Chapter 73- Goodbye

857 34 0
                                    

Alex pov

Naisipan ko munang uminom kahit konti lang para may lakas ng loob ako kapag nakita ko si Jen.

Matapos ng pangatlong bote nagtungo na ako sa bahay niya habang medyo sober pa at madali pang magdrive.

Bakit nakabukas itong pinto?

Hindi kaya pinasok na siya?

Nagmadali akong pumasok para makita kong safe siya pero laking gulat ko na lang at

"ANO ITO?"

Hindi ko na alam kung ano pang ginagawa dahil punong-puno ako ng galit.

Binugbog at pinagsisipa ko siya habang minumura.

Iniwan ko na sila baka makapatay pa ako.

Hinabol niya ako, gusto ko man makinig sa paliwanag niya pero magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko at dahil doon hindi ako makapag-isip ng tama. Ayoko siyang saktan kaya pagkatapos nun ay umalis na lang ako.

Nagmaneho ako ng mabilis at kung saan-saan ako pumupunta para lang makalimutan ko ang nakita at narinig ko.

Calling Dad........

"Ano nanaman ang gusto mong gawin ngayon? Narinig ko sa secretary mo na nagpabook ka ng flight, one way lang."

"Dad please listen to me first!" pasigaw na sagot ko sa kanya

"Sinisigawan mo ba ako Alex?"

"Sorry po dad but just hear me and then tatanggapin ko lahat ng sermon mo after."

"Ok go ahead."

"Nakausap ko na ang mga professors ko at dean ng college namin about the early graduation, and I said yes. Matagal na nila sinasuggest sa akin iyon dahil nga advance na rin naman ako. Ngayong nag-agree ako pwede na akong pumunta ng US to continue further studies just like you wanted. I will do that for you but I will not agree on taking Chelsea as my wife. Kapag pinilit niyo pa din ako, magkalimutan na tayo."

"Ok."

Yun lang ang narinig ko sa kanya kaya binaba ko na ang phone ko at kinausap yung bartender.

"Bigyan mo ako ng isang bucket ng beer." sabi ko dun sa waiter

"Sir pasensya na po medyo maaga pa kasi.."

"Bibigyan mo ako o gusto mo ipasisante na lang kita. Kilala ko ang may-ari nito at kayang kaya kong gawin yun. Pwede ko pa nga bilhin ito at ako ang magiging amo mo."

Natakot siya at agad na inilabas ang hinihingi ko.

Alam kong di ako pwedeng uminom pero hindi ko maiwasan, sa tingin ko kasi ito lang ang makakapag-palimot sa lahat ng nangyari.

Nakakatuwa lang kasi nakaka-apat na bote pa lang ako pero hindi ko na kaya at....

"Sir gising na po, ginabi na po kayo dito. Maya maya lang ay magbubukas na kami."

"Ano ba istorbo ka. Nasaan na yung iniinom ko. Sinabi ko bang tapos na ako."

"Pasensya na po sir. Lasing na po kayo baka kung anong mangyari sa inyo kargo di konsensya pa namin kayo."

"Ayst ashar naman itong bartender, sige na, o yung bayad ko, keep the chwange."

Nagmamaneho ako ng dahan-dahan kasi medyo nahihilo na ako at sa totoo lang hindi ko na alam kung nasaan ako.

Mga ilang oras na pagdra-drive at tumigil ako sa harap ng bahay niya.

Ano bang ginagawa mo dito Alex? Ganun ka na ba katanga at kabaliw sa kanya?

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now