Chapter 84- Ibalik mo ang anak Namin!

1.2K 36 2
                                    

Liezel pov

Bakit ganoon sa tuwing masaya kami may kapalit na panganib o kalungkutan. Gusto ko lang naman ng happy ending tulad dun sa binabasa kong istorya para sa anak ko. Mahirap ba yun? Wala naman akong ginawang masama, nagmahal at nangarap lang ako, pero bakit ganito ang bumalik sa akin.

Panginoon sana po walang mangyaring masama sa anak ko at sa mga taong mahal ko.

Pagkatapos makipag-usap ni Alex lumapit siya sa akin.

"Umuwi muna tayo sa mansyon, sabi ni Atty sa akin baka dun tumawag ang mga kidnappers. Nakita siguro nilang kasama ako kaya..."

"Alex wala naman kaming pera, hindi ako mayaman. Please ibalik mo ang anak ko! Please!" pagmamakaawa ko sa kanya

"Ako na ang bahala, kung kinakailangan ubusin ko ang lahat ng pera ko at tauhan ko maibalik lang siya sa atin."

Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagtungo sa mansyon. Nakita ko naman sa labas na madaming pulis may mga sundalo pa nga.

Nang makapasok kami pinaupo muna niya ako sa may living room. Kinakausap na niya yung commanding officer ng sundalo at pulis pati na din yung secretary yata niya yun at yung abogado.

Kaunti lang ang naiintindihan ko sa mga sinasabi nila dahil na rin sa kaba ko, anak ko yun nag-iisang anak ko ang nawawala, siya ang pinakamahalagang meron ako na kahit anong pera o kung ano man hinding hindi maipagpapalit.

"Kumalma ka na ba kahit papaano? Ito uminom ka muna ng tubig." sabay abot sa akin ng baso

"Alex hindi ako kakalma hanggat hindi ko kasama ang anak ko. Alam mo naman na.."

"I know! I know! Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko maibalik lang siya."

Nakita ko naman ang pagod at lungkot sa mukha niya.

"Pasensya na, alam ko, nakikita ko ang effort mo pero magulang at nanay ako kaya hindi maaalis sa akin ang kaba."

"Pumayag yung establishment na ipakita ang mga cctv sa zoo kaya may nakuha na silang lead. Namukaan kasi yung isa sa mga kumuha, nasa wanted list daw. Hindi naman daw ito ang modus nila kaya nagtataka sila kung bakit biglang kidnapping ang ginawa."

"Ano na ang susunod? Makukuha na ba nila ang anak ko ngayon din?"

"So far ang sabi pa lang sa amin ay mga possible hideouts iisa-isahin daw nila iyon. Ansabi ko naman sa kanila magpapadala pa ako ng ibang tao para di magtagal sa paghahanap, kasi kung iisa-isahin nila ang bawat lugar lalong tumataas ang chance na makalipat at mailayo agad ang bata."

"Sir ito na po yung pinapadala niyo." abot ng secretary niya

"Inumin mo ito para mawala yung kaba mo at makapagpahinga ka. Ako na ang bahala sa pagretrieve kay Alexa. Dito ka lang muna sa bahay. May mga bodyguards naman sa labas."

"Hindi pwede, sasama ako sa inyo. Kalmado naman na ako kumpara kanina,dahil alam kung nandiyan ka at you will do everything for me and Alexa."

"Wala ka pa rin pinagbago." sabi niya sa akin habang naka-smile

"Ha?"

"Matigas pa din ang ulo mo at syempre yung isa ko pa sa mga nagustuhan kong qualities mo palaban."

"Baliw ka talaga!"

................................................

8hours na ang nakalipas

Nawawalan na ako ng pag-asang makita pa siya. Yung secretary ni Alex pati si Atty naiwan sa mansyon para kung may tumawag at humingi ng ransom ready sila. Pero kanina pa niya katxt yung secretary niya at hanggang ngayon wala pa kahit anong tawag.

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now