★ TLS ~ Fifteen ♥

1K 36 7
                                    

Kabanata 15

Si Tiny

Natulala ako sa labas ng bahay. Siguro mga limang segundo akong naka nga-nga. Hinintay kong maproseso ang sinabi niya.

Agad akong pumasok at sinundan siya. Madilim na din sa loob, siguro tulog na yung mag nobyo.

"Anu yung ibig mong sabihin kanina?" tanung ko sa kaniya ng maabutan ko siya na kinukumutan si Alex.

"Alin?"

"Yung sinabi mo kanina."

"Wala akong sinabi kanina." nag kibit balikat siya at tsaka umupo sa kama para mag hubad shoes.

"Pero sinabi mo ---"

Sumingit siya kaya natigilan ako, "Lasing ka na Nicole. Kung anu-ano naririnig mo."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako tanga. Hindi rin yun hallucination. Alam ko kung anu ang narinig ko. Oo, may tama na ako, pero nasa tamang pag-iisip pa rin ako.

Nag hubad siya ng tshirt at tumalikod na ako.

"Gumising ka ng maaga ah." sabi niya sa akin bago ako makalabas ng pintuan.

"Bakit?" tanung ko. Hindi ako humaharap dahil naka hubad ang pang itaas niya. Baka kung anu na naman ang maisip ko pag nakita ko ang mala captain america niyang katawan.

"Mag sisimba tayo...' naramdaman ko ang init ng hininga siya sa batok ko. Ang bilis niyang gumalaw. Kanina lang nasa kama niya ngayon nasa likuran ko na. Ni hindi ko siya narinig lumapit. Lumutang ba siya?

Napalunok ako at humarap. Nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Ang perfect niyang jawline. Ang kumikislap niyang mga mata. Dinilaan niya ng dahan-dahan ang kaniyang ibabang labi. Napa apawang ang bibig ko. Sumandal siya ng kaunti pero kumurap na ako. Umatras ako at lumabas na. Dumiretcho ako sa kwarto.

Nag bihis na ako at humiga sa kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anu ang nag wawala sa loob looban ko. Nakatitig ako sa kisame. Kailangan ko ng matulog pero ayaw pa ng puso ko. Anu ba itong nangyayari sa akin?!

Antok na antok ako ngayon dito sa loob ng simbahan. Naka luhod kami. Naka patong ang siko ko sa harapan at naka yuko ako. Halos malaglag ang ulo ko sa sobrang antok.

Nag hawak kamay kami para sa 'Ama namin'. Hawak ko sa kaliwang kamay si Kathryn at sa kabila naman si Alex na naka patong sa luhuran.

Napapansin ko na ang mga babae dito sa palagid ay panay ang tingin kay Clark. Oh come on! Hanggang sa bahay ba naman ng Diyos mag lalandi? May mga nag papacute pa.

"Now let's offer each other a sign of peace. Peace be with you."

Sabay-sabay kaming nag sabi nun. Nakipag beso ako kay Kath at si Daniel nakipag high-five kay Clark. Nag lipatan naman kami. Si Kathryn kay Clark at ako kay Daniel. Hinalikan ko si Alex sa pisngi at niyakap niya ako sa leeg. Nakita ko kung paano batiin nung babaeng nasa likuran namin si Clark.

Nagka harap kami ni Clark. "Peace." sabi ko sabay taas ang kamay na naka peace sign. Bigla naman niyang inilahad ang kaniyang kamao. Itinaas ko ang kilay ko. Ngumisi lang siya. Nakipag fist bump naman ako at humarap na siya sa harapan ng naka ngiti.

"I want pancake." hinigit ni Alex ang kamay ni Clark. Nag lalakad kasi kami ngayon. May mga kainan at grocery stores na malapit sa simbahan.

"Sige doon na lang tayo sa Jollibee." sabi ni Daniel. Naka akbay siya kay Kathryn.

"Sa tropical hut na lang." sabi ni Clark.

"Hindi naman kayo ang kakain, bakit kayo ang nag tatalo?" sabi ni Kathryn na dahilan kung bakit ako natawa.

Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon