★ TLS ~ Twenty five ♥

1K 43 14
                                    

Kabanata 25

Kahit isa lang

Isang dahilan kung bakit ayoko ng public na panliligaw ay ang mga atensyon na ibinibigay sa akin ng mga estudyante. Yung iba nakikipag kaibigan sa akin. Yung iba basta-basta na lang tatabi sa akin. At wag ka, na experience ko din yung may nag papicture.

Nakakabaliw itong ginawa ni Clark. Hindi lang ng pag-iisip kungdi pati na din ng puso. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo. Hindi gaano nakaka halata ang daddy niya at mommy ko dahil pareho silang busy. Napapa dalas ang pag aout of country nila. Civilized naman sila kaya okay lang. Mas maganda yung ganun kesa sa mag tratuhan sila na parang walang nakaraan.

"Good morning bebu !" nagulat ako sa paglitaw ni Clark sa likod ko. Buti na lang dun kami nakaupo sa labas ng library.

"Anu tinawag mo sa akin?" tanung ko sa kaniya.

Hinila niya yung upuan sa kabilang lamesa at itinabi sa akin. Inikot niya ito para ang likod ay sa akin naka harap at tsaka siya umupo.

"Bebu. Bakit?" nakaka loko ang ngiti niya. Para siyang amazed sa sarili niya.

"Saang galaxy mo naman yan nakuha?" binalik ko ang atensyon ko sa libro.

"Ako naka isip nun no !" mayabang niyang sagot. "Yun ang tawagan natin pag sinagot mo ako."

"Paano ka naman nakaka siguro na sasagutin kita?" tanung ko sa kaniya.

Kinuha niya yung lapis ko para mapunta ang atensyon ko sa kaniya.
"Kasi hindi ka naman mag papaligaw sa isang tao hangga't alam mong wala siyang pag-asa. Eh nag 'Yes' ka sa akin with matching close eyes pa, edi ibig sabihin malaki ang chance ko."

Hinarap ko siya. "Alam mo ikaw,ang dami mong alam pag dating sa ganyan. Ang landi-landi mo. Kung sa mga libro mo ginagamit ang kalandian mo, siguro kanina pa tayo tapos dito."

Patuloy siya sa pag laro ng lapis ko habang nakatitig sa akin. Pinapaikot niya ito sa daliri niya.

"Hindi ka man lang ba mag seselos dun sa mga libro na lalandiin ko?"

Napatigil ako sa pag susulat at tumingin sa kaniya. Hininto na niya ang pag lalaro sa lapis.

Mag sasalita na sana ako kaso biglang may humampas ng lamesa kaya nagulat kami.

"Nandito lang pala kayo eh !" bati ni Enchong sabay upo sa lamesa.

"Bawal yan." sita ko sa kaniya. Nag kibit balikat lang siya.

"Bro andyan na si Danson. Hinahanap ka." sabi ni Enchong habang kumakain ng mansanas.

"Bahala siya sa buhay niya !" nag iinit na naman ang dugo nitong isa. Parang may dalaw.

Matagal din nawala si Danson. May 'Family problem' daw pero sabi nung iba nakita nilang si Clark ang huling naka usap bago tuluyang umabsent.

Maya-maya ay ayan na, dumating na ang feeling F4. Well actually, F5 kasi lima sila. At like the usual, may naka buntot na mga babae. Seriously, wala ba silang pasok? O sadyang ganun lang sila kayabang?

"Dude !" bati ni Danson kay Clark. KAY CLARK LANG TALAGA !!

Wala man lang salita sa akin. Kahit isang tingin ay wala. Hay ! Iba na talaga pag bitter ang isang lalaki. Akala mo kung sinong artista na hindi pwedw makipag eye contact.

"Tss. Anu na naman kailangan mo?" tanung ni Clark sa kaniya habag pinag lalaruan ang buhok ko.

Ang hirap mag concentrate kung ganito ka gwapo ang humahawak sa'yo. Yun bang kahit kuko mo lang ang mahawakan ay nag wawala na ang sistema mo.

Typical Love StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora