Chapter 52- To Manila

1K 46 3
                                    

Liezel POV

"Nay tapos na po ako mag-ayos ng gamit ko, anong oras po ang luwas natin pabalik?"

"Mga hapon pa anak, kumain ka muna ng almusal dito."

Umupo na ako sa mesa at nagsimula ng kumain, habang nag-aayos si Inay napansin ko na parang tahimik ang bahay.

"Nay, nasaan po sila itay?"

"Si tatay mo maagang pumunta sa palengke kasama ni kuya Miggy mo. Yung iba nasa likod bahay lang. Anak mamaya pala bago tayo umalis mag-uusap tayo hindi pa tapos yung nangyari sa inyo kagabi."

"Opo inay. Pasensya na din po sa mga nangyari kagabi."

"Sige na anak tapusin mo muna iyang almusal mo, babalik din naman kaagad sina Itay mo dahil sasama sila sa paghatid sa atin sa terminal ng bus."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Inay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain tapos naisip kong puntahan ang mga kaibigan ko bago man lang ako umalis at bumalik ng Maynila.

"Inay tapos na po ako kumain ng almusal, lalabas lang po ako saglit para magpaalam sa kayna Colleen." pasigaw kong paalam kay inay

8:30am.....................

"Aling Natividad, gising na po ba sina Colleen?"

"Liezel ang aga mo yata akala ko maya-maya pa ang lakad niyo, ay di bale pakipuntahan mo na lang at gisingin silang magkakaibigan sabihin mo tatanghaliin na sila."

Iniwan ko na si Aling Natividad sa labas at agad na pinuntahan sina Colleen sa kwarto. Si Aling Natividad ang nanay ng bestfriend ko at tama kayo ng iniisip nakitulog yung dalawa dito sa bahay ni Colleen mas malapit kasi ito kumpara sa mga bahay nila.

Ano kaya yung sinasabi ni Aling Natividad na pupuntahan namin?

Pagbukas ko ng pintuan sakto namang papalabas si Precious ng cr.

"Liz nandito ka na pala tamang-tama gigisingin ko na sila Alona kasi may pupuntahan tayo."

"Ah eh! kasi Precious may sasabihan sana ako sa inyo kaya ako nandito."

Nagising naman na niya sina Alona at Colleen. Paano ko ba sasabihin sa kanila?

"Sandali parang alam ko na kung tungkol saan ito."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Kasi yung kaibigan ni mama na nagtitinda ng isda sa palengke tuwang-tuwa magkwento kahapon, hindi na daw isasara ang pwesto, wala ng mall na ipapatayo yung intsik na may-ari."

"Kailan ang balik mo?" agad namang tanong ni Colleen

"Mamayang hapon na, kaya ako pumunta dito para magpaalam sa inyo."

"Ang bilis naman Liz, wala pa nga isang linggo tayong nagkakasama, kailan ka babalik?"

"Pasensya na Alona, kahit man ako nagulat din. Hindi ko pa alam kung kailan kami makakabalik pero sana ngayon pasko nandito ako."

"Mami-miss ka namin." sabi ni Colleen habang papalapit sa akin

"Ano ba yan kulang nanaman ang apat na maria."

"Babalik din naman ako Precious hindi naman ako magtatagal, makapagtapos lang ako ng pag-aaral babalik ako dito."

Nilapitan na nila ako at isa-isang niyakap. Masaya talaga ako at may mga kaibigan akong katulad nila.

"Si Romeo pala nasabihan mo na?" tanong naman ni Colleen pagkatapos niya akong yakapin

"Malayo kasi yung haciendang pinapasukan niya kayo malabong mapuntahan ko siya, baka maiwanan kami ng bus ni Inay. Sana na lang ay maisipan niya kaming puntahan sa bahay. Kung hindi na kami magkita ngayong araw pakisabihan na lang na bumalik na ako at lagi siya mag-iingat."

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon