Chapter 85- I Love You Inday (END)

2.2K 40 2
                                    

Alex Pov

3 YEARs LATER.............

"Alexa, Leo wag kayo masyadong lumayo, kakabahan nanaman ang mami niyo."

"Opo!" sabay na sigaw ng dalawa.

"Hon lalapitan ko lang yung dalawa ha! At madaling pawisan baka magkasakit."

"Ay ang asawa ko talaga!"

"Ano?"

"Di mo pa kasi ako pinapatapos. Ang asawa ko talaga sobrang maalaga."

"Syempre dati kayang wonder yaya ang napangasawa mo."

Natawa na lang kami parehas sa nasabi niya. Pagkatapos nun ay pinuntahan na niya ang mga anak namin.

Nakaupo ako dito sa may tabi ng swimming pool habang tinatanaw ang the best kong pamilya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ilang taon na ang nakalipas tsaka lang kami bumalik, mabuti pa at ikwento ko na lang kung ano ang mga nangyari. Tandang-tanda ko pa ang araw na yun akala ko kasi di ko na makikita pang muli ang mga mahal ko....

Flashback 3 years ago.....

"Ngayong wala na yung mag-ina ko, tayo naman ang magtutuos."

"Baliw ka na Tristan. Pagsisisihan mo ang ginawa mo. Sa tingin mo makakatakas ka pa."

"Sinong tinawag mong baliw, baka ikaw yun, alam ko naman na hindi kayo tutupad sa mga sinabi ko, pero bago pa sila makapunta dito PATAY KA NA!"

"Sumuko ka na, pati na rin ang mga kasama mo. Napapaligiran na kayo. Di na sila makakalayo dahil sa labas pa lang marami nang mga pulis at sundalo. Paglabas nila aarestuhin na yung mga kasabwat mo at maliligtas na ang pamilya ko."

"Keep on dreaming tomboy. Hinding-hindi mapupunta sa iyo sina Liezel at ang anak ko. Ni hindi ka nga nila kadugo, wala kang relasyon sa kanila, in the first place outsider ka lang."

"Ako pa talaga ang tinawag mong outsider. Sige nga, Sino ba ang mahal ni Liezel? Sino ba ang successful at kayang panagutan at alagaan silang dalawa? Base dun sa mga sinabi ko wala kahit isa ang tumama sa iyo."

"TUMAHIMIK KA!"

"Hindi ako tatahimik, kailangan mo marinig ang totoo at tanggapin ito. Una pa lang ako na ang mahal niya hanggang ngayon naman. Pinagpipilitan mo lang ang sarili mo sa kanya, nagpapakapagod ka lang, niloloko mo lang ang sarili mo. Sige aminin natin ikaw nga ang tunay na ama, pero do you think karapatdapat ka pa? Do you think may mukha ka pang ihaharap sa anak mo? Kung nagbago ka sana, tumino, eh di sana may oras ka kasama ang bata. Mas pinili mo ang madilim at lubak-lubak na daan kaysa magpursigi sa buhay."

"G@go ka! TUMAHIMIK KA NA SABI! Akala mo ba ginusto ko lahat na nangyari sa akin hanggang sa araw na ito. Puro na lang kamalasan at masasakit na pangyayari ang nadanas ko simula noon. Nagalit sa akin ang mga magulang ko lalo na si papa, kalat na sa buong school ang ginawa ko pati nga din sa media, di na ako nakapagtapos o naituloy pa ang pag-aaral ko, nag-away at naghiwalay ang mga magulang ko, nagalit ang kapatid ko sa akin at ayaw na akong makita o makausap man lang, namatay ang mama ko na wala man lang akong nagawa, naghirap ako at ito sumama sa isang sindikato. Dahil lang sa isang pagkakamali. Ang unfair ng mundong ito. KAYA NAPAGISIP-ISIP KO BAKIT AKO ANG NAGHIHIRAP, HINDI NAMAN AKO ANG MAY KASALANAN. KUNG DI LANG DAHIL SA IYO, NASA AKIN PA ANG LAHAT MGA MAGULANG KO, KAPATID KO, KAYAMANAN NAMIN, KINABUKASAN KO AT HIGIT SA LAHAT SI LIEZEL!"

"HUMANDA KA NA KASI PAHIHIRAPAN KITA PAUNTI-UNTI TAPOS ISANG BALA KA LANG! HAHAHA! HAHAHA!"

Habang tawa siya ng tawa ay dahan-dahan kong tinatanggal ang pagkakatali ng di niya nahahalata.

