Chapter 79- Meant to be

1.2K 43 3
                                    

Liezel pov

"Will you give me a chance To Love You again?"

Ha? Anong nangyari? Kanina parang anlabo na magkabalikan pa kami. Oo, galit din ako sa kanya kasi iniwan niya ako, di man lang ako binalikan o hinanap man lang. Ano sya sinuswerte?

"Uy ano? May sasabihin ka ba? Dali na, habang tumatagal kinakabahan ako sa sagot mo."

"Manigas ka diyan." akmang isasara ko na ang pinto ng pigilan niya

"Teka sa-sandali, bakit? Wag mo naman ako pagsaraduhan."

Ito yung namiss ko.

"Okay magpapaliwanag ako pero dapat ikaw muna."

"Aba bakit ako? Sino ba ang nagsabi na, kalimutan ko na lang at maging masaya ako kasama ng pamilya ko."

"Sige na, sige na, ako! Pero di ba nabanggit mo before hindi kita hinayaan magpaliwanag, hindi kita pinakinggan. Ito na, nandito na ako para makinig."

"San ka pupunta?"

"Eh sinaraduhan mo ako, akala ko di mo na ako kakausapin kaya uuwi na lang ako."

"Alam mo, di pa rin nawawala yung pagkabaliw mo. Pasok."

Sumunod siya sa utos ko at sinabihan ko na wag siyang mag-ingay dahil natutulog na ang bata.

"Ano ang dahilan at bigla kang sumugod dito?"

"Totoo ba ang narinig ko kay Mrs. Mabini na ginahasa ka? Sinong putang-*** ang gumawa nun?"

"Hoy! Hinaan mo nga yang boses mo at pwede ba wag na wag kang magmumura sa loob ng pamamahay ko. Alam mo naman na matalino at may pagkacurious yung bata sa kung ano-ano tapos ganyan pa ang sasabihin mo."

"Sorry, pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin. Di sana..

"Di sana ano? May magagawa ka ba? At isa pa gusto ko ng makalimutan iyon pero ikaw itong nagpapaalala sa akin nung mapait na nakaraan."

"Sino ang may gawa kahit yun lang sabihin mo sa akin, wala akong paki-alam kung ano pa ang ibang nangyari. Kilala ko ba?"

"Promise mo muna sa akin na wala kang gagawin na masama."

"Hindi ko mapapangako yan, kapag nalaman ko kung sino, mahirap pigilan ang galit at ang urge kong saktan yung tao, baka mapatay ko pa."

"Alex ano ba! Then it will be better for you not to know."

"Okay, fine, sige na, pero.. ay! Ano ba naman, sige payag na ako, wala akong gagawin. Pasalamat siya at mahal kita kundi."

"Salamat. Masakit man alalahanin ang nangyari pero gusto kong malaman mo na ikaw lang ang minahal ko at wala pa din nagbago sa nararamdaman ko. Noong nakita mo yung edited video yun din ang mga oras na ginahasa ako. Hindi ko alam kung paano, wala akong maalala pagkagising ko na lang... nasa ibabaw ko na si Tri-Tristan. Sinubukan ko magpaliwanag sa iyo pero galit na galit ako dahil akala mo meron kami at iniwan kita pero ang totoo natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko, parang andumi-dumi ko. Mga ilang linggo lang nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka, nung nagpatingin ako laking gulat ko na nabuntis pala niya ako. Gusto kong ipalaglag ang bata, kaso ang unfair naman sa kanya kung ganun ang gagawin ko, wala siyang kasalanan pero idadamay ko. Tinulungan ako ni Ange, sa kanila muna ako tumira hanggang sa manganak ako, tumigil na rin ako sa pag-aaral. Nahiya naman na ako sa mga magulang ni Ange pati sa kanya kaya nagdesisyon akong umuwi sa probinsya. Ang buong akala ko ayos lang sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko na doon muna kami pero hindi, pinaalis din kami, galit na galit sila sa akin. Dito sa Bulacan kami napadpad ng anak ko at si Mam Althea ang tumulong sa amin simula noon. Namamasukan ako sa kanya bilang kasambahay at assistant."

"Walang-hiyang Tristan yun , argh!!! Ga** siya."

"Alex yung boses mo."

"Sorry, I just can't believe he would go that far just to have you. Alam ba nila na may anak siya sa iyo?"

"Ang alam ko yung family lang niya ang nakakaalam. Binalak pa nga nilang kunin nung lumaki yung bata. Nang maipanganak ko kasi si Alexa mahina ang puso niya kaya kinailangan maiwan muna siya sa ospital. Kaya din nagtagal kami sa puder ni Ange."

"Don't worry hindi ko kayo pababayaan, ako ang bahala sa inyong mag-ina. Kalimutan na natin lahat ng iyon, magsimula tayo ulit yun ay kung may chance pa ako."

Mahal ko siya pero pwede pa kaya? Anong sasabihin ko dun sa bata? Anong sasabihin ng pamilya ko?

"Mahal mo pa ba ako? Meant to be pa din ba tayo?"

"Ang korni mo meant to be ka diyan."

"Liligawan kita ulit."

"Sira."
😊

"Totoo nga, I will court you, I will make you fall for me again and this time it will last."

"Alam mo bahala ka na nga diyan, matutulog na ako, maaga pa ako bukas."

"Pwede ba ako bumalik dito bukas?"

"Asikasuhin mo muna ang pamilya mo, ang dad mo, sorry and condolence."

"Salamat, biglaan siya kaya ito napauwi ako. Sige uuwi na muna ako, pero babalik ako bukas, sinabi ko na sa iyo hindi ko kayo pababayaan. I will always be by your side forever. Nagkamali na ako before and I will not make the same mistake again. I will always believe you. Sorry for all the things I said and had done before, inunahan kasi ako ng galit, selos at sakit.

"Forget everything before, ito na tayo wala na rin tayong magagawa kahit balik-balikan natin yun. Atleast nagkapatawaran na, sige Alex goodnight and thank you."

😊

Sinamahan ko siya palabas ng bahay at papunta sa sasakyan niya. Nagpaalam na ako at nakita kong papasok na siya kaya naglakad na ako pabalik sa bahay, nagulat na lang ako na may biglang sumigaw.

"I LOVE YOU JEN!"

Napatingin ako sa kanya, at ayun nga yung smile na yun. Siraulo talaga yun. Alam niyo naman na napakaseryoso na tao ni Alex at minsan lang magpakita ng emosyon o ngumiti man lang pero sa tuwing ngingiti siya sa akin ewan ko parang may kung anong masaya o parang kinikilig na feeling akong nararamdaman.

Ano kayang mangyayari sa amin? Ito na kaya yung sinasabi minsan ng anak ko happy ending tulad sa mga storyang binabasa ko sa kanya. Di pa rin mawala ang pag-aalala ko pero isa lang ang alam ko at sigurado ako, Mahal na mahal ko si Alex.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Seventy- nineth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now