★ TLS ~ Twenty nine ♥

979 38 2
                                    

Kabanata 29

Wonderland

Isang malaking CHEAT DAY ang nangyari kahapon. Grabe ang gutom ng mga kaibigan ko at pati ni Clark.

Kahapon ay puro langoy-langoy sila dun na parang mga isdang ngayon lang nakakita ng tubig. Nakaka isang araw pa lang kami kahapon ay grabe na ang initim nila. Ako kaunti lang dahil hindi ako mahilig mag swimming.

Itong si Clark, hindi man lang umiitim kaya naiinggit ako. Namumula lang siya pero hanggang dun lang. Nag ihaw kami nung kinagabihan. Mga natuwa sila dahil may mga pusit silang nahuhuli.

Pinatulog na namin si Alex ng maaga dahil mga nag inuman pa kami sa gitna ng bonfire. Mga madadaldal sila. Magkatabi kami ni Clark. Ang isang kamay niya ay naka akbay sa akin habang naka sandal naman ako sa dibdib niya. Sa buhangin kasi kami umiinom. Ang sarap sa feeling ng ganito. Pagkatapos ng mga problemang dumaan at hirap, we all deserve this.

Kinaumagahan, umalis kami ng resort. Pumunta kami dun sa center part ng island. Madaming mga stores. Bumili kami ng mga souvenirs.

Another cheat day na naman ito para sa kanila. Bawat kainan ay halos kinainan namin. Iba talaga pag rich kids. Ang appetizer sa ibang stall. Ang main course. Ang merienda. Lahat, pinuntahan namin. At nang mabusog kami, tsaka nag aya ang mga gagong mag swimming.

"Baka mamatay tayo !" utas ni James. Naka upo kami sa isang bakanteng kubo.

"Tanga ! Hindi ka mamatay. Mamumulikat ka lang." sabi ni Clark.

Dala-dala nila ang surf board nila.

"Excuse me miss?'

Napahinto kami nila Miles sa tawanan ng biglang may lumapit sa amin na dalawang lalaki.

"Anu po iyon?" tanung ko.

Naramdaman ko kaagad ang mainit na kamay ni Clark sa bewang ko. Hinila niya ako palayo dun sa dalawa.

So protective !!

"Anu kailangan niyo?" maangas niyang tanung.

Hinampas ko siya. Mukhang mas matanda sa amin yung dalawang lalaki tapos wala man lang respeto ang gunggong.

"May gusto lang ata silang ioffer." sabi ni Brent. "No need to be OA."

Nakatikim siya ng mura kay Clark.

"Anu po iyan manong?" tanung ni Ariana at tiningnan ang hawak nung lalaki.

"Ui ! Island hopping at snorkling oh !" iwinagayway ni Jane ang isa pang papel.

Pinalibutan namin ito.

"Game?" tanung ni Danson.

"Safe ba kuya?" tanung ko. Baka kasi mamaya malakas ang alon.

"Safe yan. Wag mo na itanung." bulong ni Clark sa tenga ko.

Is that jealousy in his tone?! Hahaha nako ang aking bebu. Nag seselos sa mga simpleng bagay.

"Tara ! Gawin na natin. Walang KJ ah !" sabi ni Enchong at tumakbo na papunta dun sa bangkang gagamitin namin.

"Kuya !!" hinila ni Alex ang short ng kuya niya. Nakatali naman ito kaya hindi nalaglag. Buti na lang talaga dahil pag nangyari yun, ipapatanggal ko ang mga mata ng nakakita.

Wait, ako din ba nag seselos sa napak simpleng bagay?!

"I want to feed the fish !" sabi ni Alex habang naka sakay na kami sa bangka. Naka life vest ang ilan sa amin.

Typical Love StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz