Chapter 34 - Confrontation

1.2K 43 0
                                    

Chelsea POV

"Katherine bakit di ka pa pumapasok sa loob, dali na marami pa tayong pag-uusa..."

Bigo ako sa pagtuloy ng sasabihin ko kasi may napansin akong taong nakaupo malapit sa squad room namin, at hindi ko akalain na pupuntahan pa niya talaga ako matapos nung nangyari.

Nakakainis naman sa tuwing nakikita ko siya pati na rin si Inday naaalala ko lahat ng nangyari gusto ko ng kalimutan pero arggh! wala na badtrip na ang araw ko nito.

"Chelsea pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong niya

"Sige na Kath mauna na kayo sa loob, magsimula na din kayo sa meeting without me and just inform me of what you all talk about kung may changes sasabihin ko na lang sa inyo."

Nakapasok na sila sa loob ako naman nakatayo pa din dito sa pwesto ko, ewan lalapitan ko ba siya.

"Thanks, kala ko hindi mo nanaman ako kakausapin, kapag nagkakasalubong kasi tayo dedma ako sa iyo."

Hindi pa din ako gumagalaw mula sa kinatatayuan ko ni hindi nga din ako nagsasalita kasi alam ko magsasagutan lang kami the moment na magsalita ako.

"Uy lapitan mo naman ako, wala naman siguro akong sakit di ba? Dito na lang tayo mag-usap para may privacy na din."

Bakit ganoon mahal ko pa din itong jerk na ito despite of what happen. Oo galit pa din ako kasi nga nagseselos ako pero gusto ko pa din gawin ang lahat mapunta lang siya sa akin. Kahit na agawin ko pa siya sa chimay na yun. Alam ko naman na hindi papayag si Tito Xander kapag si Inday ang nakatuluyan niya noh, wala silang future.

"Kung wala kang masabi at ayaw mo lumapit dito ayos lang basta makinig ka lang sa sasabihin ko."

Linapitan niya ako, bakit ba angdami kong kaagaw sa iyo, ako din naman ang nauna pero iba ang nakinabang nung iwan ka pinilit kong mapalapit sa iyo nababaka-sakaling makita mo ako pala ang hinahanap mo pero hindi eh sa malayo ka pa din nakatingin. Kung naririnig mo lang itong mga sinasabi ko.

"Gusto ko lang humingi ng tawad doon sa mga nasabi ko nung party, I know you must have felt offended pero wala akong intensyon na gawin iyon. I understand na you care for me and that you like me but I want to be straight with you, I like someone else but I still consider you a close friend, magkababata din tayo which is why I care for you a lot as well."

Pinapakinggan ko lang iyong mga sinasabi niya, pero sa totoo lang nasasaktan na ako sa loob. Gusto ko na ngang umalis dahil panigurado hindi ko na kaya pa and I'm going to breakdown any moment now.

"Sana maintindihan mo din na kahit na sino pwede kong maging kaibigan kaya kung mapapalapit ako sa isang tao huwag mo sanang isipin na higit pa sa pagkakaibigan ang hanap ko."

"Bakit hindi ba?" Hindi ko na napigilan ang sarali ko at bigla kong natanong iyon.

"Chelsea, please ayoko makipagsagutan sa iyo, nililinaw ko lang para hindi na umabot sa gulo and no misunderstanding between us."

"Yung chimay ba Alex? Sagutin mo ako yung babaeng kakikilala mo pa lang ha, siya ba?"

Inantay ko ang sasabihin niya pero nakatitig lang siya sa akin, intense na titig na para bang may nasabi akong ikinagalit niya. Mali eh dapat ako ang may karapatan na magalit hindi siya.

"Chelsea, itigil mo na yang pagtawag mo dun sa tao ng chimay, inday at kung ano-ano pa lalo na kung nasa public place kayo. May sariling pangalan yung tao at Liezel iyon."

"Wala akong paki-alam nagtratrabaho siya para sa amin, I can call her whatever I want."

"Sinabi ko na nga ba walang saysay pa na kausapin kita tungkol sa kanya, pero tandaan mo sa oras na malaman ko lang na pinahihirapan mo siya ako ang makakalaban mo Chelsea."

Kitang-kita na seryoso siya sa sinabi niya pero hindi ako papatinag. After a few minutes nag-sorry siya ulit sa akin at nagpaalam na pero bago pa siya makalayo

"Mahal mo ba siya?"

Napansin ko na napatigil ko siya sa tanong na iyon. Inaantay ko ang sagot niya pero wala pa din.

"Ano ba Alex sagutin mo naman ako. Mananahimik ka na lang ba diyan."

Hindi niya ako hinarap pero nagsalita na rin siya

"I don't know yet but one thing is sure, I feel something especially when I'm with her, which is why friendship lang muna ang hanap ko ayoko siyang biglain."

Tuluyan na siyang umalis ako itong tanga nakatayo pa din naghihintay na siya'y bumalik. Nakakita na kayo ng gumuho na building di ba or any structure for that matter well just to let you know ganyan yung nangyayari sa loob ko ngayon lalo na dun sa huling sinabi niya.

Nagstay ako ng ilang minuto sa labas to compose myself ayoko kasing makita ng squad ko ang estado ko ngayon lalo na malapit na yung pep rally.

Argh!!!!! Alex ano ba kung hindi lang talaga kita mahal matagal na akong sumuko pero hinding-hindi kita hahayaan mapunta sa iba lalo na sa hampas lupa na iyon.

"Tapos na ba kayo mag-usap Chels kamusta?" tanong ni Katherine habang papalapit sa akin

"Uy! Bading may nangyari ba para kang nabagsakan diyan." si Toni naman ang nagtanong

Late ko na napansin na nakapasok na pala ako sa loob at sunod-sunod na sila nagtanong. Naririnig ko ang mga sinasabi nila pero pasok sa tenga at labas sa kabila.

"Gusto mo ba resbakan natin?" sabi naman ni Josie yung isang bading namin

"Magsitigil nga kayo ayos lang ako, kamusta yung mga napag-usapan niyo?"

"Sa totoo lang hindi pa kami nagsisimula kasi nga..."

"Kath and guys I'm okay don't worry, sige start na tayo."

"Kami bahala sa iyo bakla sabihin mo lang kung sino nandito lang kami"

"Ayos lang wala muna ngayon, baka lalo lang lumayo ang loob niya sa akin kung may ginawa ako."

"Tama na nga yan magsimula na tayo para makauwi na din." sabi ni Tina

Sinimulan na namin ang pag-uusap tungkol sa mga nalalapit na activities ng squad, nakikinig naman ako at may mga suggestions din lalo na sa mga routine na gagawin. Mag-fofocus muna ako sa squad namin pero hindi ibig sabihin sumusuko na ako.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- fourth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now