Chapter 70- Kalbaryo Part 1

989 25 0
                                    

Liezel pov

Wala pang isang linggo kalat na sa buong university ang relasyon namin ni Alex, imposibleng sa kanila Ange, Maxene at Albert nanggaling ang chismis dahil alam nilang ayoko pang ipaalam sa iba.

"Look who's here guys ang old maid."

Ito na nga ang iniiwasan ko.

"Lakas din naman ng loob mong pumasok pa."

Hindi ko na lang siya papansinin at nasa classroom kami, baka madatnan pa kami ng Prof.

"Jen! Sorry hindi kita nasundo."

Oo mga taga-pagbasa Jen ang tawag niya sa akin, isa kasi din sa mga pinag-usapan yung tawagan namin sa isa't isa dahil hindi pa ako sanay ng kahit anong endearment Alex at Jen muna ang gagamitin namin.

"Ayos lang, sanay naman na ako mag-commute." sagot ko sa kanya

"Hindi kayo magtatagal sinasabi ko na sa iyo." pahabol ni Chelsea bago lumayo at bumalik sa mga kaibigan niya

"Sorry! May pinagawa kasi sa akin si Dad. Okay ka lang ba?"

"A-ah oo ayos lang ako wag kang mag-alala. Halika na nga dito sa katabing upuan ko mamaya darating na yung prof natin."

😁

"Anong ngini-ngiti mo diyan?"

"Hehehehe wala po, masaya lang akong katabi ka."

"Che! Bahala ka na diyan, lilipat na lang ako dun sa tabi ni Ange."

"O teka di ka naman mabiro. Dito ka na wag mo akong iwan. Sige ka baka ibang tao makatabi ko diyan."

Ay! Letse nanakot pa ito. Pero sabagay baka mamaya biglang maisipan nung bruha na lumapit.

"Sige na dito na ako kawawa ka naman kapag iniwan pa kita."

"Ang aga-aga niyo naman magharutan. Sweet pero baka mamaya magsawa kayong dalawa sa isa't-isa." sabi ni Albert habang umuupo sa tapat ni Alex

"Al kung wala kang magandang masabi tahimik ka na lang, isumbong kita kay Max eh!" pananakot ni Alex sa kaibigan

Tumigil na sa pag-aaway yung dalawa nang dumating si Maxene. Sa totoo lang para siyang yung nanay nitong dalawang batang makulit, hahahaha!

"Okay class goodmorning."

Dumating na ang prof namin sa first subject for the day, ilang oras din na puro discussion lang ang ginawa namin, after noon nagbigay lang siya ng topic na babasahin for the next meeting.

"Ay! Grabe antagal nung major subject natin na iyon 3hrs. naubos utak ko dun."

"Meron ka ba nun Al?"

"Aba Lex ako pa talaga tinanong mo."

"Tigilan niyo nga yan, nakakahiya kay Liezel para kayong mga bata."

"Sorry!" sabay na sabi nina Alex at Albert

"Class may ibibigay lang ako sa inyong sasagutan and then dismiss na kayo may meeting kasi ako." sabi nung next prof namin na biglang pumasok sa classroom

Ibinigay niya ang mga paper sa amin ng isa-isa, pagkatapos nun ay iniwan na niya kami. Hindi naman niya nakalimutan bilinan yung president na kolektahin ang mga papel kapag natapos na at dalhin sa faculty, kapag wala pa daw siya doon ibilin na lang sa ibang prof.

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now