Chapter 45- Feeling confused

1.1K 43 0
                                    

Liezel POV

3:30 pm.........

Inunahan ko na siya at sinabi ko kay Itay na hindi siya pwedeng uminom at may pag-uusapan pa kami. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Itay at ang pagkawala ng kaba sa mukha ni Alex.

"Sige po sir mauna na po kami, salamat po." ani ni Alex at nagsimula na siya sa paglalakad palabas ng gate namin

Bakit kaya siya nandito? Hindi ko naman maalalang nasabihan ko siya kung saan ako nakatira. Kapag nalaman ni Chelsea na magkasama kami baka malagot nanaman ako o di kaya si Inay.

Habang papalabas rinig na rinig yung mga pang-aasar na ginagawa ng mga kapatid ko kaya sinuway ko baka kasi naririnig nung nasa harap ko tapos asarin pa ako.

Tumigil na siya sa may gilid kaya di na ako nag-aksaya ng panahon at agad na kinausap siya.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo at pinuntahan mo pa ako dito?"

Bigla naman niya akong nilapitan, ako naman unti-unting lumalayo. Wala bang siyang alam sa personal space, aish ano ba h-hindi  b-ba siya t-titigil, ayan tuloy nauutal pa ako.

😲

"Stop! Bakit ka b-ba l-lumalapit? Ang luwag luwag ng daan, kung hindi ka magsasalita papasok na lang ako sa loob at pwede din umalis ka na."

Nag-antay ako kung may isasagot ba siya pero kahit anong imik wala, kaya naisip kong pumasok na dahil walang saysay ito kung ako lang ang magsasalita.

Ready na akong umalis dahil tumalikod na ako sa kanya.

"Sandali lang hindi pa nga tayo nagsisimula aalis ka na." sabi niya habang hawak -hawak ang kamay ko

Ito nanaman guys yung feeling na hindi ko maintindihan, nangyayari ito kapag malapit ako sa kanya o kaya kapag hinahawakan niya ako. Yung sinasabi nilang parang may butterflies sa stomach mo, ah basta ewan ko.

"B-bitawan m-mo a-ako." utal utal kong utos sa kanya

"Bibitawan kita basta nangangako kang hindi aalis the moment I release your hand?"

"Sige, sige na basta pakibitawan lang yung kamay ko." sagot ko

Humarap na ako sa kanya at binitawan naman niya ang kamay ko. Ilang minutes din ang nakalipas pero wala pa din akong naririnig sa kanya, inaasar yata ako nitong taong ito eh.

Kapag wala pa din siyang sasabihin tatakbuhan ko na siya.

"I'm sorry kung biglaan ako nagpunta dito, alam kong nagtataka ka kung paano ko nalaman kung saan ka nakatira, nagtanong lang ako kay Angela. Well hindi niya alam yung saktong address mo pero buti na lang talaga at magkakilala kayo ni Lola Fely kasi kung hindi tsak hinahanap-hanap pa din kita."

Makausap nga si Ange, ang sabi ko lang kapag hinanap ako sabihan yung tao na umuwi sa probinsya at next week na lang kami mag-usap, hindi sabihin kung nasaan ako.

"Alex hindi mo naman kailangan puntahan pa ako dito, sasayangin mo lang ang oras mo. Marami naman ways para mapag-usapan natin yung tungkol sa project natin, nandiyan yung email, sa facebook messenger, sa text, nagsayang ka lang ng oras at pera sa pagsunod dito." paliwanag ko sa kanya

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now