★ TLS ~ Eighteen ♥

1K 41 8
                                    

Kabanata 18

Si Clark

Pinipilit ako ni Kathryn mag kwento. Sinalubong niya kasi kami pagka pasok ng bahay. Lumanding ang mga mata niya doon sa hawak kong mga bagay. Abot hanggang tenga ang ngiti niya.

"Don't even ask." yun ang sinabi ko sa kaniya at lumayo kay Clark para umakyat sa kwarto. Rinig ko ang mga yapak ni Kathryn na nakasunod sa akin.

Sinara niya ang pintuan pagka pasok niya at agad tumalon sa kama ko. Yes, sa kama ko. Bumalik na kasi si Clark sa guest room at ako naman sa kwarto. Namiss ko ito ng sobra lalu na ang kama kong ngayon ay hinihigaan ni Kathryn. Nagkulang nga lang ako ng isang unan, hindi ko alam kung saan napunta.

"Sino nag bigay niyan?" tanung niya. Naka dapa siya at ang baba niya ay nakapatong sa kaniyang kamay. "Don't tell me na si Danson?!"

Hindi pa nga ako nag sasalita pinangunahan na niya ako.

"Yung isang boquet galing sa kaniya..." sabi ko sabay nguso dun sa bulaklak na nasa vase na. Ang bilis ni manang eh. "At ang mga ito..." umupo ako sa tabi niya at inilihera ang mga ito sa tapat namin, "Ay bigay ng isang invisible man."

Tumawa si Kathryn. "Paano niya naibigay kung invisible siya? Anu yan, nakalutang na iniabot sa'yo?"

"Gaga ! Hindi no. Ipinabot niya kay Clark." paliwanag ko at pumitas ng isang petal mula sa boquet. Umikot si Kathryn at ngayon ay naka-upo na sa tabi ko. Nag bounce pa ng kaunti ang kama.

"May secret admirer ka?" malaki ang ngiti at mata ni Kathryn. Malapit ang mukha niya sa akin. Para bang siya yung nililigawan nung tao, hindi ako.

Teka, nanliligaw nga ba yung 'Secret Prince Charming' na iyon?! Kasi si Danson, malaking OO ! Pwede ba manligaw sa'yo ang isang tao ng hindi nag papakita? Pwede mo din bang sagutin ang invisible na manliligaw mo? Hindi ba parang ang awkward nun pag nagkita na kayo?

Bumuntong hininga ako sabay higa. Pinatong ko ang braso ko sa noo ko. Ikiniwento ko lahat-lahat kay Kathryn and made her swear that she will not tell it to other people, lalu na kay Daniel. Baka madulas iyon kay Ivan.

"Alam mo bestfriend, nakaka loka ang lovelife mo." panimula ni Kathryn. Ito na naman ang mga wagas niyang advice. Inumpisahan na niyang buksan yung Cadbury. "I mean, nakaka kilig ang may secret admirer, pero I don't think na tama yung dahil sa kaniya, you left Ivan." kinakain na namin yung chocolate. Im sure mahahyper kami mamaya sa bar. "Pero siguro tama din yun. Malay mo hindi pala kayo ni Ivan para sa isa't-isa. Tama ka din siguro. Baka yang admirer na yan ang ginamit ng diyos para ilayo ka sa isang tao na hindi para sa'yo."

Tumango lang ako habang naka nguso.

"Pero yang 'secret prince charming' na yan masyado ding pa-fall ! Paano ka nakaka siguro na ikaw lang ang nilalapitan niya? How sure are you na ikaw lang ang Cinderella niya?" kumunot ang noo ko sa kaniya at tumayo. Masyado naman niya itong sineseryoso. Ako nga tingin ko joke time lang to. "Ayy basta ! Kung sino man yan, o kung anu man siya, siguraduhin lang niya na hindi ka niya ulit paaasahin at sasaktan. Once is enough."

"Masyado ka namang protective." sabi ko sa kaniya habang tinatapon ang wrapper ng chocolate bar.

"Loves lang talaga kita !" binato niya ako nung teddy bear. "Mag bihis ka na." utos niya at lumabas na ng kwarto.

"Uhh..Kath.." pinigilan ko siya.

"Hmmmm?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung pagka crush ko kay Clark. I mean, it doesn't bother me, pero still.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now