Chapter 54- Beautiful Bouquet Part Two

797 37 0
                                    


Sorry po ngayon lang ulit nakapag-update. Enjoy!

Liezel POV

Tinanong ako ni Alex kung may naisip na daw ba akong pangalan ng store namin, bigla ko naman naalala yung ibinigay ni Itay nung last anniversary nila ni inay dahil hindi naman kami ganoon kayaman, pumitas sya dun kayna Lola Fely kasi may mga tanim siya doong puting tulips, ayos lang naman kay Lola, siguro mga ilang piraso lang yun tapos naghanap kami sa bahay ng maaring pagbalutan para magmukhang bouquet, in the end it work well. Akala nga ni Inay binili pa ni Itay sa bayan iyon eh alam naman natin na ang bouquet ng bulaklak umaabot na ngaun ng 1500-2000 pesos pero dipende sa mga gamit mong bulaklak. Maganda ang kinalabasan at hinding-hindi ko makakalimutan yung tuwa nilang dalawa.

"Beautiful Bouquet"

"Napaka-common naman yata niyan."

"Wala pa naman akong nakikita o naririnig na ganyang pangalan at isa pa mabuti na yung simple lang para madali maalala."

"Sige na nga, okay lang naman yung naisip mo, so lets go with that name next natin gagawin is maghanap ng place."

"Hindi ba gagawa muna tayo ng business proposal at survey?

"Don't worry I'll handle everything, samahan mo lang ako maghanap ng pwesto para sa store natin."

"Alex hindi naman pwede ikaw lang ang gagawa. Grade natin dalawa ang kalalabasan, kaya hanggat kaya ko tutulong ako." seryoso kong sagot

"Easy, I know you want to help and you will but on this parts ako muna ang gagawa since may experience naman ako kahit papaano and then I will ask for your opinion and suggestions. Mahirap kasi ang paghahanap ng pwesto at yung pang pagkukuhanan natin ng bulaklak."

"O sige payag na ako pero sa oras na kailangan mo ako pagdating diyan sa papers don't hesitate to contact me."

"Of course ako pa. Kakalimutan ba naman ba kita kung pwede nga lang madalas kitang makasama."

Meron pa siyang binubulong kaya naisip ko siyang tanungin

"May sinasabi ka ba?"

"N-naku wala sabi ko tapusin na natin itong pagkain." utal niyang sagot

Makalipas ng ilang oras naubos din namin yung order niya medyo marami-rami din kasi. Patuloy namin pinag-uusapan at pinagpla-planuhan ang project at hindi ko naman din nakalimutan tanungin kung bakit bigla niyang naisip na flower shop na lang ang itayo namin, na-curious ba, kasi andaming pwedeng gawin.

"Ah yun ba, let say isa sa mga taong pinakamahalaga sa akin ang mahilig sa bulaklak."

"Ganoon ba. Pero bakit ngayon mo lang naisip na magtayo, di naman kayo kapos sa pera, sigurado pa nga ako na kung matagal niyo na napag-isipan yan marami na kayong branches today."

"Ewan siguro sa dami ng iniisip ng pamilya nung mga panahon na iyon nakalimutan na."

Kitang-kita ko ang pag-iba ng expression niya na parang hindi ko na lang sana binanggit. Magsasalita na ako ulit ng biglang tumunog iyong phone niya. Halos matagal din ang hinintay ko bago sila natapos nung kausap niya 5 minutes din yun.

"Sorry gusto ko pa sanang magstay para matapos natin ang plano kaso may emergency kasi akong kailangan puntahan." sabi niya ng maibaba niya ang telepono

"Sige na Alex mukhang mahalaga yan kaya okay lang na mauna ka na, isa pa tapos naman na natin mapag-usapan ang project, basta tungkol sa mga papers na dapat natin ipasa pati na rin yung survey sabi mo ikaw na ang bahala."

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon