Chapter 46 -Please Stay!

1.1K 42 0
                                    

Alex POV

Argh! ang sakit ng likod ko. Paano ba naman kasi sabi ko naman na maghahanap na lang ako ng malapit na hotel dito or Airbnb pero hindi pa rin ako nakatanggi kay Lola. Alam ko ang iniisip niyo meron naman kaming bahay na malapit dito, kapag doon naman ako natulog malalaman ni dad kung nasaan ako.

Pinatulog nga nila ako dito sa bahay,  kaya nga lang isang higaan lang ang meron sila ayoko naman na silang mag-lola ang matulog sa sahig gamit ng banig nakakahiya noh at isa pa matanda na si Lola baka lamigan lang.

Nang makatayo ako, napansin ko na mahimbing pa ang tulog nung dalawa tinignan ko ang orasan nila at laking gulat ko na maaga pa ako nagising matapos ng nangyari kagabi. I did stay sa party nila Liezel, her parents actually made me stay until the end, masaya siya pero kj daw ako, yan ang sabi ng tatay niya kasi nga ayoko daw uminom. Gusto kong magpaliwanag pero dahil sa marami na silang nainom hindi naman nila ako hinayahang magsalita at patuloy pa rin ang pang-aasar sa akin, sumama pa yung mga kapatid ni Liezel.

Natuloy din ang karaoke namin hindi nga lang ako masyadong nakakanta dahil mahilig sumingit yung isang kuya ni Liezel na si Miguel at ang sama pa makatingin parang may galit sa akin. Yun lang naman ang nangyari kagabi, hindi na kami muling nagkausap ni Liezel mukhang busy siya kasama ng mga kaibigan niya. Doon na rin nakitulog sa kanila pero yung Romeo umuwi yata dahil kailangan daw siya sa bahay nila.

Nandito ako ngayon sa may gilid ng bahay nila Lola Fely ang lamig ng simoy ng hangin, ibang-iba sa manila. Ano kaya ang mangyayari sa akin kapag nakabalik ako, ayoko na rin naman manatili pa dito kung ayaw naman din ni Liezel. Ako yung tao na hindi kaagad sumusuko pero kapag mismong yung tao na ang ayaw ayoko ng isik-sik pa ang sarili ko. Pero deep inside gustong-gusto ko talagang mapalapit sa kanya kasi iba na itong nararamdaman ko lalo na nung malaman kong ipinagkasundo ako ni Dad sa anak ni Tito Tony, si Liezel kaagad ang naisip ko. Mabuti pa at maghanda na ako ng breakfast nila Lola although I don't have any idea how to cook I decided to buy food outside buti na lang talaga at may sasakyan ako at may natira pa akong cash, because the moment I use my credit cards malalaman nila kung nasaan ako and that is what I am avoiding.

"Here sir, order's complete."

"Thanks. Can I get an additional ketchup and tissue as well?"

Pagkalipas ng ilang minuto bumalik yung guy at ini-abot niya yung mga hiningi ko.
Alright I got all the food we need at siguro naman gising na sila.

7:00 am.....

"Alex ang aga mo naman yata nagising, saan ka ba nanggaling?" tanong ni Lola ng makasalubong ko papasok ng bahay

"Bumili lang po ng breakfast natin, gising na po ba ang apo niyo?"

"Oo kagigising lang nagpunta muna ng banyo at kanina pa daw siya naiihi. Ano ba yang pinamili mo?"

Nilapag ko sa mesa ang pagkain at isa-isang nilabas, sakto naman ang paglabas ni Julio.

"Lola ito po yung sa inyo 2pc na pancake kung ayaw niyo po iyan meron pong Sausage McMuffin dito at hot chocolate. Julio halika na dito para makakain ka na rin mamili ka na lang kung pancake ka o chicken, tapos may hot chocolate at iced tea kunin mo na lang kung ano ang gusto mo."

"O Alex saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Lola ng makita niya akong papalabas ng bahay

"May nakalimutan lang po sa labas, kukunin ko lang po."

