Chapter 77 - Anak

1.1K 37 1
                                    

Alex pov

"Alex meet General Benjamin Santos, naging kaklase siya ng dad mo nung college but they still maintain contact after he went to PMA." pagpapakilala ni Atty sa akin

"Ito naman si Mr. Chavez one of our new investors."

Sa dinami-dami ng sinasabi ni Atty lalo lang sumasakit ang ulo ko. Paano pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko diretso ako dito sa mansyon namin sa bulacan. Yun kasi ang huling habilin ni Dad gusto niya dito sa ancestral house siya ilibing, nung una against pa nga kami dahil dapat dun siya sa tabi ni Mom pero wala na rin kaming nagawa.

Patuloy kami sa pag-iikot at pakikipagkamayan sa kung sino-sino. Hanggang ngayon nga di ko pa nakikita ang kahit isa sa mga kapatid ko.

"Ito naman si..."

"Bump!"

"Aray! Ano ba naman? Kaninong bata ito! Di mo ba alam na bawal ang makulit dito." sigaw ni Atty habang mahigpit na hawak ang bata.

"Aray! Masakit po. Bitawan niyo na po ako, di ko naman po sinasadya, hinahanap ko lang si Inay."

"Inay? Wala dito ang nanay mo baka nasa kusina. Sino ba ang nagpapasok sa iyo dito?"

Patuloy pa din sa pagtakas ang bata at kitang-kita na mas lalong hinihigpitan ni Atty ang kanyang pagkakahawak.

"Nasaan na ba yung mga gwardya? Guards! Guards!"

Hay eskandalo lang ito eh!

"Atty! Tama na yan at isa pa bitawan mo na yung bata, hindi mo ba napapansin na kanina pa siya nasasaktan. Ako na ang bahala sa kanya, hindi mo na kailangan pang tumawag ng mga guards."

"Pero Alex, baka anak lang ito ng mga katulong niyo at napad-pad dito mabuti pa at palabasin na."

"I know all our helpers even their family at I don't remember that child. Ikaw na muna ang bahala sa mga bisita at ako na ang mag-aasikaso sa kanya."

"Alex, hahanapin ka nila sa akin, tapos wala pa yung mga kapatid mo."

"Atty you know what to do, at yung mga kapatid ko dadating din yun."

Umalis kami nung bata at iniwan si Atty.

"Saan po tayo pupunta? Sabi po ni Inay wag daw po akong sasama kung kani-kanino."

"Ganoon ba, wag ka mag-alala I'm a good person, I'm not gonna hurt you, in fact may gusto ako ipakita sa iyo tapos hahanapin na natin ang nanay mo. Okay ba sa iyo yun?"

"Okay po."

😊

Ang cute ng batang ito. Parang may naaalala ako sa kanya.

"Tignan mo o, maganda ba?"

"Wow!"

"Wow!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now