Chapter 25- Don't ever forget!

1.4K 53 0
                                    

Chelsea POV

Nakakainis kasi hindi ko malapitan si Inday lalo na kapag nasa bahay kami, kasi alam ko na nakabantay si Kuya. Paano ba naman kasi nakita niya yung ginawa ko sa babaeng iyon pagkatapos ng eksenang ginawa nilang dalawa ni Alex.

Readers sino ba naman ang hindi magagalit alam ng lahat na sikat na sikat yung tao at crush na crush ko pero ganoon pa yung nangyari. Pagbalik namin galing party natulog na lang ako kaagad at kinabukasan usap-usapan na sa campus ang nangyari. Well! we all know sikat kaming dalawa ni sweetie ko pero ang hindi ko maintindihan sinasama pa nila sa usapan yung babaeng hampas lupa na iyon. Argh!!!

"Uy! Alam niyo ba hinalikan daw ni Prince Charming yung new student from commerce din."

"Talaga? Ang swerte naman nung girl."

"Oo nga ang swerte at alam niyo pa may narinig din akong chismis, isang assumerang babae daw yung nageexpect na mahalikan." kwento nanaman nung isa

"Kaloka! Akala naman nung babaeng iyon, feeling ba niya magkakagusto sa kanya si Alex. No way!" sabi naman nung isa

Siraulo pala itong mga babaitang pangit na ito.

"Hoy! Sino ang pinaguusapan niyo diyan. Manahimik na lang kayo, hindi niyo naman alam ang buong storya kung ano-anong dinadagdag niyo."

"Lets go girls ang bitter naman nito."

"Te-teka sinong bitter magsibalik nga kayo dito, mukhang di niyo kilala ang kinakalaban ninyo." sigaw ko habang sila ay papalayo

Argh!!! Humanda talaga sa akin yung Inday na iyon sa kanya nagsimula itong kamalasan na ito.
Simula noong monday I specifically told my squad and some of my friends to terrorize Inday and her friends para matuto siya at sinama ko na rin yung mga babaeng nakita ko noon, nakilala sila ng ka-squad ko, akala nila makakatakas sila sa akin. Ilang araw na rin di kami nagkikita at nagkakausap ni Alex sa totoo lang di ko pa siguro kaya kasi si sweetie na nga yung may kasalanan ako itong naghihirap. I sometimes intentionally avoided her mas naaalala ko lang and I told myself na kailangan ko muna makausap si Inday bago ako lalapit at makikipagusap kay Alex.

Thursday 9:00 am

Kakapasok ko lang, si kuya kasi di ako ginising at narinig ko pa kay yaya na nagmamadaling inihatid ang Inday na iyon. Aba special talaga ang trato pati sariling kapatid iniwan. Buti na lang talaga at may sarili akong sasakyan. Naipark ko na ang car after a few minutes I went to the booth first para macheck kung may tao ng nakaassign.

"O buti naman at tumulong ka."

"Of course honey! I'm still a part of this group kahit ginawa mo akong mascot."

Si Mel dati siyang member ng squad, I mean core member ba, kaso pabaya sa health at madalas late sa practice kaya ayun nademote, naging tao sa loob ng mascot ng univerity. Ewan ko ba kung bakit pinipilit niy ang sarili sa team marami naman ibang org diyan na pwede niyang salihan wala naman na rin ako magawa syempre mayaman din naman ang pamilya niya, connections kung baga, but he will still stay as our mascot no matter what, unless may papalit sa kanya. Pagkatapos ko dun sa booth I continue to go inside our building even though we have this week as our recruitment week for all school organization, tuloy pa din ang mga klase.

"Okay class that's all thank you and I'll see you next week, l'll email your assignments to be submitted any day before next week's class."

Hay nagbigay pa ng extra work last subject na nga for the day mapuntahan na lang yung booth at nag-aantay din sa baba ng building yung mga friends ko.