Successful na sana kaso bigla niya akong sinaksak sa tiyan.

"Argh!!"

San galing yun?

"Hahaha! Masakit ba? Pwes di lang yan ang aabutin mo sa akin."

"Ah!! Ah!!"

Ang sakit sa hita naman niya ako tinamaan. Kailangan ko na maalis itong tali habang busy pa siya sa kakatawa at kakasalita.

Ayun! Yes natanggal na din. Habang nagsasalita siya nagpanggap akong nakatali pa din buti na lang di ako kinapkapan kanina, nasa akin pa yung baril na dinala ko.

"Mamamatay ka na ngayon Alex! Hahahaha! Ito na ang pinakaaantay kong araw! Matutupad na ang kahilingan ko ang mabaon ka sa hukay at makasama ko na si Liezel! Hahaha!"

1-2-3

Bang!

"Buhatin niyo na siya dali...."

"Magready kayo for operation....."

"Kumuha kayo ng maraming dugo blood type...."

Present day.........

Matapos nun wala na ako maalala. Nagising na lang ako na nakahawak sa mga kamay ko sina Jen at Alexa. Naikwento nila sa akin na 1month na pala akong natutulog, para bang na-coma. Sabi daw ng doctor common yun lalo na at maraming dugo ang nawala sa akin at trauma na din. Buti nga daw at naitakbo ako agad kundi di na ako maagapan. Si Tristan nabaril ko pero sa may dibdib malayo sa puso kaya nailigtas din ang buhay niya. Nakakulong na siya sa bilibid nang pang-habang buhay.

Pumunta kami sa Amerika nang makalabas ako sa ospital. Pinaasikaso ko sa secretary ko ang lahat para madala ko yung mag-ina ko dun. Doon na rin kami nagpakasal at nag-kaanak. Syempre nag-undergo kami ng procedure at si Jen ang nagdala kasi galing ako sa operasyon kaya baka daw magka-complications. Pumayag na rin ako kasi hindi nga pala bagay sa akin kasi ako ang tatayong padre de pamilya, nakakababae kapag ako yung nagbuntis hehehe! Ayun nga ang bunga si Leonard Jasper Monteverde sinunod ko sa pangalan ng nanay kasi nga yung pangalan ng panganay namin kapangalan ko. Ganap na anak ko na rin pala si Alexa, isa na rin siyang Monteverde. At sila ang inaasahan ko na magmamana ng mga ari-arian namin dahil ang mga kapatid ko may kanya-kanya nang pamilya at sariling business pero minsan nakikialam pa din sila. Next week nga may get together kami dito sa mansyon. Umuwi kami sa pilipinas kasi gusto ni Jen na lumaki sila sa sarili nilang bansa at malapit sa pamilya namin, sabi ko sa kanya pwede ko naman dalhin yung family niya - ay namin pala sa US para di na pabalik-balik pero nabatukan lang ako. Okay na rin sa family niya ang relasyon namin, tanggap na tanggap ako at masaya silang nagkapamilya na kami. Spoiled nga yung mga bata sa Lola eh!

Ang sarap talaga ng feeling, wala na akong hinihiling pa, kasi kumpleto na ang family at masaya kami.

"Hon! Gusto daw magswimming nung mga bata. Sasamahan ko lang baka malunod."

"Asawa ko dito ka na lang" sabi ko habang hinihila siya pabalik

"Di pwede, ni lamok nga ayaw ko ipadampi sa kanila paano pa kaya.."

"Sus kaya na nila yan, para saan pa yung swimming lessons na kinukuha nila. Dito ka na sa akin, namiss kaya kita."

"Naku naman naglalambing nanaman. Sino ba kasi nagsabi sa iyo na unahin yang meeting mo nag-extend ka pa. Ngayon ka lang tuloy nakauwi."

"Tama na, ako na may kasalanan. Dont worry babawi ako sayo mamayang gabi, malay mo makabuo pa tayo. Gusto ko pa kasi ng isa."

"Hoy! Abuso na yan ah, di naman ikaw ang nagdadala. Baliw ka talaga!"

Aba nagtampo. Pinuntahan ang mga anak namin sa pool. Tinulak ko nga sa tubig, pagkalipas ng ilang segundo nasa pool na din ako at masaya kaming nagtatawanan. I love my family at higit sa lahat I Love You Inday!!!

The End.

Pasensya na po kung napakahabang ending pero tinatapos ko na po ang story nila dito.

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now