Chapter 82- Paghihiganti Part 1

996 30 1
                                    

Tristan PoV

Flashback years ago......

"Walang hiya ka! Ano nanaman itong kagaguhang ginawa mo!"

"Dad wag mong saktan si Kuya, may kasalanan din po ako."

"Tumigil ka Chelsea, go to your room!"

"Ikaw, pinalagpas namin yung mga kabulastugan mo, ngayon gagawa ka nanaman, mas malala pa at di ka na nakontento dinamay mo pa ang kapatid mo."

"Antonio! Tama na yan! Sa tingin mo ba magagawa ng anak mo yun, baka nagsisinungaling yung babae."

"Beth, si Liezel ang pinag-uusapan natin dito, kilala mo yung bata, mabait at hindi marunong magsinungaling."

"Basta! Subukan mong saktan ang mga anak natin ako ang makakaharap mo."

"Letche naman Beth! Bata pa ang anak natin, ni ang sarili nga niya hindi niya maalagaan, bata pa kaya."

"Tristan dun ka muna sa kwarto mo, may pag-uusapan lang kami ng papa mo."

..............................
"Kapag naisilang na siya gusto kong kunin ang apo ko , hindi mo naman kayang ibigay ang mga kailangan niya."

"Mam Beth hindi naman po pwede yun. Wala kayong karapatan sa bata. Maswerte nga po kayo at hindi ako nagsumbong sa ginawa ni Tristan."

"Kaya nga pina-ninindigan na naman ang bata, anak din yan ni Tristan kaya may karapatan kami."

"Anong nangyayari dito?"

"Sir pasensya na po, hindi ko na kayang manatili pa dito, ako na ang bahala sa anak ko at kahit kailan hinding-hindi siya magiging parte ng pamilya na ito."

...............................

"Pare kalat na sa skul ang ginawa mo."

"Oo nga dude nagawa mo yun sa katulong niyo pa."

..................................

Pak!

"Tignan mo ang ginawa mo unti-unti ng nasisira ang lahat. Pati ang mga negosyo ko naapektuhan na."

"Pati ba naman yan Anthony isisisi mo sa kanya. Kung hindi mo hinayaan at nakontrol mo ang sitwasyon di sana walang mawawala at nasisira ngayon."

"Ako pa ba ang nagkulang Beth, ako pa ba ang nagkamali.!"

...................................

"Kuya ano na ang mangyayari sa atin?"

................................

"Chelsea pack your things aalis na tayo!"

"Papa, san tayo pupunta? Pa-paano na sila Mama at Kuya?"

"I said pack your things!"

..................................

"Anak! Sorry I wasn't able to give you a better life. Sana pala tiniis ko na lang ang Papa mo."

................................

"Kuya! Bakit hindi mo siya inalagaan? Kasalanan mo ito, kung dahil..."

"Ako pa ngayon ang may kasalanan, hindi ba ginusto mo rin naman yung nangyari. Mas naging pabor pa nga sa iyo kasi wala na sila. Madali na lang mapunta sa iyo ang taong mahal mo. Ako hanggang sa huli dahil lang sa pagpipilit ko pero walang man lang nabuong pagmamahal. Nawala pa sa akin ang bata, na dapat kasama ko din."

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now