★ TLS ~ Thirty five ♥

769 41 13
                                    

Sorry for the late update. Medyo busy lang at may inayos. Trailer at the side :) →

----

Kabanata 35

Bakit ako pa?!

Tahimik akong kumakain. Nag treat kasi sila Clark dahil nanalo sila. Nakuha nila ang 1st place sa basketball.

"Okay ka lang?" tanung niya sa akin. Tumango naman ako. Kahit hindi totoo. "But you barely touch your food. Gusto mo iorder kita ng iba?"

Sumenyas siya sa waiter.

"Wag na Clark. Sadyang busog lang talaga ako." sabi ko sa kaniya at pinabalik ang waiter.

"Busog? Eh ngayon ka pa lang naman kakain." nag taas siya ng isang kilay, "Anu ang hindi mo sinasabi sa akin?"

Tumingin ako sa paligid. Busy ang mga kaibigan namin sa pag-uusap. Hindi nila kami napapansin.

"Tungkol ba yan kay Ivan?" tanung niya. Tumingin ako sa mga mata niya. Hinawi niya ang buhok ko at inipit sa tenga ko. "Babe, I told you na wag mo nang isipin yun. Kahit ako ay walang ideya kung bakit siya nandito."

Sinabi niya yun sa akin dahil kinompronta ko siya. Tinanung ko siya kung bakit nandito ang boyfriend ng ex niya at bakit sila magkasama ng ex niya sa mga pictures.

"We are just friends." yan ang tanging sinagot niya.

I know that I sound like a jealous girlfriend pero iba talaga ang pakiramdam ko. Parang mayroon siyang hindi sinasabi sa akin.

Narinig ko siya nung nakaraang araw na may kausap sa phone. Sinasabi niya na i-untag daw ang mga pictures. Na curious ako at nakita ko na wala na sa photos niya ang pictures nila ni Jessie. Hindi na rin sila friends. Inililiko niya ang usapan sa ibang topic pag yun ang tinatanung ko sa kaniya. Ayokong mawala ang trust ko sa kaniya, pero siya din ang gumagawa ng dahilan para mabawasan ito.

"I'll just go to the restroom." sabi ko sa kaniya at humalik sa pisngi niya. Sasama sana siya pero pinigilan ko siya.

Lumabas ako sa kabilang exit. Gusto ko kasi muna mag pahangin. I need to calm my mind.

"Fate has a really great sense of humour." napalingon ako sa nag salita. Kahit nga hindi ako lumingon alam ko agad kung kaninong boses ito.

Naka sandal siya sa railing at nakatingin sa akin. May ngiti siya sa mukha niya.

"Biruin mo yun. Your boyfriend is the ex-boyfriend of my girlfriend." suminghap siya. "What a very small world."

Humarap ako ng buo sa kaniya.

"Bakit ka nandito?" I sound rude. Para bang may galit ang tono ko.

"Woah. What's with the tone?" maloko niyang sinabi sa akin.

Umirap ako sa kaniya. Typical Ivan. Masyadong mapresko. Masyadong mahangin.

"Hindi naman siguro masama mag bakasyon dito di ba?" nagtaas siya ng isang kilay.

"And nag kataon lang talaga na sa school ka namin napadaan?" pabalik na tanung ko.

Nag kibit balikat siya. "Hindi ko naman alam na sa school mo pala nag-aaral ang mga pinsan ko."

Napa awang ang bibig ko.

"P-pinsan?" tanung ko sa kaniya.

Tumango siya at lumapit pa nang kaunti. "Kung kilala mo yung Ibarra Twins. Sila iyong pinsan ko."

Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon