★ TLS ~ Twenty ♥

1K 43 13
                                    

Kabanata 20

I said Yes

"Ikaw..." yun ang unang lumabas sa bibig ko. "Ikaw ang nag bibigay sa akin ng mga regalo? Ikaw yung anonymous? Ikaw si secret prince charming?" nanlalamig ang mga kamay ko. Gusto kong sumagot siya na Oo. Gusto kong sabihin niya ang totoo. Kahit for once, wag siya mag sinungaling.

"Anu?" kumunot ang noo niya. Walang bahid ng kung anu mang reaksyon o gulat sa mukha niya. Hindi siya pwedeng mag sinungaling. Nakita ko. Nahuli ko siya sa akto. Hindi na siye pwede mag sinungaling.

Nag lakad ako palapit sa kaniya. Itinapat ko sa mukha niya ang papel. Tumingin siya dito.

"Ikaw ang parating nag bibigay nito. Noon pa ako nakakatanggap ng mga ganito. Noon pa ako umaasa. Ikaw lang pala. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" diniretso ko siya.

Lalung kumunot ang noo niya. Halos mag dikit ang mga kilay niya. Para siyang nandiri sa akin na hindi mo maintindihan. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Anu ang pinag sasabi mo?! Wala akong kinalaman diyan." pag tatanggi niya sa akin.

"Oh come on, Clark !! Wag ka na mag deny. Nakita kitang niligay mo ito sa locker ko. Hindi ako bulag." may namumuo na luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit ng itinanggi niya iyon sa akin.

"I open this locker !" bigla niyang hinampas ang katabing locker ng locker ko. Binuksan niya pa ito para pruweba. Nandun ang mga gamit niya. "Pwede ba, kung anu mang laro yan, wag mo ako idamay."

At tuluyan na siyang umalis. Nalaglag ang mga pinipigilan kong luha kasabay ng pag laglag ng panibagong papel mula sa loob ng locker ko. Hindi ko iyon nakita kanina. Masakit pala talagang umasa lalu na pag umasa ka na yung taong nag papaasa sa'yo ay yung taong gusto mo. Akala ko siya na. Hindi pa pala. Pero sana Lord, siya na lang.

"I will show myself to see you. Let's meet. " may nakalagay na address sa ibaba at isang date. Inilagay ko na lang ito sa bag at umalis na ng gym.

Hindi ako kumain ng dinner dahil wala akong gana dahil nandun si Clark. Kung makangiti siya kanina para bang walang nangyari. Wala lang sa kaniya ang mga sinabi niya kanina. Pinabayaan niya lang ako dun. Iniwan niya ako na nag-iisa doon. Wala siyang pakiramdam. Wala siyang pakialam.

Friday na at wala kaming masyadonh klase maliban sa isang laboratory. Evening class ito. Hindi kami mag kagroup nila Miles kaya tahimik lang ako. Panay pa ang pag papapansin ni Danson sa akin. Masyado naman akong occupied dahil iniisip ko pa rin lahat-lahat.

Yung Secret Prince Charming na iyon ay matagal ng nakasunod sa akin. Nawala lang siya ng ilang taon at ngayon ay bumalik na. Nasa staes pa lang ako, naka buntot na siya. Kung nakakatanggap ako ng mga sulat muli, ibig sabihin nandito siya. Ibig sabihin umuwi siya mula sa states. At 50/50 ang chance na kakilala ko siya.

Paano kung hindi ko pala siya kilala? Paano kung masyado akong nag mamadali? Maybe all I need is Patience. Sabi niya na ang mission daw niya ay mapa ibig ako. Paano naman niya yun gagawin?

'Hindi kaya't si Danson yun?' tanung ko sa sarili ko habang nag huhugas ng kamay sa restroom. 'Pero hindi, kasi bakit naman niya sisiraan ang sarili niya?'

Pumasok ako sa cubicle at pagkalabas ko, biglang sumara ang ilaw. Nanigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o nag hihintay na sana saglit na brown-out ito. Pero wala. Mga ten minutes na ang dumaan, naka sara pa rin yung ilaw. Yung puso kong mabilis ang tibok ang tanging naririnig kong humahampas.

Kinapa ko ang pader at nag lakad. Dumiretso ako hanggang sa mahawakan ko ang switch. Pagka-on....

"Ayyy anak ni darnang bakla ---- mmmffff"

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now