★ TLS ~ Thirty four ♥

792 37 5
                                    

Kabanata 34

Surpresa

Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong mga litrato. For the first nag selos ako. Wala akong ibang inisip kungdi iyon. Hanggang sa pag dating ni Clark, nasa loob ng utak ko iyon.

Nakapikit ako at unti-unting nagigising ang diwa ko. Naramdaman ko ang pag lubog ng kama ko. Don't tell me na nandito na siya?

May humawak sa pisngi ko. Mainit ang kaniyang kamay. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri. Ang init ng hininga niya ay nararamdaman ko sa aking mukha. Tuluyan akong nagising dahil sa pamilyar na amoy.

Dumilat ako ng dahan-dahan. Agad kong nakita ang kaniyang mala hazelnut eyes na tagos sa kaluluwa kung maka titig.

May ngiti siya sa kaniyang mukha at unti-unti din lumitaw ang ngiti sa mukha ko. Gumalaw ako nang kaunti para makita ko ng buo ang mukha niya.

Pinadausdos niya ang kaniyang daliri sa aking mukha. Bawat linya ay dinadaanan niya. Para bang tinatandaan niya ang aking mukha.

"You are so beautiful..." he said to me in a very soft voice. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha.

Itinaas niya ng kaunti ang aking baba para makuha ang tingin ko. Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa wala ng space na natitira sa aming dalawa. Mainit ang kaniyang labi. Isang halik lang ang kailangan ko para magising ng tuluyan.

"Damn ! I missed you so much..." binulong niya sa akin. Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap.

Nawala ang mga iniisip ko. Nabura ang mga gusto kong itanung. Siguro nga mag kaibigan lang sila. I have trust in him and I know, hindi siya ganun katanga para sirain yun. Sinasabi niya sa akin ang lahat kaya hindi ko na siya kailangan pang tanungin. Iitayin ko na lang na sabihin niya.

"I hate this !" inuntog ni James ang ulo niya sa lamesa ng cafeteria. Mag kakasama kami pero hindi pa kami kumpleto. Ngayon ko lang nakita ang school na ganito kaka unti ang estudyante. Parang enrolment lang ang nagaganap.

"Woi ! Wag ka nga makulit." hinawakan ni Clark ang ulo ng kaibigan niyang kanina pa inuuntog sa lamesa.

Hindi lang naman siya ang ganun, yung iba ay ginawa din yun kanina. Hindi kasi nila inaasahan na ganito ang magiging itsura ng school. May hang over pa siguro ang ibang estudyante kaya hindi pumasok. At pag pumasok ka ng may hang over pa, katulad nang nangyayari kay James ang mangyayari sa'yo.

Maraming inuwi na pasalubong si Clark sa akin. Sapatos. Damit. Pero hindi daw iyon ang regalo niya. Iba talaga pag rich kid. Buti na lang at may inihanda din akong regalo.

"Para sa'yo..." iniabot niya sa akin ang simpleng itim na box. Mahaba ito.

Agad ko naman binuksan at nakita ang kwintas na may nakalagay na 'prince charming'. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Kinuha niya sa loob ng tshirt niya ang isang kwintas na suot niya.

"Snow white?" binasa ko ang nasa kwintas niya.

"Yeep !" tumango siya at inagaw ang hawak kong kwintas. Tumayo siya sa likuran ko at isinuot ito sa akin.

"So we're a couple from Disney?" natatawa kong tanung sa kaniya.

"You could say that." sagot niya. Inilagay niya sa gilid ang buhok ko at niyakap ako mula sa likuran. "Lahat sila ay halos pare-pareho ang love story."

"The typical love story..." pag correct ko sa kaniya.

"Uh-huh. I believe that we also have one." halos makiliti ako sa ilong niyang pinadaan niya sa curve ng aking leeg.

Typical Love Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن