Chapter 15- Request

1.9K 64 0
                                    

Chelsea POV

Kausap namin ni Mama ang magkakapatid. I remember the last time we met was when their mother died pwera kay sweetie syempre magka-school kaya kami. Sila Andy at AJ kasi ayaw pumasok sa university na pinapasukan namin kaya bihira ko lang din sila makita at makausap.

"Chels kamusta pala squad mo? Balita ko kay Alex nanalo daw kayo last time ah" sabi ni Andy

"Syempre as long as I'm with them they'll always win."

"Hahaha! Iba ka din noh! Ang taas di ko ma-reach, sabagay bata pa lang tayo competitive ka na."

"Ang taas ka dyan che"

Habang kausap nila si Mama napansin ko si Andy di pa rin nagbabago makulit pa din pero masayang kausap kasi nga madaldal, maraming kwento. Ito naman si AJ tahimik pa din pero kapag tinatanong siya ni Mama ay sumasagot naman, para bang batang version ng sweetie ko.

😁

Si Alex the same pa rin masyadong seryoso sa buhay buti na lang pinapansin at kinakausap din niya ako.

"Oo nga pala Tita we met someone earlier, actually she bumped into Alex, I think her name was Liezel." sabi ni Andy

"Ah yes anak siya ni manang Luz yung isang katulong namin, she goes to school with Chelsea, Tristan and Alex. Hindi mo ba siya napapansin Alex? Alam ko magkakaklase kayo."

"Yes po Tita, she's a transferee and nakikita ko naman siya sa school. I was surprised nga dito siya nakatira kaya pala magkakilala sila ni Tristan at Chelsea." banggit ni Alex

"I see, buti naman at kilala niyo na ang batang iyan, para sabihin ko sa inyo napakabait niya at matulungin. Biruin mo yun kapag may kailangan si Tristan o kapag hindi niya maintindihan yung lessons or assignments si Liezel ang nagtuturo at tumutulong. Kailangan na nga rin matapos si Tristan syempre tumatanda na rin kami ng Tito Antonio niyo, kaya dapat lang makagraduate na siya para may mag-manage na ng business."

"Good point Tita, in our case we have Alex who will handle everything kaya chill lang kami ni AJ." pabirong sabi ni Andy

"Teka bakit ba natin pinag-uusapan si Liezel? Ahm! Di ba invited din kayo dun sa party this Sunday, bakit di pa tayo sabay-sabay pumunta?" paningit ko

"To answer your questions, naintriga lang ako sa kanya also nakakagulat lang din na Liezel is working here while studying, with her beauty and manners mapagkakamalan mo siyang anak mayaman. For the party, yes invited pero di ako makaka-attend busy ako ng araw na iyon." sabi ni Andy

Kaasar naman itong si Andy, nasaan ang ganda at manners dun laking probinsya kaya yun anak pa ng katulong. Hayz! Nakakairita naman pati ba naman si Andy nagkaka-interest kay Inday eh mahirap lang naman siya. Maswerte nga siya kasi nakatira sya sa amin dito at nakakapag-aral sa isang famous university.

"Well how about you AJ di ba kapatid ni Philip si Kath so alam ko nainvite ka din sa party."

"Oo pupunta ako sabay kami ni Alex pero di din ako magtatagal kasi may exam ako kinabukasan."

"Alex pupunta ka?" gulat na tanong ni Mama

"Opo tita, I was invited together with my friends sandali lang din naman po kami, baka magalit din po si Dad kung magpapa-umaga kami, school day po kinabukasan." sagot ni Sweetie

"Well good for you, pagkaka-kilala ko kasi sa iyo iha eh taong bahay ba, di ka din sumasama sa Mom and Dad mo before or sa mga friends at mga kapatid mo. You always prefer to stay home and study or lagi kang busy ganoon.

"Correct ka diyan Ma kasi itong si Alex parang si Tito Xander seryoso sa buhay. Anything that is related sa work mas uunahin pa iyon." singit ko.

"Ayos lang yung maging seryoso at dedicated sa work kaya nga lumago ang business ng family niyo. But don't forget to enjoy life iha, sabi nga ng mga millennial today YOLO ba yun."

"Ma! Hindi bagay sa iyo, hahaha! Kung pupunta kayo AJ pwede ba sunduin niyo ako, kasabay kasi ni Kuya yung mga teammates niya."

"Chelsea di kasi ako ang magdra-drive passenger lang din ako. Siya ang tanungin mo." nakatingin sabi ni AJ kay Alex

"Alex request lang isabay ninyo na itong anak ko para ba di na kami mag-alala pa ng Tito Antonio niyo baka kasi kung anong mangyari nanaman sa kanya." sabi ni Mama

"Sure Tita, we will accompany her at the party. Pero baka sa party magka-separate na kami kasi nandoon yung mga friends niya so panigurado ko gusto din niyang makasama at makausap sila and I have my own friends."

"Oo naman iha, don't worry may kasama naman din si Chelsea."

"Kasama po?" pagtatakang tanong ni Alex

"Ay naku oo may isasama ako, nakakainis kasi si Papa ayaw akong payagan kapag hindi ko siya isasama." pasungit na sumbat ko

"Chelsea anak para din naman sa iyo yun nag-aalala lang din kami. Ayaw na rin naman maulit pa iyong nangyari before."

"Pero Ma bakit si Inday pa pwede naman iba na lang mukhang mahihirapan pa nga ako pakisamahan siya dahil di siya sanay sa ganoon."

"Nakiusap na nga lang kami sa kanilang dalawa ni Luz syempre bagong salta lang ang anak niya dito, wala pa masyadong experience pero tiwala kami ng Papa mo na mababantayan ka niyang maigi. At isa pa ayaw mo yun magiging close pa kayong dalawa, mabuting bata si Liezel anak you'll learn so many things from her and I know she will also learn new things from you." sabi ni Mama sa akin.

"So kasama mo pala si Liezel sa party, baka may oras akong dumaan. Mahilig ako sa mga babaeng pure para bang bagong silang na baby." ani ni Andy

"Tumigil ka nga Andy nakakahiya kay Mama. Kung ano-ano ang sinasabi mo. Ngayon sasama ka na narinig mo lang na kasama si Inday. Kaasar!" pabulong na sabi ko

Tumatawa lang si Mama sa nangyari sa amin ni Andy, si AJ naman walang pinagbago poker face pa din.

Alam niyo kapag naman pinag-uusapan ni Mama at Andy si Inday parang nag-iiba yung itsura at kilos nitong si Sweetie ko.

Hay! baka guni-guni ko lang iyon.

"O basta kayo na ang bahala sa anak ko Alex at AJ."

"Yes Tita don't worry, minsan ka lang naman mag-request sa amin." seryosong sagot ni Alex


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong fifteenth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now