★ TLS ~ Six ♥

1.1K 33 3
                                    

Kabanata 6

Why him?!

"Gooooooood Morning !!!" masayang bati ko sa lahat ng tao sa lamesa. Ngumiti sila sa akin, lahat sila maliban kay Mr. Period.

Yes, yun na ang tawag or codename ko sa kaniya. Nitong nakaraan araw kasi lagi siyang highblood. Hindi naman nagkaka period ang mga lalaki di ba, siguro maliban sa kaniya. Hindi pa ako nakaka kita ng lalaking wagas ang pagkaka highblood.

Tulad nung sa group project namin, sabi namin sa kaniya na kailangan namin mag discuss. Alam niyo kung anu ginawa? Nag dabog. Parang batang nag tatantrum. Isang beses pa yung nag lalaro sila sa gym ng basketball at naroon din mga kaibigan ko dahil may crush silang players. Natapunan si Clark nung isang babae ng gatorade sa paanan, ayun, malulutong na mura ang nag echo sa gym. Paniguradong sa impyerno ang laglag nito dahil sa mga mura, idagdag niyo pa ang pag tatapon niya ng bola kung saan-saan.

At yung pinaka latest...

"MANANG !!!" narinig kong sigaw niya mula sa kaniyang kwarto. Nag lalaro kami ni Alex ng wii dito sa ibaba.

"Bakit po sir Clark?" mukhang maiiyak si Manang ng makitang pulang-pula si Clark.

"Di ba sabi ko sainyo wag niyong ilalagay sa dryer ang mga boxers ko?!"

AHA !!! Ito na. It's show time.

Tumayo ako at iniwan muna si Alex. Nag lakad ako patungo sa kanila.

"H-hindi naman p-po ako yung nag l-laba ng mga iyan..sir"

"Edi sinong tanga ang gumawa nun?!"

Inayos ko muna ang facial expression ko. Ayokong tumawa dapat play cool lang.

"Ako. Ako yung tanga." sabi ko sa kaniya. Blanko itsura ko. Naningkit ang mga mata niya sa akin. Nakikita ko ang mabilis niyang pag hinga.

"Bakit ikaw ang nag laba?"

"Kasi nag luluto si manang. Yung ibang katulong ay may ginagawa. Bored ako so ako ang nag laba."

Bumuntong hininga siya at inilagay ang kamay sa noo. Ayan, tumataas na din ata pressure nito. Hahaha ! Buti nga sa'yo, Clark. Strike one pa lang ang pag hihiganti na ito.

"Sa susunod, wag ka na lang makialam. Trabaho nila ito at hindi sa'yo." nakikita ko na nag pipigil siya. Galit na galit siya pero ayaw niyang sumigaw. Alam niya kasing umiiyak ka agad ang kapatid niya pag nagagalit siya.

"You know, a simple 'thank you' would suffice."

Nanlaki ang mga mata niya at kinuha ang mga boxers. Mahigpit ang hawak niya dito at itinaas sa mukha ko.

"Thank you?! Gusto mong mag thank you ako?!?! Look at this crap !!" ibinato niya sa lapag ang mga ito. Nag pipigil talaga akong hindi tumawa. "Ibang klaseng cloth yan ! Pag iniligay yan sa dryer liliit yan !! Tingnan niyo ang nangyari, mukha nang shorts ni Alex !!"

Kinuha ko ang isa. Suminghap siya at pinasadahan ng kamay ang buhok. Inistretch ko ito sa harapan niya. Itinaas ko ang kilay ko at sumilip sa kaniya.

"Hindi ito kasya sa'yo?!"

"UGHH !!!" Lalu siyang nagalit. Pumasok siya sa kwarto niya at isinara ng malakas ang pintuan.

"Ate, what's wrong?" biglang sulpot si Alex. Ngumiti na lang ako.

"Bagong shorts mo daw sabi ng kuya mo. Pero labhan muna natin ulit ah. Baka mahawaan ka ng kung anung evil virus ng kuya mo eh."

Natawa ng mahina si manang. Tumango naman si Alex at bumaba na ulit para makapag laro.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now