Chapter 67-Let's Try

859 42 0
                                    

Liezel POv

"Pak!"

Isang malakas na sampal ang nagawa ko sa kanya. Napakabastos niya, pangalawang beses na ito.

"Aray! Bakit mo naman ginawa yun?" tanong niya habang hawak ang kanang pisngi

"B-bakit m-mo A-ako hi-hinalikan?"

"Ang hapdi ha! Paano ba naman kasi ang ingay mo. Hindi mo pa ako hinayaang magpaliwanag."

"H-hindi mo naman kailangan pang gawin iyon."

"First of, hinanap kita buong araw sa university kahapon, nagtanong-tanong na ako sa mga kaklase at kakilala mo pero di pa din kita nakita. Pangalawa nang makita naman kita sa coffee shop umuwi ka na daw pagkatapos kong mag-antay ng napakatagal. Pangatlo pinuntahan na kita kayna Chelsea, wala ka ulit at tsaka ko lang nalaman na hindi na kayo doon nakatira. Talaga bang ginagawang hobby mo na ang pag-iwas sa akin. For your information Ms. Guinto may project tayo at grade ng isa sa mga major subject natin ito."

"Akala ko nasabihan ka na ni Mam."

"Sinabi na nga niya, pero hindi ako pumayag!"

"A-ah e-eh!"

Paano ba naman ito, ang kulit niya!!!!!

"Ano hindi ka na makapagsalita diyan. Pwes Liezel let me be frank with you, hindi ako pumayag na ibahin ang grupo natin, ngayon pa na nakagawa na tayo. Kung iniisip mo si Chelsea, wag mo na lang siyang pansinin. Ano bang pakialam niya ngayon pang hindi naman na kayo nagtratrabaho sa kanila. Saan ba kayo nakatira ngayon? May isa akong condo malapit-lapit lang dito sa university, doon na lang muna kayo, hindi mo na kailangan pa magbayad, kumpleto pa ang mga gamit, para din madali kitang mahanap kapag may kailangan ako sa iyo."

Aba! Kung maka-utos akala mo kung sino. Bakit kaya niya naisip na papayag ako sa gusto niya. No Way! Napalayas at nawalan na nga kami ng trabaho dahil sa kanya eh!

"Ibibigay ko sa iyo yung susi mamaya, tapos sabihan mo yung nanay mo na lilipat kayo para kapag pinasundo ko kayo, ready na."

"Tumahimik ka nga! Alam mo galit na galit ako sa inyo ni Mam Chelsea, este Chelsea pala. Nagtratrabaho lang si Inay at ako naman seryoso sa pag-aaral nang makatapos na din para hindi na mahirapan sina Inay at Itay pero isinama niyo ako sa kung anumang kadramahan ang meron sa pagitan ninyo ni Chelsea. Alam mo matatanggap ko yung mga masasakit na salita at sabunot niya pero yung pagsalitaan ni Chelsea ang nanay, dun na ako handang lumaban at hinding-hindi ko yun palalagpasin. Oo alam ko may kasalanan din ako pero tinuruan ako ng mga magulang ko na huwag magpa-api at kung may mali man nagawa akuin. Kaya please lang iwasan na natin ang isa't isa wala namang magandang naidudulot, at marami tayong nasasaktan."

Hay!!! Salamat nalabas ko din, ang bigat kaya ng loob ko dahil sa mga nangyari, ayoko naman magalit na nakikita ni Inay.

Sa mga oras na iyon handa na akong umalis pero bigla naman niya akong tinulak sa katabing wall at hinalikan this time dahan-dahan kumpara nung una na marahas. Gusto kong huwag tumugon p-pero iba itong nararamdaman ko lalo na at nandito siya sa harapan ko,

sa totoo lang ..........

masarap!

Tumigil siya sa ginawa niya mukhang tulad ko ding hindi na makahinga sa sobrang tagal ng halik.

Ayan nanaman eeeh!

Huwag mo akong tignan lalo l-lang a-akong nahuhulog.

"I like you, no, I love you so much Liezel!"

"A-Alex ...."

"Bago ka umangal, magsalita, magalit o kung ano man, please let's try! I know deep down you felt something. Something na di mo maipaliwanag, I experienced the same thing but now I know I am madly, deeply, seriously in love with you, at kung okay lang sa iyo I'll help you to understand those feelings."

"P-pero...."

"Walang ng pero-pero, trust me its worth it. But if at the end you realized na hindi Love yung nararamdaman mo para sa akin, I am willing to let you go, together with my feelings to you."

Oo may nararamdaman ako pero I am not sure what it is, hindi pa ako nainlove before, ano ba ang pakiramdam? Siguro noon nagka-crush ako, pero lumaki na ako unti-unti ko nang nakalimutan iyon.

"B-aka n-naman crush lang yan Alex."

"Mas marunong ka pa sa akin Liezel, feelings ko ito kaya hayaan mo ako. Basta alam kong mahal na kita! Siguro nung una crush pero habang tumatagal I am starting to fall inlove with you!"

😳

Kasi naman... bakit sa kanya ko pa nararamdaman ito. Am I ready? Baka naman lalo lang magalit ang pamilya ko nito, tapos nandiyan pa si Chelsea. Willing ba ako to take the risk?

"Aminin mo na kasi."

Letse namang pagiisip ito sumingit ka nanaman.

"Ayan na te umi-effort na ulit."

Bumalik ka na nga lang sa pinanggalingan mo wag ka ng epal.

"Gaga! Tulad ng sinabi ko parte ako ng utak mo paano ako aalis."

"So ano na, will you allow me to court you?"

Hala! Paano kami napunta sa courting?

"Ligawan kaagad? Hindi ba pwedeng friends muna?"

"Nope! You see we've been friends since then so tapos na yung friendship stage."

"Go na te, para malaman mo na rin kung love nga yang tinitibok ng puso mo."

"Sigh!!!!"

"Ang haba naman nun, okay ka lang?"

"Ang bilis kasi parang yung ginawa mo lang nung nakaraan, wala man lang heads up."

"So hindi pwede?"

"Uy te wag mo na pakawalan!!!"

"H-hindi naman sa ganoon, ah eh s-sige pw-pwede na nga, pero kung okay lang wag mong masyadong ipahalata, gusto ko kasi wala munang makaalam hanggat hindi pa ako sigurado."

"YES! Ako bahala, secret lang don't worry. Salamat! Salamat! You won't regret this I promise." sabi niya sabay yakap sa akin.

Tama nga bang itry namin pumasok sa relasyon na ganito. Pero sa totoo lang wala pa naman, manliligaw pa lang daw siya pero....

"Naku nag-inarte pa masaya naman, nagtatatalon nga ang insides mo eh!"

Ayts!!! Baliw!

"Kung ako baliw! Ikaw naman Inlababo! Ayeehhh!!!"

Wala akong kaalam-alam pagdating sa ganito pero kung tutulungan niya ako maintindihan ang mga bagay-bagay ayos lang sa akin, sabi nga ni Inay hindi mo matuturuan ang sariling magmahal kusa na lang dumadating na hindi natin nalalaman.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Sixty Seventh chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. Hehehehehe! Pasensya na guys di ako macheesy na tao, but I tried po, and first time ko din po kasi talagang magsulat. Please bear with me. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon