Chapter 64 - Probinsya o Maynila

827 38 3
                                    

Liezel Pov

"Liezel ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, wala kang kasalanan, hindi din naman ikaw ang nagsimula, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Mahirap din po kasi Inay, dapat hindi na lang po ako gumanti. Nagkamali din po ako, kaya mahirap sabihin na wala akong kasalanan."

"Aysus! Ang bait-bait talaga ng Inday ko. Di ba nasabi ko na sa iyo dati pa na okay din kahit minsan yung pinagtatanggol mo ang sarili mo lalo na alam mo na wala ka naman inaapakan na tao o ginagawang masama." sabi niya habang yakap-yakap ko

Iniwan ako ni Inay at pumasok na sa loob para mag-ayos ng gamit. Ilang araw na rin ang nakalipas, nandito kami ngayon sa bahay nung isang kasama namin na katulong nakakahiya na nga kasi dalawa kami ni Inay ang pinapakain at pinapatira nila. Yung pera naman natanggap namin ayaw pa galawin ni Inay kasi iyon daw ang gagamitin namin para sa allowance ko.

Makalipas ng ilang minuto....

"O anak tapos na akong mag-ayos ng mga damit natin. Dito muna tayo hanggat hindi pa ako nakakahanap ng ibang trabaho, konting tiis lang bunso ha!"

"Nay ako pa! Sanay yata ako sa hirap. Huwag po kayo mag-alala tutulungan ko po kayo. Maghahanap din ako ng part time."

"Yan ang huwag mong gagawin, malapit ka ng makatapos kailangan doon ka mag-focus lalo na under scholarship ka pa din."

"Pero nay!.."

"Chona bakit dito mo naman dinala yan mga yan, andadami na nga nating pinapakain tapos nagdag-dag ka pa."

"Gener hinaan mo nga yang boses mo, nakiusap lang naman sa akin yung matanda, kahit mga ilang araw lang hindi naman silang magtatagal."

"Ah basta dapat umalis na sila agad-agad. Hindi naman tayo mayaman para magkupkop."

"Anak, pasensya ka na ha! Ayoko kasing wala kang tutulugan dito sa Maynila ngayon na nag-aaral ka pa. Bukas na bukas maghahanap na ako agad kahit maliit na sahod lang para na din makalipat na tayo."

Ngumiti na lang ako at humiga na sa tabi niya.

"Goodnight anak."

"Goodnight nay."

Naawa ako kay Inay at sa sitwasyon namin. Ipinapangako ko mag-aaral akong mabuti para mabigyan sila ng magandang buhay.

Friday.......

"Alex hindi kasi ako pwede mamaya may pupuntahan ako, baka bukas na natin pag-usapan yung project natin."

"May problema ba?" pag-aalalang tanong niya sa akin

Dahil sa kanya naghihirap kami ngayon, gustong-gusto kong ibaling sa kanya ang sisi at galit ko pero hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko na ganyan. Mas mabuti pang layuan ko na siya pero kapag tungkol sa school works ready akong makipag-cooperate but anything outside that as much as possible iwasan ko na.

"Liezel ayos ka lang ba? Para kasi.."

"Wala ito, marami lang akong iniisip. Basta bukas tutulungan kita. Excuse me kailangan ko na talagang umalis."

Hinarangan niya ako ulit

"If there is anything I can help sabihin mo lang."

Iniwan ko na siya at nagmamadali papunta sa nakuha kong part time.

"Bakit ngayon ka lang? First day mo pa naman."

"Mam Tere may kinausap lang po ako sa school tungkol sa project."

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon