★ TLS ~ Fourty one ♥

731 39 3
                                    

Okay ! I just saw my 'Ibarra Twins' :') ! Exactly how I imagine them. Haha just sharin.

Enjoy this chapter xoxo

-----

Kabanata 41

Pangarap

Abot hanggang langit ang ngiti ko. Hindi ito maalis sa aking mukha. Atlast, pumayag na si Clark na sabihin namin ang totoo. Sabay naming sasabihin ito sa aming magulang.

Nag-iintay lang kami ng tamang araw dahil medyo busy pa sila. Nakakapag taka nga eh, kasi halos kakauwi lang nila tapos busy na naman at madalas na naman sila mag kasama.

May 11, 2015

Hindi pa ako nakakabayad sa school. Puro assestment lang ang ginagawa ko para hindi masaraduhan ng subjects.

"Ipaalala mo na kasi sa mommy mo." sabi ni Miles habang kumakain ng ice cream. Nasa may european garden kasi kami. Walang masyadong tao.

"Mahirap siyang kausapin kasi medyo busy." sagot ko pabalik sa kaniya habang kinakain ang ice cream ko.

Bumuntong hininga siya sabay hawi ng buhok niya.

"Hey ! Dahan-dahan naman. Ayokong makain yang buhok mo." sabi ko sa kaniya sabay takip ng ice cream ko.

"Ang arte mo." umirap siya. "Oh, amd speaking of maarte..." ngumuso siya doon sa gilid ko.

Nakita ko ang pag rampa ng grupo ni Coleen. Nabalitaan namin na nabuntis daw ang isa niyang kaibigan at nag shift sila. Hindi na namin sila kaklase this coming semester.

"Wag mo nang patulan." pinandilatan ko siya ng mata.

"Wala naman akong sinabi na papatulan ko ah." sumubo si Miles.

Nakita kami nila Coleen kaya nag lakad papunta sa amin. Dati mortal enemy kami, ngayon daw, enemy na lang. Sa kaniya iyon nang galing. Hindi na daw siya galit sa akin. Hindi naman daw niya masisisi si Clark kung ako ang gusto.

Enemy daw kami dahil kapitbahay ko ang Ibarra twins. 'Crush' niya daw kasi si Ramin.

"Hi Nicole !" bati niya sa akin. "Hi whoever you are." tumingin siya kay Miles tapos balik sa akin.

"Hi to you too, bitch..." bulong ni Miles. Siniko ko naman siya. Baka mapa away na naman siya. Madalas silang mag sabunutan ni Coleen, dati.

"So, pupunta ka ba?" tanung niya sa akin.

"Uhm, hindi ko alam ang tinutukoy mo." sagot ko sa kaniya.

Ang iksi ng damit ng mga babaeng ito. Akala mo everyday may cheering, dahil sa cheerleader skirts nila.

"Sa katapat na bahay mo ang party tapos hindi mo alam? Anu ka, indenial?!"

Umirap lang ako sa sinabi niya. Masyado akong bored para patulan siya.

"Kung yung dalawang mataas na skyscraper ang tinutukoy mo na mag paparty, well no, hindi ako pupunta." sagot ko sa kaniya. Totoo naman kasi na matangkad ang twins. Maliit yung isa, pero mas matangkad pa rin sa akin kaya malaki siya sa paningin ko. Tingin ko nga ay tumangkad sila this summer.

"Talaga? Eh yung prinsipe mo pupunta ah." sabi niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kaniya. Pinitik niya lang ang kamay niya sabay sabi, "Oh well, mas maganda kung wala ka. Para makuha ko ang atensyon ng mga tao."

Nag lakad na sila palayo sa amin.

"Can I throw this ice cream to her?" nang gigigil na tanung ni Miles.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now