Iniwan ko muna sina Lola sa loob nakalimutan ko kasi yung isang inumin na binili ko nasa may cup holder pa ng sasakyan ko. Papasok na sana ako sa loob para makakain na din pero meron akong napansin sa harap ng bahay nila Liezel.

"Pare ang aga mo yata."

"Nagdala lang ako ng mga prutas para kainin nila Liezel, ikaw din ang aga mo nagising hindi ba dapat tulog ka pa."

Aba nang-aasar yata.

"Sayang lang ang pagpunta mo mukhang tulog pa sila dahil nga late na rin natapos yung party kagabi, kung ako sa iyo aalis na lang ako."

"Mabuti pa nga umalis ka na, hindi ka naman kailangan dito."

Tinignan ko siya ng masama ganoon din naman ang ginawa niya.

"Kuya Alex pinapatawag po kayo ni Lola, kumain na daw po kayo."

"Sige susunod na ako mauna ka ng pumasok, salamat."

Bago ako pumasok tinignan ko ulit kung nandoon pa siya sa may gate nila Liezel pero wala na akong nakitang tao, umuwi na din siguro.

"Alex tapos na kaming kumain ni Julio, kumain ka na rin habang mainit pa ang mga pagkain. Julio apo maligo ka na at magsisimba pa tayo."

Oo nga pala linggo ngayon pero simula ng mamatay si mom wala naman na kaming ginagawa na magkakasama ni hindi na nga kami nakakapagsimba.

"Alex kapag natapos na si Julio maligo ka na din at samahan mo kami sa simbahan."

"Naku hindi na po aalis na din po ako maya-maya, wala na rin po akong gagawin dito, nagkausap na kami ni Liezel kahapon."

"Hindi ka na ba talaga magtatagal dito? Sayang naman pwede ka naman umuwi kahit mamayang gabi na lang, samahan mo muna kami magsimba at maipagluto man lang kita, andami mo din kasing naitulong sa amin ng apo ko."

"May pasok na rin po kasi ako bukas at marami din akong naiwan na trabaho, kaya.."

"Sige na nga iho basta bumisita ka din ulit dito ha, bukas ang bahay namin para sa iyo."

Nang matapos kami ni Lola Fely sa pag-uusap pumunta na siya sa kwarto upang magbihis dahil aalis na din sila papuntang simbahan. Ako naman inayos ko na lahat ng kalat na naiwan dahil sa breakfast namin.

8:30am.....

"Salamat po ulit kasi pinatulog niyo ako dito sa inyo. Hindi ko din po makakalimutan yung mga kwento at turo niyo sa akin."

"Wala yun basta ba yung sinabi ko kanina na babalik ka tuparin mo ah"

"No problem Lola kapag may oras po ako dito kaagad ako pupunta."

"O siya sige mag-iingat ka sa daan ha! Magmaneho ng dahan dahan para di maaksidente."

"Opo. Lola bakit hindi na lang kayo sumabay sa akin, ihahatid ko kayo sa simbahan bago ako umalis."

"Huwag na Alex malapit lang naman ang simbahan dalawang kanto lang mula dito."

Hindi na ako nagpumilit dahil kilala ko na ang ugali ni Lola Fely kahit na sandali lang kami nagkasama. Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay at agad naman na akong naglakad papunta sa kotse ko habang sinasara ni Lola ang bahay.

"Alex aalis ka na pala?"

"Precious right?"

"Oo ako nga, pero bakit yata ang bilis naman?"

"Ah, kasi sa..."

"Liz aalis na pala yung kaklase mo kala ko kasama natin siyang magsisimba?"

Nakita kong lumabas ng gate nila si Liezel at kasunod niya yung ibang mga kaibigan niya pati na din ang mokong. Mukhang pinapasok siya kanina kaya pala nawala akala ko umuwi na, aba good mood yata nang marinig na aalis na ako.

Huli na ng mapansin kong nasa harapan ko na pala si Liezel.

"Can you please stay?"

😶

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Forty Sixth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon