★ TLS ~ Five ♥

1.2K 36 3
                                    

Kabanata 5

Strike Three

Ngayon lang siguro ako nag dasal na sana ay mabilis dumaan ang weekends. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng araw na darating itong lalaking ito ay Biyernes pa ng gabi.

Kaya ngayon, nandito ako sa lamesa, kumakain ng almusal kasama siya at ang kaniyang kapatid na kanina pa nag babato ng cereal sa kaniya.

"Alex, will you please stop that?!" sita ni Clark sa kapatid niya. Puro cornflakes na ang buhok at damit niya.

"No ! I want juice." utos nung bata at agad naman lumapit si yaya para bigyan siya ng juice. Pero umiiling yung bata. "I want kuya !"

Suminghap si tito Jules. "Alex, your kuya is eating."

Hindi ko alam kung 'tito' ba talaga ang dapat kong itawag sa kaniya. Parang simula nung nangyari kagabi, nagkaroon na ng wall between sa amin. Ang awkward.

Tumigil si Alex sa pag tatantrum at kumain na.

"So, do you have plans for today?" tanung ni mommy. Sasagot sana ako pero nung tumingin ako sa kaniya ay kay Clark siya nakatingin.

"Hmm.. Wala naman po. Bakit po?" mabait na sagot ni Clark. Amputcha marunong pala siyang mag 'po '.

"That's good. Me and Jules are planning to go to the beach." sabi ni mommy ng nakangiti.

Wow ! Bakit biglang nag bago aura ni mommy? Bakit siya biglang naging mabait. Something's fishy and it's not the bangus on the table.

"Yey ! Beach ! I want beach." sigaw ni Alex. Iba naiisip ko sa beach .

"How about you, Nicole? Sasama ka?" tanung ni "tito" Jules sa akin. Huminto ako sa pag nguya ng itlog. Tumingin sa akin si Alex samantalang yung Kuya niyang bored ay patuloy lang sa pagkain.

"Uhhmm..." pinutol ni mommy ang pag sagot ko.

"Sasama siya kung gusto niya. Hindi mo na siya kailangan pang tanungin." malamig na sagot ni mommy.

Ouch ! Ang hard naman nun. Bakit si Clark tinanung niya?

Umangat kaunti ulo ni Clark pero hindi ko siya pinansin. "Sasama po ako." sagot ko sakanila. Ngumiti si Alex sa akin at inubos na ang cereal.

"Yaya yung payong !!"

"Manag yung inumin !"

"Kailangan ko ng sunblock. Nasaan yung sunblock?!"

Ito ang dahilan kung bakit ako biglang nag sisi sa pag sama kila mommy.

Utos dito. Utos doon. Sigaw dito. Sigaw doon.

Kahit noon ay ganito na talaga siya. Akala ko nag bago na, hindi pa pala. Si Alex ay gumagawa ng sand castle ang kuya niya ay hindi ko alam kung nasaan.

"OMG !!" and I spoke too soon. Ayun siya, pinag titilian ng mga babae. Ikaw ba namang may sixpack abs at visible v-line ang mag tatatakbo diyan sa gilid, paniguradong madadala sa E.R ng maaga ang mga babaeng madadaanan niya.

Naka dapa si mommy sa ilalim ng napaka laking umbrella at naka higa naman ang daddy nila Alex. Naka shades kaya hindi ko alam kung gising ba siya o hindi. Wala siyang pang itaas at si mommy ay naka bikini.

Wala akong lakas ng loob na mag suot ng ganun. Naka bikini ako pero may tube dress naman na nag tatago dito. Kahit sa states, hindi ako nag gaganun. Siguro hanggang sa top lang, hindi fully.

"Ate Nicole !! Let's play here !!" sigaw ni Alex sa akin. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag ako. Bumuo kami ng ilang castles. Mag fofour pa lang ng hapon at sabado pa rin.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now