★ TLS ~ Thirty ♥

923 36 4
                                    

Kabanata 30

Back in hell

"Kuya? Ate? What's going on?"

Ramdam ko ang pagtigas ng katawan ni Clark. Lumamig ang mga kamay niya. Ngayon ko lang nakita na ganito siya. Kita mo ang takot sa kaniya. Nahawa tuloy ako. Nanlamig din ako.

Nag hiwalay kami at lumapit siya kay Alex.

"Why did you kiss her?" humilig nang kaunti ang ulo nung bata. Nakita niya yun?! Oh great !! Yan ang napapala ng pagiging malandi namin.

"Uhhhh..." paumpisa ko. Nakaka titig si Alex sa akin tapos balik kay Clark.

"It's nothing baby..." yun ang lumabas sa bibig ni Clark.

"Nothing?" lumaki ng kaunti ang mga mata niya.

"Well, me and your ate Nicole..." tumingin siya sa akin. Para bang nanghihingi ng tulong.

"You're like tita Daniella and Daddy." sabi niya.

Awwww !! Anu ba naman ito.

"You love each other." sabi niya. Lumaki ang ngiti niya.

Nginitian siya ni Clark. Ang mokong na ito nakaka ngiti pa.

"Yes." simpleng sagot niya.

Nagkibit balikat si Alex. "Okay. It's fine with me." sabi niya. May ngiti pa rin sa mukha.

"But this is our secret okay? You can't tell anyone." dagdag ni Clark. Bumusangot ang mukha ni Alex.

"Why? Is it bad?" tanung niya.

"No. No sweetie." lumuhod din ako sa tapat niya para maging ka eye level ko siya. "It's just that...." paksh1t ! Anu sasabihin ko.

"It's just that this is not a good time. Kami na lang ang mag-sasabi. For now Alexander, this is our secret." paliwanag ni Clark.

Kinakabahan ako sa itsura ni Alex. Pero lumuwag din ang masikip kong dibdib ng makita ko ang pag liwanag ng mukha niya.

"Okay !" sabi niya ng masaya. Naka hinga na ako ng maluwag. Hirap talaga akong makipag-usap sa mga bata dahil wala naman akong experience. Wala naman akong nakakasama na batang kamag-anak.

"Okay ! Let's eat para makapag ready." sabi ni Clark at binuhat na niya si Alex. Ang cute din ng magkapatid na ito. Nag kakaintindihan sila. Kahit minsan nag-aaway ng dahil sa mga simpleng bagay, nag kakabati din sila.

Kahit na madaling mag-init ang ulo ni Clark, ramdam at kita mo pa rin ang pag mamahal niya para kay Alex.

Madami kaming kinain na almusal. Parang brunch na din. Ayaw pa nga nilang umalis. Mga gusto pang mag extend.

"Ayoko pa mamatay !" ang OA talaga ng kaibigan ko.

"Dahan-dahan po..." nanginginig ang boses ni Jane. Nakasakay na kasi kami sa bangka.

Tumatalon ang bangka dahil ang lalaki ng alon. Nakakatakot talaga pero kung alam mo naman na marunong kang lumangoy, hindi ka na matatakot. Si Alex nga tulog dun sa gilid namin tapos itong mga kaibigan ko wagas.

Si Clark din tulo ang laway dito sa balikat ko. Sila James ay nag tatawanan lang kada bagsak nung bangka. Akala mo naka sakay sa isang theme park ride.

Pagkadating namin sa pier ay nandun na ang isa pang van. Pakiramdam ko nga mas dumami ang dala namin kesa nung papunta.

Hindi si Clark ang nag drive pauwi dahil antok na antok pa rin daw siya. Isa-isa namin silang hinatid sa kanilang mga bahay.

Typical Love StoryWhere stories live. Discover now