★ TLS ~ Ten ♥

1.1K 38 7
                                    

Kabanata 10

Say Something

Bumaba ako pagka bihis ko. Tinago ko sa ilalim ng unan yung bulaklak at yung sulat naman ay inilagay ko sa bulsa ng bag ko. Kung sino man yung nag bigay nun, mamatay na sana siya. Dejoke lang po yun Lord.

Ayoko lang kasing mag-isip ng kung anu-ano. Minsan ko nang kinalimutan ang 'secret prince charming ' na ito.

Noong 9th year kami, mga six months pa lang kami ni Ivan, may natanggap akong ganung bulaklak at sulat sa locker ko.

"I like you, Nicole. I like you alot.
~Secret Prince Charming xx "

Wala akong pinag sabihan na iba. Kahit si Kathryn ay walang alam. Tinago ko ito sa akin. Isang sikreto na nag bago sa buhay ko. At iyon din ang sumira sa akin.

"You're the only one I always think of."

"One day, we will be together."

"I don't want to give-up but you're giving me reasons to."

"I love you Nicole. Please notice me."

"Please reply anything. I can't wait forever. Please say something."

Ayan ang mga sulat na nakuha ko noon. Lagi yang may kasamang puting rosas. Naka typewritten ang mga yan sa isang mabangong pink na papel.

Yun na din ang huling sulat na natanggap ko. Sinubukan ko siyang hanapin. Pero nabigo ako. Apat na taon din akong nag-intay at sa loob ng mga taon na yun, halos araw-araw kong ipinag darasal sa diyos na sana, kahit anino lang, magpakita ang paasang unggoy na iyon. Nasaktan ako at kasalanan ko iyon. Inilagay ko na lang sa aking kokote na baka isa siyang paraan para mahiwalayan ko ang taong hindi naman nararapat para sa akin.

Humupa na yung sakit, pero nung nakita ko yung bulaklak, bumalik lahat sa akin. Parang boomerang na itinapon mo ng malayong-malayo at nakalimutan mo na kaya ito ngayon, bumalik sayo at tinamaan ka ng napakalakas. Galit ako. Syempre sino ba namang hindi magagalit?!

Pinaasa ka ng isang lalaking hindi mo kilala. Akala ko nasa isang fairytale na ako. Akala ko mag kakaroon na talaga ako ng isang prince charming. Akala ko makakamit ko na ang happily ever after ko. Yun pala sa huli, hanggang akala lang ako. At ngayon, bigla siyang bumalik. Para anu, manggulo? Mag paasa?

Bumati sa akin ang mabangong amoy ng mga pagkain pagkapasok ko sa reception hall. Naroon na ang mga nag swimming. Alam mo ka agad kung nasaan ang grupo ni Clark. Para kasi silang tae na pinalilibutan ng mga langaw. Parang isang bulaklak na sobrang bango ay tumatambay na lahat ng bubuyog doon.

Napa ngisi na lang ako. Kakaiba talaga ako mag bigay ng halimbawa. Buti na lang at hindi ito alam ng iba.

"Dito tayo Nicole !!" narinig kong tawag nila Dom sa akin.

Umupo na ako sa tabi nila. Kaunti lang ang initim nila dahil hapon na sila naligo.

"Tara kain na tayo ! Unlimited daw eh." aya nila Jane. Pumayag naman kami at pumili. Dalawang mahabang lamesa ang pagkain para hindi mag siksikan sa isang pila.

Kumuha muna kami ng appetizers bago inupakan ang mga ulam. Hindi kami nag kanin para madami ang matikman namin. May kare-kare na napaka sarap. Matamis na spaghetti. May pork sinigang pa tsaka nilaga. May mga lumpiang shanghai at chicken.

Ang dessert naman ang pinaka tinira ko ay yung cheesecakes. Iba't-iba kasi ang naroon. Busog na ako pero kukuha pa ako.

Napangiti ako dahil last na ang strawberry cheesecake na nasa lamesa. Wala naman ibang kukuha dahil na sa iba ang atensyon nila. Kukunin ko na sana ito ng biglang may lumanding na maliit na tinidor dito. Nagulat ako at nakita ko sa gilid ko ang isang naka ngising Clark.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now