★ TLS ~ Fourty three ♥

658 37 9
                                    

Kabanata 43

Laban

Tulala pa din ako. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Ramdam ko pa din ang hapdi sa aking mukha. Ang hapdi sa aking puso. Hindi ko siya dapat kinalaban. She's my mom. I shouldn't have done that.

"Are you okay?" hinawakan ni Clark ang kamay ko. Naka yuko ako sa kaniya. "Nicole?" tawag niya sa akin.

Hindi ako makatingin sa kaniya. Kinakain ako ng aking guilt. Kasalanan ko ito. Dapat hinintay ko na lang si Clark para. Dapat sabay kaming nag sabi.

"Hey baby, speak to me..." hinawakan ni Clark ang pisngi ko, yung side na hindi masakit, "look at me." itinaas niya ang mukha ko para maging magka eye-level na kami.

Nang mag tama ang mga mata namin, hindi ko na napigilan ang kinikimkim ko.

Umiyak ako. Niyakap ko siya nang mahigpita. Wala akong pakialam kung mabasa ang damit niya, kahit naman siya walang pakialam, basta mailabas ko lang ang sikip sa dibdib ko, ayos na.

Natuloy pa rin kami sa pamamasyal. Hindi kami nag pahalata kay Alex. Ayaw namin mag-alala ang bata. Naka ngiti pa rin ako kahit sa loob ay wasak na wasak ako.

Hinatid nila ako sa bahay. Bumaba din si Clark at nag lakad kasabay ko hanggang sa gate.

"You could always stay in my place if, you know..." kumamot siya sa batok niya.

Umiling ako. "Kailangan ko din itong harapin. This is my fault."

"Its not your fault baby. Sadyang na bigla lang siguro si Tita." sabi ni Clark.

Hindi ako umimik. Wala naman ako masasagot.

"Don't stress yourself. I love you, okay?" humalik siya sa pisngi ko at tsaka nag lakad pabalik sa kaniyang sasakyan.

May 19, 2015

Simula nung incident na nangyari sa amin ni mommy, hindi ko pa siya ulit nakita. Hindi pa kami ulit nag kita. Minsan madaling araw na siya dumadating tapos tulog buong araw. Ipinag bake ko siya ng cake at ilang tinapay. Nauubos ito pero hindi ko nakikita na siya mismo ang bumabawas.

Umalis ako at nag punta sa Mall of Asia. Ako lang mag-isa. Nag drive ako dun. Hindi ko sinabi kay Clark dahil alam kong susunod siya. Eh nasa school siya dahil may practice daw ang varsity team.

Nag-ikot ako. Bumili ako ng ilang damit. Stress-reliever ba.

Napadaan ako sa National Bookstore. Wala masyadong tao kaya pumasok ako. Tiningnan ko ang lamesa nila na kung saan ay naka patong ang mga bestseller nila.

Tiningnan ko ang ilang libro. Binaliwala ko ang lahat maliban sa isa. Kinuha ko ito at tiningnan ng mabuti.

If I stay

Hindi ko alam kung bakit ako tinamaan sa title. Pakiramdam ko ay ako ang nag sasabi nito.

What will happen if i stay? What will be my consequences? Will my love for Clark last? Will our love last? If i stay, will it last?

"What would you do if you had to choose?"

Napatalon ako sa biglang nag salita mula sa likuran ko. Nakita ko ang naka ngising si Ramin. Naka salamin siya kaya hindi ko siya kaagad namukhaan.

"Anung sinabi mo?" tanung ko sa kaniya.

Inagaw niya yung hawak kong libro. "Bibilhin mo ba ito?" tanung niya.

Inagaw ko ulit ang libro pero tinaas niya kaya hindi ko naabot. Nakatingin siya sa libro. Binabasa ang nasa likuran.

"Nakaka asar ka !" sabi ko at umalis na. Hinabol niya ako palabas ng bookstore.

Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon