★ TLS ~ Thirty two ♥

806 34 5
                                    

Kabanata 32

Aalis

Hindi natuloy si Clark sa lakad niya. Nag stay siya dito sa bahay lalu na't alam na namin kung sino ang bagong kapitbahay namin. Masyadong protective si Clark kaya ayun, nag stay sa bahay.

"Ugh !!" narinig ko ang pag reklamo niya.

"Anu iyon?" tanung ko sa kaniya. Nag bebake ako ng cupcakes. Ganito ako pag bored.

"Ang kukulit nila James ! Kanina pa tawag nag tawag."

"Edi patayin mo ang cellphone mo." suggest ko. Tumalon siya mula sa sofa at umupo sa counter.

"Oo nga no? Bakit hindi ko iyon naisip?" sabi niya at pinatay ang cellphone. Ngumiti siya na parang bata.

Napa iling na lang ako. Pagka salang ko nung mga cupcakes ay biglang nag ring naman ang cellphone ko.

Tiningnan ko ito.

Panget na James

Napa irap ako sa pangalan na iniligay ni Clark.

"Hello?" sagot ko. Hinampas ko ang kamay ni Clark na dumutdot sa candy icing na ginawa ko.

"Yeah. Nandito siya. Wait lang." iniabot ko kay Clark ang cellphone. Nag taas siya ng kilay. Naka subo sa bibig niya ang isang daliri niya. "Panget mong kaibigan."

Bigla niyang inuntog ang noo niya sa counter. Natawa ako at kinausap ulit si James.

"Ayaw niya. Nag tatantrums na naman. Osige sasabihin ko. Bbye."

"Anu sabi nila?" agad siyang nag tanung.

Nagkibit balikat ako. Bumaba siya ng upuan at umikot sa counter para makatabi ako.

"Sabi mo sa kanila sasabihin mo sa akin..." nag puppy eyes siya.

"Paano ka naman nakasiguro na ikaw ang pinag-uusapan namin?" tanung ko sakaniya habang chinecheck ang mga cupcakes.

"Mga kaibigan ko lang naman ang may pangalang panget dyan sa cellphone mo." banat niya sa akin.

Inilipat ko sa tray ang mga cupcakes. "Wag ka mag assume Clark."

Naramdaman ko ang pag lapit niya at niyakap ako mula sa likuran.

"Stop that Clark..." sita ko sa kaniya. Nag lalagay ako ng icing sa mga cupcakes.

Hinalikan niya ang leeg ko paakyat sa aking tenga. Nakikiliti ako at nag taasan ang buhok ko sa may batok.

"Hands-off bad boy !" hinampas ko ang kamay niyang papasok sa loob ng apron ko.

Mabilis niya akong inikot kaya sa mukha niya napunta ang chocolate syrup. Napa atras siya nang naka awang ang bibig.

Tumawa ako.

"Sinadya mo iyon !!" sabi niya sa akin. Tinikman ko iyong syrup at umiling.

"Ang landi mo kasi. Kasalanan mo iyan." tumatawa pa rin ako. Lalapit sana siya para humalik pero biglang bumukas ang pintuan. Agad siyang lumayo at kumuha ng tissue.

"Hello Clark !" bati ni mom sa kaniya. Masakit pa rin sa akin ang pag trato ni Mommy kay Clark. Kahit kasi hiwalay na sila ni tito Jules, ganun pa rin ang trato niya kay Clark.

Nakipag beso si Clark sa kaniya. "Hello tita !"

"Hi Nicole." tapik lang sa akin ni mom.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now