Chapter 14 - You?

1.9K 58 0
                                    

Alex POV

"Alex buti naman at nakarating ka na, I thought di ka pa aabot." seryosong sabi ni Dad

"Yes Dad natapos din naman po kaagad yung meeting, I know you don't like to be kept waiting."

"Okay magbihis ka na para makaalis na rin tayo. Manang can you call the other two sabihin mo aalis na rin kami in 5 minutes."

"Dad I'm ready sina Alex at Andy po ba nandito na?" tanong ni AJ

"Manang pakitawag na nga yung dalawa at pakisabi nasa labas na kami ni AJ, nakakahiya sa mga Sy at late na din kapag dating namin doon."

"I'm here o Dad bakit ganyan ang itsura mo para kang may kaaway. Hey! baby sister ngayon lang kita nakita ulit ah." makulit na pagkakasabi ni Andy

"Stop Andy! wag mong guluhin ang buhok ko and can you not call me baby sister. For heaven's sake I'm not a baby anymore. Mas mukha ka pa ngang batang isip kaysa sa akin." asar na sabi ni AJ.

"Iba ka din AJ hahahaha! masyado ka naman seryoso, nagbibi...."

"Dad pasensya na po kung natagalan kayo." nagmamadaling sabi ko.

"O ito na pala ang dakilang anak." ani ni Andy

Di ko na lang pinansin ang sinabi ng kapatid ko alam ko naman pikon ito.

"Tigilan niyo nga yan marami pa tayong gagawin ngayon kung mas maaga lang tayo nakaalis kanina tapos na dapat tayo ngayon. Tara na sa kotse, ako ang magda-drive, manang can you get me my keys." 

Nagmaneho na si Dad papunta sa sementeryo para mabisita naman si Mom, death anniversary kasi niya ngayon. Naging busy kasi si Dad ever since she left us kaya bihira na lang din kami makapunta but it looks like may time siya ngayon but you know before ako lang mag-isa ang pumupunta dito ewan ko lang dun sa dalawa.

After 30 minutes......

"Hi hon, I miss you so much." seryosong sabi ni Dad habang binababa ang mga bulaklak

"Hi Mom, sorry kung ngayon lang ulit kami nakabisita" banggit ni AJ

"Paano busy kasi silang lahat mom, buti pa ako madalas ako dito sa puntod mo." ani ni Andy

Wala man kaemo-emosyon si Dad at AJ pero I get it lahat naman kami nagbago since nawala siya. Si Mom ang center ng buhay namin but ever since she died parang nawala yung connection between us, para kaming nawawalang bata. Ito naman pasaway kong kapatid may gana pang magloko at mang-asar.

Nagtaggal din kami dun ng mga 30 minutes kasi nag-alay pa kami ng dasal sa kanya at kinausap din ni Dad at AJ. Nauna ng bumalik sa sasakyan si Andy pagkatapos noon ay nagpaalam na din si Dad at bumalik na din kasama si AJ. Nag-paiwan ako at sabi ko kay Dad to give me 10-15 minutes to talk with mom.

"Hey Mom sorry kung ngayon lang din ako nakabalik I know before halos once a week akong nandito, medyo naging busy lang din kasi this past few months. Dad has been reminding me to focus on my studies because his planning on enrolling me to Harvard next year for my Masters at the same time training for the company. Don't worry di ko naman din pinapabayaan sina Andy at AJ kahit na minsan lang kami magkausap-usap but as much as possible alam ko kung anong mga ginagawa nila. I'll try to visit often before I go to the States, mami-miss kasi kita. Sige mom gotta go may gagawin pa kasi si Dad at kailangan din kasama kami. See you soon."

Nakasakay na ako sa car at may mga sinasabi si Dad sa amin naririnig ko naman pero parang wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya sa amin, pagod lang siguro ako ilang araw na din kasi akong busy sa school at sa company ni Dad. Yes sa company ni Dad kasi nga habang maaga pa daw alam ko na all about the company, what to do, how it function, the employees, clients and many more.

8:25 pm......

"Sige na bumaba na kayo ipark ko lang itong car please make sure to be on your best behavior lalo ka na Andy."

"Yes Dad!" sabay-sabay naming sagot.

"Welcome po maam Alex matagal na rin po nung huli nyong bisita dito."

"Opo manang Fe, si Dad lang din naman kasi ang palaging kausap ni Tito Antonio." sabi ko

"Pasok na po kayo kanina pa sila nag-aantay sa loob, nasa dining lang po sila patapos na rin siguro kumain." ani ni manang Fe

Sinundan namin si manang Fe sa loob ng biglang...

*BUMP!*

"Sorry!"

  :-|  

Napatingin ako sa nabangga kong tao at di ko akalain nandito pala siya, pero anong ginagawa niya dito? Magkakilala pala sina Chelsea.

"You?"  

"Aray ko naman, di ka ba tumi..."  

"Excuse me? Bakit kasi nagmamadali ka? At isa pa ikaw yata ang di tumitingin sa dinadaanan mo, if yes nakita mo ako dapat umiwas ka na." 

"A-Aba ako pa ang may kasalanan, I could say the same thing to you, kung nakita mo din ako di dapat nakailag ka, so di lang ako ang may kasalanan."

  :-P 

 "Arggh! nakakaasar ka na ms. Clumsy ikaw pa ang may ganang dilaan ako, tumabi ka nga diyan sa daan." asar kong sabi sa kanya.

  😠 

"O, o tama na yan baka san pa makaabot ang pag-aaway niyo. Hi! I'm Andy by the way, ano naman ang pangalan ng magandang dilag na nasa harapan namin? Are you Chelsea's cousin?" singit ni Andy habang inaabot ang kamay

"A-Ahm! no nakatira lang ako dito kasi dito nag-w-work si Inay. I-I'm Liezel Guinto." utal-utal niyang sabi 

Makikipagkamay na sana siya kay Andy pero humarang ako at sinabi na lang na mauna na kami at kanina pa kami inaantay. Nag-agree naman sa akin yung dalawa at sumunod na kay manang Fe. Papaakyat na si ms. Clumsy pero di ko maiwasan na sundan siya ng tingin. Iba ka talaga Liezel Guinto di ko alam pero may something sa iyo.

"Alex! bakit nandiyan ka pa, tara na at mag-hi ka sa Tito Antonio at Tita Beth mo wag kang tumunga-nga diyan." sabi ni Dad.

Si Dad ay pumunta na sa office ni Tito Antonio dito sa bahay para dun sa pag-uusapan nila. Kami naman naiwan dito sa sala kasama si Chelsea at Tita Beth.

"Andy you look good, antaggal na rin nating hindi nagkikita. How's school?" si Tita Beth na ang nagsimula ng conversation.

Ganoon lang ang nangyari sa amin for the next minutes sagutan, kwentuhan. 

Hay! mukhang matagal-tagal pa kami dito.


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong fourteenth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)      



 

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now