Chapter 68- This Time Part 1

882 34 0
                                    

Liezel POV

Magdadalawang linggo na ang nakalipas , nasasanay na rin ako sa kanya lalo na at madalas kaming magkasama. Marami nga din ang nagtataka eh, kahit si Ange nilapitan na ako para tanungin kung anong meron sa amin. Hindi ko naman kayang magsinungaling kaya nakwento ko na din sa kanya ang mga nangyari simula nun. Mabuti na rin siguro yung may napagsasabihan ako, pero sa kanya lang.

Kararating ko lang sa university, kadalasan nandito na siya ah!

"Uy! Sinong hinahanap mo diyan?"

"Papatayin mo naman ako sa gulat. Hinahanap? Ah eh di yung stalker ko." pang-aasar kong sabi sa kanya

"Grabe! stalker daw, di ba pwedeng admirer na lang mas maganda pakinggan. Kumain ka na ba?"

"Hahaha! Stalker na lang. Oo nagbreakfast na ako."

"Sayang may dala kasi ako. Its my first time making it, naisip kong ibigay sa iyo para matikman mo."

"Akin na!"

"Ha?"

"Ibigay mo na sa akin, kakainin ko."

"Baka busog ka na, may class pa tayo."

"Bibigay mo ba o hindi?"

"Sabi ko nga, ito na."

Hahaha! Ang cute!

Masaya ako nitong mga nakaraang araw, bukod sa makulit itong kasama ko napaka-maalaga niya. Para akong prinsesa, minsan nga ayoko nung ginagawa niya pero tinotolerate ko pa din. Gusto ko yung mga ginagawa niya kasi I feel loved.

Matapos kong kainin yung dala niya, nagpunta na kami sa first class namin at nagpatuloy lang ang araw namin tulad ng dati.

3:30pm.............

"Okay class that's all, see you tomorrow."

Lumabas na ang professor namin, saka ko napansing papalapit na si Alex.

Psst!

Aba! Ano problema nito?

"Uy puntahan mo ako sa council room ha! may pag-uusapan lang tayo bago kita ihatid sa apartment mo."

Over talaga maka-utos, di bale ang cute cute naman.

"Ok po, sasabihan ko lang si Ange baka hanapin ako mamaya eh!"

Tumango na lang siya at umalis agad kasi nakakahalata nanaman yung iba, nandito pa sa loob yung grupo ni Chelsea.

Kakaiba nga lang kasi nung mga nakaraang araw tahimik sila, kahit yung leader nila walang paki-alam, ang buong akala ko nga pagbalik ko eh bawian niya ako pero wala, dedma lang. Okay na din yun ayaw ko na rin ng dagdag pang iniisip at walang gulo sa pagitan namin.

"Liz, tara kain tayo, nagutom ako sa lecture ni sir."

"Pasensya na Ange, may nagyaya na kasi sa akin."

"Ay naku kilala ko na yan, oh well ayos lang, bukas sabay tayo ha!"

"Sige! Pasensya na talaga."

Bago umalis si Ange at sakto namang kami na lang dalawa ang naiwan sa classroom, sinabihan niya ako na laging mag-ingat kasi hindi porket walang ginagawa ang grupo ni Chelsea ay sumuko na siya, baka daw mamaya nagplaplano pa lang ng kung ano-ano.

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon