Chapter 3 - Collide

4.7K 112 0
                                    

Third person POV

Naunang dumating sina Alex at Max sa University. At dahil may oras pa sila nagyaya si Max na pumunta sa carpark kung saan maraming kainan. 

Habang nakapila si Alex sa Army Navy para bumili ng makakain si Max naman ay naghahanap ng pwesto para makakain din sila agad pagkatapos makabili ni Alex.

5 minutes later......

Nag-ring ang phone ni Max at ng sinagot niya, agad namang narinig ang boses ng boyfriend niya sa kabilang linya, nag-usap sila sandali at sa bandang huli sinabi niya sa kausap na puntahan na lamang sila sa Army Navy para maipagpatuloy ang pinaguusapan nila. 

Biglang dumating na si Alex dala-dala ang mga pagkain na binili niya, kumain sila ng panandalian dahil 30 minutes na lang magstart na ang first subject nila, nang maubos ito sinabihan na lang ni Alex si Max naitxt ang boyfriend niya na magkita na lang sa classroom para makaabot pa sila sa first subject dahil terror ang prof. 

Agad namang ginawa ni Max ang sinabi ni Alex habang sila ay naglalakad papaunta sa Commerce Building.

....................................................................................................................

Nakapag-park na si Tristan sa may tapat ng building nila at nagmamadali na silang lumabas dahil 5 minutes na lang ay male-late na sila. Tumakbo sila papuntang elevator dahil nasa 4th floor ang classroom nila, huling nakapasok ng elevator sina Liezel at Alex ng tumunog ito indicating overload na. Since mabait at gentlewoman si Alex agad-agad na siyang umakyat at tumakbo na sa may left side na hagdan para di mahuli sa klase. Meanwhile di pa rin tumitigil sa kaka-tunog ang elevator at tinutulak na ni Chelsea si Liezel at sinasabing overload pa, baba na. Hindi na nagdalawang isip si Liezel agad na bumaba na rin siya at nagtungo sa may right side na hagdan at tumakbo, naisip niya sa right side na lang kasi banda doon ang assign classroom niya.

Malapit na silang dalawa ng biglang 

.

.

.

*BUMP!* 

.

.

.

Alex POV

"Okay ka lang ba?" tanong ko dun sa babaeng nakabangga ko na ngayon ay hawak ko na.

"ah! eh! eh!..."

:0 

" Miss I'm asking you a question, are you ok?" seryosong tanong ko sa kanya.

"ah! eh! o-ook lang ako kaya pwede mo na ako bitawan, maraming s...."

Di ko na inantay na tapusin ng babaeng iyon ang sasabihin niya late na ako at napansin ko ng papalapit na ang terror prof namin,  kaya pumasok na ako sa loob at nakita ko na dun yung dalawang love birds magkatabi sa may likod. Sumenyas naman sa akin si Max at tinuro yung bakanteng pwesto sa may kanan niya, sayang gusto ko pa naman sana umupo malapit sa may bintana. Naupo na ako at napansin ko na sabay pumasok ang prof namin at yung babaeng nakabangga ko kanina at dahil wala ng ibang open space umupo siya sa katabi kong upuan dahil ito na lang ang bakante.

Hay! ito nanaman walang katapusan na "Introduce yourself" buti na lang sa pwesto lang namin at hindi na kailangan pumunta sa harap. Nagsimula sa terror prof namin well medyo kilala nanamin siya dahil nababanggit siya ng ibang higher year before. Makalipas ng maraming turn napunta na yung chance dun sa katabi ko at nagstart na siyang magpakilala.

So Liezel Guinto pala ang pangalan niya ngaun ko lang siya nakita sa skul na ito at yun nga tama bago lang siya base dun sa nabanggit niya transferee siya mula sa probinsya. Bakit kaya nagtransfer pa siya kung last year naman na niya sa college, buti na lang at na-credit yung mga previous subjects niya. 

Next naman ako well usual, name, reason bakit dito nagaral at kung bakit ito ang kinuha kong course, nasabi ko naman na lahat at isa pa kilala naman na ako kaya tinigil ko na lang hanggang doon at umupo na ako. After finishing the introduction part ay nagsimula na ang prof namin, binigyan niya kami ng mga list ng ita-tackle for the rest of the semester at syempre yung book reference sinama na rin niya para maging ready na kami for the recitation and reporting.

2 hours later......... 

"Hay! Salamat natapos din ang class natin kay Ms. Batumbakal, lam niyo nakaka-kaba siya sa totoo lang, kala ko nga magtatawag siya simula pa lang ng klase buti na lang di pa." sabi ni Al habang papalapit sa pwesto ko.

"Ganoon talaga di pa naman natin alam ang mga topics na idi-discuss niya kaya wala pa tayo maisasagot kung saka-sakali but if we previously tackle that specific topic makakasagot pa tayo." sabi ko kay Al

"Tara na labas na tayo tutal free period naman natin mamaya pang 11 yung next class natin, gusto ko muna kumain di pa kasi ako nagbre-breakfast dumiretso na ako kaagad dito." ani ni Al.

Tumayo na ako sa upuan ko nang mapansin ko na wala na pala yung babaeng iyon, well baka dito lang sa subject na ito kami magkaklase. Nagtungo na rin kami sa carpark para maghanap ng makakain ayaw na rin kasi lumabas ni Max baka daw malate kami sa next na class namin.

.................................................................................................................

Liezel POV

Nakakaasar talaga yung nangyari kanina muntikan na nga ako malate, nakabangga pa ako at ang sakit ha. Sino ba kasi yung taong yun ang sungit din at pa-english english pa siya. Sana lang sa isang subject lang kami magkaklase. Mukhang minamalas ata ako ngayong first day ko ah, please naman po wag naman magtuloy-tuloy hanggang pag-uwi ko. Natapos na din itong klase namin kanina pa ako nagugutom kaya agad- agad na akong lumabas. 

Nang makarating ako sa labas nagpunta ako sa mga upuan malapit sa field at kinain ko na yung pinabaon sa akin ni inay. Wow ang paborito ko pala ito, kaya pala sabi ni inay magugustuhan ko daw itong baon ko hahahaha syempre da best combination talaga ang tilapia at kalabasa, healthy pa. 

Habang kumakain ay nakita ko na kausap ni Chelsea ang mga kasama niya sa cheering squad marami din pala sila, siguro marami na silang napanalunan na competition mukhang magagaling yung mga squadmates niya. Kaya naman pala popular bukod na sa magaganda ang mga babae at kagwa-gwapo ng mga lalaki ay physically fit pa sila. Andami ding mga estudyante dito sabagay malaki at kilala ang university na ito sa buong Pilipinas at mahal din dito noh, can't afford ng mga katulad namin buti na lang scholar ako.

After 20 minutes naisipan ko na muna magikot-ikot kasi nga sa sobrang laki nitong university ay feeling ko mawawala pa ako, para na din makabalik ako kaagad para sa next subject ko. 

Naglalakad na ako pabalik habang tinitignan ko sa registration form ko kung anong subject ang next, ayun 11:00 am Human Behavior in Organization room 310 Mr. Felipe, tamang tama malapit na rin naman na ako sa building maibalik na nga itong form ko sa ba.....

  *BUMP!*  

"Aray!" sabi ko dahil tumama na pala ang pwet ko sa sahig. 

"Are you okay, here let me help y.." hindi na niya naituloy yung sasabihin niya at nagkatitigan lang kaming dalawa.

(O.o)

Bakit ikaw nanaman sa dinami-dami ng tao dito sa university.



Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong third chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)    

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now