★ TLS ~ Twenty seven ♥

1K 43 18
                                    

Kabanata 27

Mr. & Mrs. Mouse

Kami na ni Clark. Hindi ako nag dalawang isip sa pag sagot sa kaniya. Halos isang buwan din naman siyang nanligaw. Tama na siguro yun.

Ngayon ang first day namin sa school as boyriend/girlfriend. Nag iintay ako na susunduin niya ako pero wala. Akala ko nga mag tetxt pero wala. Nag pahatid na lang ako sa driver namin.

"Congrats Nicole !!"

Yang mga salitang yan ang naririnig ko pagka pasok ko ng campus. Bakit nila alam ang nangyari? Binulgar ba nung lokong yun?!

"Anu meron?" tanung ko kila Miles pagka upo sa lamesa namin sa cafeteria. Nakatingin pa rin ang mga estudyante sa akin.

"Di ba dapat ikaw ang tanungin namin niyan?" may malaking ngisi sa mukha ni Miles.

"Huh?" tanung ko.

May pinindot sila sa iPad nila at iniharap sa akin. Naka open ito sa facebook account ko.

Nalaglag ang panga ko ng makita kong naka in a relationship ako kay CLARK "FREAKIN" VILLAFUENTE !

"Paano... Hindi... Wala akong nilagay dyan.." may panic sa boses ko. "Wala akong binago. Hindi ko iyan binago." sabi ko sa kanila.

"Well apparently, may nag bago." sabi nila Jane.

May narinig akong napatili mula sa likuran. Sabay-sabay kaming lumingon.

Pumasok ang grupo ni Clark. Para silang isang grupo ng ipis na pag dumaan ay napapatili ang lahat.

May bitbit na bulaklak si Clark. Nag lakad sila papunta sa amin.

Inilahad niya sa akin ang kaniyang fist. Napa ikot na lang ang mata ko at nakipag fist bump.

"Para sa'yo ito ganda!" inabot niya sa akin ang isang boquet. Puro sunflowers ito.

"Salamat." sagot ko pero hindi niya narinig dahil sa hiyawan sa buong cafeteria.

"Tara na !" sabi niya sabay hila sa akin. Wala pa nga akong sagot hinila na niya ako.

"Hoy !" hinampas ko sa kaniya yung boquet. "Hindi porket tayo na eh ibig sabihin basta-basta mo na lang ako kakaladkarin."

Bumitaw siya sa akin. Humarap siya at nag puppy eyes. "Sorry po."

Ugh !! Nakala inis ang gwapo-gwapo niya !!! Parang ang hirap paniwalaan na may gusto siya sa akin. Parang ang labo na siya ang boyfriend ko.

Naglakad na kami pabalik sa klasrum. Magka holding hands kami. Ang daming napapa hinto pag dumadaan kami sa tapat nila. May mga napapa buntong hininga. Kay Clark lang sila nakatingin. Mga nakayakap sila sa kanilang mga libro at nakasunod ang tingin sa amin.

Mahigpit ang hawak niya sa akin. Diretso lang ang tingin niya at minsan sumusulyap sa akin.

Sa tabi ko siya umupo kahit bawal.

"Wag ka dyan. Lagot ka kay Sir mamaya." sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan na inilapag ang boquet. Maganda ang pag kaka ayos kaya ayokong masira.

"Sus ! Ako na bahala dun." sabi niya at kinuha na naman ang kamay ko.

Isa-isa niya itong pinaglaruan. Naka kunot ang noo ko.

"Anu meron?" tanung ko.

Hinalikan niya ang mga daliri ko. Yung bandang dulo lang. Naririnig ko ang pag 'awwww' ng mga malalandi kong kaklase.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now