"Chels, tara na para after natin pumunta doon kain tayo sa labas may nakita kami kahapon bagong resto malapit dun sa may paprintan." sabi ni Clara

"Sure kanina pa ako nagugutom ang tagal kasi nung last subject namin, tpos napaaga pa ako kanina ng lunch." sabi ko habang naglalakad

Around 4:30 pm.....

Nakita ko na parang may nagkakagulo sa tapat ng dalawang booths nagmamadali kaming pumunta ni Clara at Katherine.

"Anong nangyayari dito?"

"Kasi itong mga taga kabilang booth kanina pa kami inaasar nananahimik lang kami dito." sabi nung isang babae na parang junior member namin

"Uy! T-teka hindi kami ang nagsimula, kayo nga eh, sinabihan niyo pa kami na walang naitutulong at porket maraming scholar sa amin wala na kaming pera." sagot naman nung isa mula sa kabilang booth

"Totoo naman ah wala talaga kayong pera, at isa pa sinabihan niyo kaya kami na kulang sa brains."

Nakita kong pinapasok na ni Inday yung iba pa niyang kasama sa loob na palabas labas at nagkatinginan kaming dalawa.

"Stop it, don't stoop low just for a simple altercation with the other group nagkakaganyan kayo, wag niyo na lang silang pakialamanan mawawala din sila."

"P-pero ka...."

Tinignan ko ng masama yung isang magsasalita sana pero natigilan siya dahil nga tinignan ko ng masama. Pinapasok ko na din sila sa loob ng booth. Hinarap ko si Inday kasi naisip ko ito na ang tamang pagkakataon para magkausap kami.

"Buti naman at walang nakabuntot sa iyo. Mag-usap tayo."

Niyaya ko siya dun sa loob ng booth namin pero hindi siya pumayag kung ano man daw ang dapat naming pag-usapan ay gawin na namin dito sa labas. Sumang-ayon na lang ako para matapos na din ito.

"Hindi ba dapat may sasabihin ka sa akin, dahil nga kasalanan mo ang nangyari."

"Una sa lahat, hindi ko kailangan magsorry sa iyo at wala akong dapat ipaliwanag, nakita mo naman ang nangyari siya ang lumapit sa akin at lasing na lasing na yung tao." sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin

"Hahaha nagpapatawa ka ba? Sinabi ko na sa iyo before at alam naman ng lahat akin siya di sana umiwas ka na lang lalo nang makita mong siyang papalapit sa iyo."

"Pare-parehas tayong nagulat sa tangin mo ba may pagkakataon pa akong umalis sa pwesto ko at umiwas sa gagawin niya? Magisip-isip ka din naman minsan."

"Aba matapang ka ah, anong ibig mong sabihin wala akong isip, porket scholar ka ibig sabihin matalino ka na, for your information bukod sa kagandahan at kayamanan ay matalino din ako, you don't need to point out na may kulang ako just because I'm a cheerleader, wala na yung concept na kapag cheerleader ay maganda lang walang brains."

"Kung ganoon naman pala bakit nagagalit ka pa din at pati yang mga kaibigan mo at ka-squad mo nangaasar at gusto pa yata makipag-away kung meron kang utak na marunong mag-isip. Kasi kung titignan mo hindi ko naman alam na ako ang lalapitan niya, wala nga akong kaalam-alam, siya na rin mismo ang nagsabi na di porket hinalikan niya ako ay may gusto na siya sa akin. You don't need to be threaten with me or to harass me and my friends dahil wala naman talaga akong gusto sa kanya at never mangyayari iyon."

Pagkatapos niyang magsalita natahimik ang buong paligid namin na para bang kami lang ang tao na present doon.

"Listen Liezel, sinasabi ko na sa iyo, don't ever forget this layuan mo siya she's taken at kahit anong gawin niya wag mo siyang papansinin o kakausapin. Sa oras na mangyari iyon at nahuli ko kaya hindi lang galit ang matitikman mo mula sa akin."

Yun na lang ang nasabi ko at tumalikod na ako sa kanya pabalik sa booth namin. After a few minutes kinausap ko sila to packed everything at ibalik na sa office para makauwi na din. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nangyari dahil alam kong AKIN lang siya.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong twenty-fifth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon