna na ako may pupuntahan pa kasi ako."

Nang makapasok na si Angela sa loob ng org nila agad naman na ako nagtungo sa carpark para kunin ang sasakyan ko dahil I've been summoned by Dad again. Napapadalas nga eh, ano naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon. Mapupuntahan ko pa kaya siya? Ah!!! Bahala na nga kailangan ko munang puntahan si Dad.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- sixth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon