★ TLS ~ Nine ♥

1.1K 35 11
                                    

S's note: Kindly imagine David Henrie as Danson. Thank you :)

Kabanata 9

Secret Prince Charming

Alam niyo feeling na kahit anung gawin mong ikot sa kama. Kahit anung gawin mong bilang sa mga tupang dumadaan sa isipan mo ay hindi ka pa rin maka tulog. Yun bang lahat na ng gilid at sulok ng kama ay nahigaan mo na pero hindi ka pa rin dinadalaw ng antok.

Retreat na namin bukas, este mamaya pala. Ala-una na ng madaling araw at ito pa rin ako gising na gising.

Nasa edge ng kama ang ulo at naka baliktad ako. Nakatingin ako sa isang blue na mahabang bag. Yun ang dadalin ko. Nasa ibaba kasi ang snack bags ko, well actually, snack bag namin ni Clark.

Nag grocery kami kanina nila Kathryn. Madami ang mga taga university na doon din namimili. Nag tilian sila nung makita kaming dumaan.

"Ui Clark papicture kami."

"Kami din."

"Tara ! Selfie tayo."

Ibang klase talaga itong lalaki na ito. Kahit saan aisle kami mag punta may kakilala siya at may lumalapit sa kaniya.

"Jusko ! Dito pa lang ganyan na siya, what more pa pala sa school niyo." sabi ni Kathryn habang namimili ng chips.

"Hindi ba siya ganyan dati? Di ba mag kakilala na kayo noon pa?" tanung ko sa kaniya habang naka tingin dun kay mr. period na tuwang-tuwa sa mga babaeng humahaplos sa kaniya.

"Well, huli ko siyang nakita ay four years ago. Sila pa ni Jessie." paliwanag ni Kathryn. "Never siyang tumingin sa ibang babae."

"Baka naging bitter." sabi ko.

"Hmm. Siguro nga. After din nun, bihira na siyang pumunta sa States. Lumipat na din sila Jessie. Matagal ko din siyang hindi nakita."

Nag kibit balikat na lang ako. "Sadyang nababago ng pag-ibig ang buhay natin."

*KRIIIING KRIIIING*

Napa upo ako sa kama. Nag alarm na ang orasan ko. Anung oras ba ako nakatulog kanina? Antok na antok pa rin ako. Pero tumayo din ako ka agad at naligo. Bumaba ako dala-dala ang bag. Dapat before seven ay nasa school na dahil 730am ang alis ng bus at mag checheck pa sila ng attendance.

May kung anung insekto na naman ako sa tyan. Kagabi pa ito. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Siguro dahil excited?

Excited dahil first time ko sumama sa ganito... o excited dahil first time konh sumama sa ganito na kasama ang crush? Halos tatlong oras daw ang byahe. Nag usap pa kami ni Miles na dun kami pepwesto malapit kila Danson. Basta wag lang eepal ang feelingera na grupo nila Coleen.

"Good morning mam." bati sa akin ni kuya driver. Nag hihikab pa siya at may dalang kape.

Kumunot ang noo ko. Bakit siya nandito ng ganito kaaga? Tsaka wala naman sila mommy. Sino ang ipag dadrive niya?

" Im gonna pick-up the pieces, and build a lego house

If things go wrong we could knock it down

three words have two meaning but there's one thing on my mind

Its all for you..."

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag.

"Hello?"

"Hello Nicole?"

"Tito Jules? Bakit po kayo napatawag?"

Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon