★ TLS ~ Sixteen ♥

1.1K 40 8
                                    

Kabanata 16

Gusto kita

"Wooooh ! Go Clark !"

"I love you Clark !!"

"Akin lang si Clark ! Manigas kayo dyan."

"Mag pakasal na tayo bukas !!"

Naka palumbaba lang ako. Nasa ibaba kami ng mga babaeng uhaw na uhaw. Uhaw na uhaw kay Clark. Ang agressive nga nila masyado eh. Well, hindi ko sila masisisi. Ikaw ba namang may complete pack ng abs ang mag tatakbo diyan sa gitna ng court na nakahubad, plus pawisan pa at magulo ang buhok, surebol ng mag lalaway ang mga babae.

Gusto ko katawan niya. Oh my god ! Anu ba yung naisip ko. Well totoo naman, maganda ang katawan niya. Si Maria Clara ka kung hindi mo kaya ang ganyang katawan. Minsan dapat mo ding sumilip kay Lapu-lapu. Wag parati kay Jose Rizal.

"Nakaka baliw pala manuod ng laro na ito." sabi ni Kath habang umiinom ng gulaman. "Larong kalye pa lang to. What more pag talagang game na."

"Wala nga atang ibang pinunta yung mga babaeng ito kungdi si Clark." dagdag ko sabay hikab.

"Ate !!" biglang dating si Alex sa gilid namin. Napatingin kami ni Kath sa kaniya. "Let's buy !" tumuro siya dun sa isang fishball cart.

Pumayag naman kami. Pinunasan ko muna siya ng pawis dahil basang-basa na ang likod niya. Kalaro niya kasi si Daniel sa kabilanh court.

"Anu gusto niyo?" biglang sulpot si Daniel. Tuyo na ang mukha niya, nag pahid siguro ng pawis. Umakbay siya kay Kath.

"Gusto ko yung egg." sabay turo ni Alex doon sa kwek-kwek. "Tsaka yun brown na mahaba." turo niya ulit sa kikiam. Ngayon, narealize ko na talaga kung bakit turo-turo ang tawag dito.

Binigyan kami ng tig isang baso ni manong fishball at stick. Kumuha na kami ng gusto. Ang cute-cute kumain ni Alex. Naka tatlong rounds kami at tsaka dalawang gulaman. Masarap at sapat na dinner na ito.

"Clark papicture kami !" napalingon kami. Naka suot na ng jersey si Clark at may twalya sa batok.

Pumayag siya sa mga babaeng nag papicture sa kaniya. Naka ngiti siya. Hindi siya mukhang mayabang pero bakit sa school mukhang mayabang. Sa school enjoy na enjoy siya sa mga atensyon na nakukuha pero dito parang nahihiya siya.

Nag hihilahan ang mga babae pero siya naka ngiti lang. Para siyang isang sikat na artista.

Lumapit kami sa kaniya at hawak-hawak ang huling baso ng squidballs. Nag papapicture pa rin ang mga 'fans' niya.

"Lapitin talaga to ng mga babae." tumawa si Daniel. Nalipat sa amin ang atensyon ni Clark. Lalu siyang ngumiti ng malaki.

"Paki naman..." iniabot ni Clark ang cellphone niya sa isang lalaki at tumango.

Nasa bibig ko yung stick ng bigla niya akong hinila. Naka hawak siya sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko at tumingala sa kaniya. Biglang may nag flash. Dun ko lang napagtanto na nag group picture pala kami. Naka pose sila Kathryn habang ako mukang tanga na nakatingala kay Clark (-__-')

"Isa pa !!" sigaw ni Alex. And this time, naka tingin na ako sa camera. Naka ngiti. I'm trying so hard to fake this smile dahil hindi ako kumportable sa ahas na nasa bewang ko. Sakop niya eh. Para siyang human belt. At dahil sa ginawa niya, may kung anung gamu-gamo sa loob ng tyan ko. Dahil ba ito sa fishball o sa human belt ko?

Bumalik na kami sa bahay niya. Dumiretso si Clark sa kwarto niya. Pumunta naman ako sa kwarto ni Alex. Kulay light blue ang pader ng kwarto niya. May mga shelves na may mga laruang kotse at action figure. Hugus sasakyan din ang kama niya, tinanggalan lang ng bubong. May naka drawing na gulong sa bawat gilid.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now