★ TLS ~ Fourteen ♥

1K 40 13
                                    

Short note: The update will not be that regular. May nakuha kasi kaming part time job kaya medyo magiging busy. Thank you ng marami sa mga comments niyo. Sainyo ako kinikilig hindi kay #ClarkCole hahaha salamat talaha and God bless. :)

_____

Kabanata 14

Freakin Jealous

Hindi ko alam kung anu ang isusuot. Party ito kaya dapat medyo presentable tsaka yung hindi ganun kacorny. Alam kong madaming dadalo doon at mag papatalbugan sila ng porma. Ako naman si Danson lang ang habol.

Pumayag siya na isama sila Kathryn at Alex. Oo, nagka usap kami ni Danson. Hindi uso text sa kaniya kaya panay tawag siya. Kaninang mga alas tres ang huling tawag niya. Mga alasyete kasi ang party at 6:30 na nandito pa ako sa loob ng closet. Hindi ako makapamili ng isusuot. Naka bathrobe pa ako.

"Ui Nicole tara na !! " biglang kumatok si Kathryn.

"Teka lang !" sigaw ko pabalik.

Kumuha na lang ako ng isang red dress at black na converse. Nag lugay ako at nag lagay ng eyeliner. Lumabas na ako ng kwarto.

"Damn !" bati ni Daniel sa akin. Hinampas ko naman siya sa braso. "Ikaw ba yung may birthday?" tanung ni Kathryn habang pababa ng hagdanan.

Naka upo sa sofa si Alex at Clark. Simple lang ang suot ni Clark. Naka black na poloshirt at pants. Magulo ang buhok pero bagay sa kaniya. Pinag lalaruan niya ang ibabang labi niya.

"Ate ! You look so pretty." binati ako ni Alex ng malipat sa akin ang atensyon niya. Napatingin din si Clark.

"Thank you baby." sabi ko sakaniya sabay buhat sa kaniya.

"Yan ang isusuot mo?" tanung ni Clark sabay tayo sa harapan ko. Tumango ako. "Osige. Tara na!"

Anu na naman problema nito? May period na naman ba siya?

Umalis na kami at pumunta sa party. Nag park sa tapat si Clark. Sa isang bar ang birthday party. Private ito dahil naka reserve.

"Kuya uwi din tayo kaagad ah." sabi ni Alex pagka baba namin.

"Wag ka mag alala alex, kami mag uuwi sayo pag pagod ka na." sabi ni Kathryn kay Alex. Ngumiti naman ako at lumabas na kami ng sasakyan. Mabilis nakain ng  tao si Clark. Agad siyang nawala.

Pumunta ako kay James at binati siya.

"Thank you ! Buti na lang ang nakapunta kayo. Kanina ka pa din hinahanap ni Danson." masayang kwento ni James.

"Ah ganun ba. Sige una na kami. Hanapin ko din sila Miles." sabi ko at nag excuse. Hinanap ko sila Miles. Si Daniel naman ay hinanap si Clark. Gusto niyang makisama sa amin pero sinabi namin na sa mga lalaki siya makisama.

"Nicole !!" narinig ko ang tawag ni Miles. Agad akong tumakbo doon. Hawak ko ang kamay ni Kathryn at Alex. "Oh my god. Hi Alex !"

Bumitaw si Alex sa akin at yumakap sa kanila. Noon ko pa napansin na kilala nila si Alex. Close nga nila ito eh, siguro kahit noon pa madalas na talaga kasama ni Clark si Alex.

"Guys this is Kathryn." hinarap ko si Kath sa kanila at napansin ang panlalaki ng mga mata nila. "Kath this is Miles, Jane and Ariana."

"Hello everyone." kaway ni Kathryn. Inangat din nila ang kamay nila at kumaway kay Kath. Para silang nabigla sa kaniya.

"Artista ka ba?" biglang tanung ni Jane pagka-upo namin.

Tumawa si Kath. "No. Normal na tao lang po ako."

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now