Chapter 14.1.4

536K 7.2K 340
                                    

#CBTG  #JorTy 

#LanggamPaMore  lels

********

CHAPTER 14.1.4

Jordan

Matapos ang mainit na eksena namin ni Ty noong nakaraang araw ay alam kong may nabago sa pagtitinginan naming dalawa. Alam kong mas lumalim ang nararamdaman namin at mas lalong naging mahirap ang pagpipigil sa tuwing magtatagpo ang labi naming dalawa.

"So, may naisip ka ng regalo para kay Kuya?" Si Kirsten. Medyo naging regular na bisita ko na siya rito sa canteen simula nang maging mas malapit kami sa isa't-isa.

"Nasa inyo naman na yata ang lahat, Kirs. Ano pa bang ibibigay ko na maa-appreciate niya?" Fine. Desperada na ako. Wala talaga akong maisip na kahit na ano.

"Hmm..." Sumandal si Kirsten sa table habang kinakagat-kagat niya ang kanang hintuturo niya. "Hindi naman materialistic si Kuya. Pati tuloy ako nahihirapang mag-isip!"

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at tumingin sa kawalan.

"Gusto mo, mag mall ulit tayo. Hanap tayo ngayon habang maaga pa."

"Akala ko ba may date kayo ni Chance?" Kumunot ako. Kahiya-hiya namang maging istorbo ako sa kanila. Ngayon pang alam ko ang pakiramdan na mapag-isa kasama ang minamahal mo? Hindi talaga kaaya-aya ang may kasama!

"It's not actually a date. Bibili lang din siya ng gift niya para kay Ty tapos nood ng sine."

"Date pa rin 'yun."

"Hindi ka naman iba sa amin, sis."

"Hindi na." Umiling ako. "Ako na ang bahala. 'Wag mo na ako intindihin."

"Ooops, speaking." Napasulyap ako sa aking relo at tama ngang break time na nila Ty.

"Hello, Baby Girl." Si Chance na agad pang yumuko at hinalikan si Kirsten sa labi. Nakakakilig talaga sila! Parang nakalimutan ko nang dati akong nagka-crush kay Chance.

Tinapik ni Kirsten sa pisngi si Chance na naupo agad sa tabi niya.

"Hi, Jorge," bati rin naman niya sa akin.

"Hi." Tinanguan ko siya at hinintay na lang ang pagbati ng boyfriend ko na naamoy ko agad.

"Mahal ko..." Naramdaman ko agad ang pag-upo niya sa tabi ko at hinalikan ako sa sentido.

"Hi..." Matamis akong ngumiti at agad kaming naghawak ng kamay sa ilalim ng table.

'Yung ibang barkada naman niya ay pumakabilang table na muna at tamang bumati lang sa aming dalawa ni Kirsten.

"Balik muna ako sa trabaho, Ty," paalam ko pa.

"Dito ka muna." Ngumuso pa siya.

"Hindi puwede. Sobrang nakakahiya na. Pinag-uusapan na tayo ng mga estudyante rito," bulong ko pa.

"Tss, gusto mo bilhin ko na lang ang canteen na 'to para sa'yo?"

"Ty!" Kinurot ko siya sa braso gamit ang libre kong kamay at agad naman siyang napaigtad sa sakit.

"Fine. Hindi naman ako mananalo sa'yo," nakangiting sabi niya at ang gago ay talagang hinalikan pa rin ako sa labi. Parang nagpatay malisya lang siya na tipong wala siyang ginawang kung ano at nakipag-usap na lang muna doon sa mga barkada niya. Pasaway talaga!

Habang nagme-merienda sila ay pinagsilbihan ko muna ang ibang estudyante. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ang nagustuhan ni Ty sa akin. Serbidora lang ako rito, pero ni minsan ay hindi niya ipinaramdam na ikinakahiya niya ako.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon