★ TLS ~ Thirteen ♥

1K 43 13
                                    

Kabanata 13

Basta Ikaw

"Foul !"

"Foul !"

"That's a fvcking foul !!"

Napapaikot na lang ang mga mata ko sa panay na reklamo ni Coleen. Nakaka irita na ito. Pahinto-hinto tuloy kami dahil sakaniya. Simpleng tapik lang sa kaniya foul na kaagad.

"Basketball is not a game for girls, ma'am. Dapat hindi ito ang ibinigay sa amin." dagdag niya sa pag rereklamo niya.

"Nag enrol ka na dito. Wag ka na mag reklamo." singit ni Jane sa gilid.

Ito kasi ang PE naming mga girls. Yung ibang boys nandito pero yung iba sa iba nag enrol. Its either this or soccer. Mas pipiliin ko naman ang sport na medyo may idea ako kesa sa iba na wala akong ka alam-alam.

"Coleen, kung ayaw mo sa subject na ito, idrop mo na lang." sabi ni Mam Bal sa kaniya. Umirap na lang siya at bumalik sa court.

Sumilip ako  sa gilid. Nakita ko ang soccer field. Naroon sila Danson. Kalaro nila ang criminology course. Madaming babae ang pumapalibot sa field. Nag chicheer sa kanila. PE lang naman ito pero mga wagas makasigaw.

"Malonzo ! Bumalik ka nga dito." sigaw nung isa kong kaklase. Medyo boyish siya kaya seryoso siya sa laro namin.

Nag jogging ako pabalik sa court. Nag laro kami. 3 on 3. Kalaban namin si Coleen kaya paniguradong talo sila.

At tama ako. Hindi man lang kami pinag pawisan ng matindi. Naka trentang puntos kami habang ang team nila Coleen ay sampu lang.

Nag pahinga kami saglit at tsaka lumabas ng restroom. Buti na lang at wala na ang mga bitches dahil saktong pag labas namin ay naka abang si Danson.

Agad may lumitaw na ngiti sa aking mukha. Ang gwapo-gwapo niya. Naka jersey siya at shorts. Ako naman naka shirt at shorts. Feeling ko para kaming athletic na couple. Blooming siya. Napaka puti ng kaniyang balat. Brown na brown ang mga mata. Matangos na ilong. Mapupulang labi. Grabe, para siyang kape na three-in-one. The features. His attitude. Plus the talents.

"Lunch?" tanung niya. Tumango naman ako. Dumating na din sila Miles sa likod ko. "Tara let's eat." aya niya sa mga kaibigan ko. Mga nag hagikgikan naman.

"Kanina pa kayo tapos?" tanung ko sa kaniya. Nag pupunas siya ng ulo.

"Oo. Pero naiwan sila Clark kasi gusto pa daw nila mag papawis." paliwanag niya. Sinabit na niya ang twalya niya sa batok niya at hawak ang magkabilang dulo nung towel.

"Okay lang ba si Clark?" bigla kong tanung. Hindi ko ala kung bakit ko yun tinanung.

Tumawa siya. "Oo naman. Still like the same old."

Tumango ako at yumuko. Na guilty ako ng kaunti. One week na simula nung nagka sagutan kami. Hindi siya umuuwi sa bahay. Si Alex lang ang naroon. Si Daniel ay nakikitambay sa kaniya minsan. Wala naman daw pinag bago. Ganun pa rin daw, sadyang nabobored lang daw siya sa bahay. One month na lang ang stay nila Kath ganoon din sila Mommy bago sila umuwi. Pakiramdam ko talaga ako ang may kasalanan kung bakit siya biglang umiwas.

Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ko siya hinahanap. Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang iniisip. Masyado akong naapektuhan. Siguro dahil ayoko lang ng may taong galit sa akin.

"NICOLE WATCH OUT !!!!"

Lilingon sana ako sa tumawag sa akin pero agad kong naramdaman ang mainit na bola sa gilid ng ulo ko. Lumanding ng napaka bilis ang mukha ko sa dahon. Buti na lang talaga sa dahon.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now