★ TLS ~ Eight ♥

1.1K 34 6
                                    

Kabanata 8

Himala

Dahil halos dalawang buwan sila Kathryn dito sa Pinas, ako na mismo ang nag sabi sa kanila na dito na sila sa bahay mag stay. Dun sila matutulog sa guestroom. Pinag usapan na namin ito ni Clark at nauwi sa....

"Dun ako sa kwarto mo." Yun agad ang sinabi niya pagka open-up ko nung idea.

"Bakit ka doon?! Eh akin nga yun." ani ko sa kaniya habang nag aayos ng almusal.

Nasa hapag siya at umiinom ng kape. Naka salamin siya. Malabo siguro mata nito kaya madalas naka contact lens na may kulay. Maganda naman yung kulay ng mata niya, ewan ko ba kung bakit ibang kulay pa gusto niya.

"Kaming dalawa naman ni Alex ang matutulog dun." sabi niya sa akin. Naka pajamas siya na green at sandong puti. Minsan nakaka insecure itong gagong ito dahil mukha siyang modela at ang ganda-ganda ng katawan niya. Mas maarte pa nga ata sa akin to eh.

"Saan naman ako matutulog?" tanung ko sa kaniya. Nilagay ko na sa lamesa yung mga niluto ko. Pinag pahinga ko kasi muna si manang.

Umayos siya ng pag-upo ng makitang nag hain na ako. Kumuha siya ka agad ng hotdog.

"Edi sa kwarto ng mommy mo." sabi niya habang kumakain.

"Bakit kaya hindi na lang kayong dalawa doon ni Alex? Mas malaki kama ni mommy kesa sa akin."

"Ayoko. Hindi mabango." sagot niya habang nag lalagay ng juice.

Napahinto ako sa pag lalagay ng mga plato at tiningnan siya. Umiinom siya ng juice at naka tingin sa akin. Naka ngisi ang loko.

Mag sasalita pa lang sana ako pero bigla na naman siyang sumingit, "Tsaka madami akong naiimagine sa loob ng kwarto na iyon. Nakakadiri kaya."

"Napaka dumi talaga ng utak mo. Kung anu-ano iniisip mo." umiiling akong nag sabi sa kaniya.

Nagkibit balikat siya at nag umpisa ng kumain.

Saan nauwi ang usapan namin? Nauwi sa kawalan. Nanalo siya. Natalo ako. Paano ba naman, ginamit niya yung kapatid niya. I couldn't say No to that cute kid.

Kaya ito ako ngayon, patayo pa lang mula sa higaan ni mommy. Hindi ko alam kung anung klaseng bango ang hinahanap ni Clark sa isang kama. Mabango naman dito kila mommy.

Lumabas na ako ng kwarto. Dahil sabado, okay lang late gumising. Mag aalas dose na.

"Good morning, Nicole !!" masayang bati ni James. Napahinto ako sa hagdanan. Doon ko lang napansin na grupo pala ni Clark ang maingay na nag lalaro ng left 4 dead.

"Uhhhh..."

"How's your sleep?" bati ni Danson. My gosh ! May muta at tuyong laway pa ako sa mukha. My bed hair is up. Hindi ako makapaniwala na nandito sila.

"Uhmm.. Fine?" hindi ako makapag salita ng maayos. Pakiramdam ko ma aamoy nila ang mabaho kong hininga.

"Anu lulutuin mo? Nagugutom na kami." biglang banat ni Clark. Naka focus ang atensyon niya sa tv.

Umirap ako at tumakbo sa kusina. Nag ayos ako ng buhok at nag hilamos. Nag mumog na din ako. Packing tape naman oh !!

"Bro kakagising pa lang pagkain na ka agad inaatupag mo." tawa ni Brent.

Maya-maya ay dumating na sila Kathryn. Kasama nila si Alex at may dala silang mga bags.

"Ui !! Good morning sis !!" at nakipag beso siya sa akin. Inilapag niya sa lamesa ang mga dala nila. Nakipag high five naman si Daniel sa barkada ni Clark. Close agad-agad? "Kamusta tulog mo?"

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now