★ TLS ~ Nineteen ♥

953 43 10
                                    

Short note : Let's be friends ! Add me up on Facebook guys :) ! Just search "WalkingNatutal Wp". Thank you xoxo.

-------

Kabanata 19

Siya kaya

I really don't know if this is the right decision or not. Mabilis ang pag drive ni Daniel ng sasakyan pauwi. Nag aalala din sila kay Clark. Alam daw nila ang ugali nun pag nalasing. Minor sign lang ang pag suntok sa isang tao.

Nag paalam ako kila Miles through text. Nag sabi na din ako kay Danson na siguro ay mamaya pa niya mababasa. Something pushed me to choose Clark. Hindi ko alam kung bakit mas siya ang pakiramdam kong makasama. Pero I can't help myself. Iniisip ko pa rin si Danson.

Mag kaibigan silang dalawa. Sanay na sila na mag asaran. Hindi sila umaabot sa ganito.

Mabilis kaming bumaba ng sasakyan.

"Manang. Nasaan po siya?" tanung ni Daniel.

Tumingin ako sa paligid. Wala naman nag bago. Hindi naman siya nag wala tulad ng ginagawa ng mga typical na nalalasing.

"Nasa likod po."

Pumunta kami dun at nakita siyang naka upo sa isang upuan. Naninigarilyo siya at walang pang itaas. May bandage ang kamay niyang may hawak ng sigarilyo.

"Clark !" sigaw ni Kathryn. Dun niya lang napansin na nakatayo na kami sa tabi niya. Hindi siya lasing?!

Agad siyang tumayo. "Buti naka uwi na kayo."

"Mabilis kaming umuwi para sa'yo. Sabi ni manang lasing ka daw." mabilis kong sinabi sa kaniya. Ngumisi siya sabay tingin sa gilid. "Totoo ba iyon?!"

Tumingin na siya ulit sa amin. "Hindi. Gusto ko lang kayo pauwiin."

Nalaglag ang mga panga namin. Nag sinungaling siya?!?! Hindi ba niya alam kung gaano kami nag alala sa kaniya?! Hindi ba niya alam na iniwan ko si Danson para lang sakaniya?!

"Dude hindi tama ang ginawa mo." sabi ni Daniel.

"Hindi tama?! Alin dun? Sabihin niyo nga." tumaas ang boses ni Clark kaya napa atras kami. Tumahimik sila.

"Lahat !" ako lang ang may lakas na mag salita. Tuminging siya sa akin. Naningkit ang mga mata niya. "Hindi tama ang pag sisinungaling mo. Hindi tama ang ginawa mong pangloloko. Hindi tama ang pag eeskandalo mo. Hindi tama ang pag damay sa amin. At lalung lalu na, hindi tama ang ginawa mo kay Danson."

Ako naman ang nag taas ng boses sa kaniya. Lumalamig ang buong sistema ko.

"Si Danson na naman?! Lagi na lang bang si Danson?!" lumapit siya sa akin. Kita ko ang galit sa mata niya. "Siya na lang ba ang laging tama sa paningin mo? Siya lang ba ang tanging nakikita mo?! Siya lang ba ang mabait para sa'yo, huh Nicole?!"

Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. Masyado na siyang lumapit. Pinipigilan na siya nila Kathryn pero wala siyang tigil.

"Sabihin mo nga sa akin, anu ba ang nakita mo at halos lahat ng bagay sa mundo ay talikuran mo na para lamang sa kaniya?!"

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin..." umiiling ako kay Clark.

"Don't play dumb with me. Marami ang nag kakandarapa para sa'yo. Maraming nag ooffer sa'yo. Pero you always say 'No'. Tell me, why?" Iniangat niya ang baba ko para mag tama ang mga mata namin. Galit siya pero may bahid ng lungkot sa mga mata niya. "May nangyari na ba sa inyo?! Sa loob ng mga linggo na pag sasama niyo, naibigay mo na ba sa kaniya yang pinaka iniingatan mo? Akala ko iba ka. Hindi ka rin pala nalalayo sa ibang mga babae dyan."

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now