★ TLS ~ Three ♥

1.2K 38 6
                                    

Kabanata 3

First day

Kaba.

Yan ang nararamdaman ko ngayon dito sa loob ng van. Pinahatid ako ni mommy dahil busy daw siya. These past few weeks, medyo nag iba ang turing niya sa akin. Siguro dahil pinag sabihan siya nila tito.

"Yan lang ba ang gusto mo?" tanung ni mommy sa akin. Nasa mall kami at pinagshopping niya ako. Tinanggal na kasi namin ang mga luma kong damit at dinonate sa isang charity. Nakita niyang wala pa sa kalahati ng cabinet ang mga dala kong damit.

"Yes mommy. Madami na din po ito." sabi ko. Halos pitong malalaking bags ang bitbit namin. Iba't ibang damit ang mayroon. Bukod sa dala namin, yung dalawang bodyguards sa likod ay may dala rin.

"Saan mo gusto kumain?"

Malamig pa din ang kaniyang tono pero kahit papaano ay tumitingin na siya sa akin.

"Gusto ko po sana ng seafood." mahina kong sagot. Tumango siya at inibigay sa mga bodyguards ang bags namin.

"Dalin niyo na yan sa sasakyan. Tapos sumunod na lang kayo sa Seafood Island." utos ni mommy sa kanila na agad nila sinunod. Naiwan kaming dalawa. Pumasok na kami. "Table for two please."

Nasa bandang dulo kami. Maganda ang resto. May mga surfboards na design. Naka pang beach ang mga waiters. Ang mga musics ay napaka calming katulad ng lugar. May pagka light blue ang mga pader at may mga iba't-ibang sea creatures na design.

"We'll have the mix platter." turo ni mommy doon sa waiter. "Anung drink ang gusto mo, Nicole?"

Napalingon ako sakaniya nang bigla niyang binanggit ang pangalan ko. Matagal bago ako nakasagot. "Iced tea na lang po."

Tumango siya. "Two Iced tea."

She's trying. Alam ko na mahirap ito para sakaniya pero sinusubukan niya. Tahimik lang kaming dalawa. May ginagawa siya sa iPad niya habang ako ay pinag lalaruan ang straw ng iced tea.

Dumating na ang pagkain namin. Nanlaki ang mata ko dahil napaka dami nung pagkain. Kumpleto na siya. May pork, chicken at seafood. May side dish pang talong at ensaladang mangga. Mayroon ding pakwan, pinya at saging. May binagoongang kanin din.

Nag taka ako ng mapansing plato lang ibinigay sa amin. Tumingin ako sa paligid. Nag kakamay sila. Hindi ko alam kung ganun din ang gagawin ko.

"Kumain ka na." sabi ni mommy. Mag tatanung sana ako kung pwede humingi ng utensils pero nagulat ako ng biglang nag kamay din si mommy. Tinanggal niya ang singsing niya at kumain na siya. Pinunasan ko ang aking kamay at kumain na din.

Masarap ang pagkain. Hindi ako nakaka kain ng ganito sa states. Namiss ko ang mga ihaw. Nagulat ako ng biglang naglagay ng calamares at tahong si mommy sa aking plato.

"Kumain ka ng madami. Masyado kang payat."

Tumango ako at napa kagat sa aking ibabang labi. Natutuwa ako. Simple lang ang ginawa niya pero pakiramdam ko ay ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.

Naubos namin ang pagkain. Pakiramdam ko hindi ako makakatayo pero sucess naman at naka uwi kami sa bahay ng maayos.

Masaya ako nung mga nakaraang linggo. May mga dinaluhan din kaming party ng kamag-anak namin. Unti-unti na akong nakakapag adjust at sana ay mag patuloy ito.

"Anu oras ko po kayo susunduin?" tanung nung driver na nag balik sa akin sa reyalidad.

Tumingin ako sa aking relo. "Mga 3PM na lang po." tumango ang driver at nag park. Bumaba na ako.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now