Chapter 63 - 65 (Last Update)

1K 51 30
                                    

Chapter 63

Si Elaine ang una naming pinuntahan ni David pagkabalik namin sa Seattle. Nagulat ako nang madatnan siyang may kasamang lalaki sa bahay. Nakikipagdate pala ang nanay ko, bagay na ikinatuwa ko naman. Akala ko, tututol siya nang sabihin kong magiging isang agent ako ng isang superhuman agency.

"I spent a few days thinking about this and just being honest to myself," saad niya nang mag-usap kami sa kwarto ko. "I knew that your life was about to change, and I couldn't do anything about it."

"No one could ever have." Hinawakan ko ang kamay niya. "And don't you ever think that you're not good enough as a mother just because my life didn't turn out the way you planned."

"Iba yata ang hangin sa Nevada at nagkaro'n ka ng maturity." Kinurot niya ang pisngi ko.

"Mom, mamimiss kita."

"Mamimiss din kita."

"May boyfriend ka na naman eh. Hindi mo na ako kailangan dito. Teka, sa'n mo nga pala nakilala 'yang mamang 'yan?"

"Churchmate ko siya."

"Wow, lumalandi ka pala sa simbahan."

Kinurot niya ang tenga ko. "Hindi ah. Siya ang nakakausap ko, napagsasabihan ko ng mga problema ko."

"Problema mo sa akin?"

"Oo at iba pa."

"Mukhang mabait naman. Teka, ilan na anak niyan?"

"Just read his mind. Nakakapagod din 'yang kakulitan mo."

"Nagmana lang ako sa'yo. Tsaka, ayaw mo naman akong nagma-mind reading eh. Ikaw talaga napaka-inconsistent mo."

Tinitigan niya ako habang nakangiti. "Alam mo, ibang-iba ka na sa batang inalagaan ko noon. Dane, kahit lagi akong nagagalit sa'yo, gusto kong malaman mo na ipinagmamalaki kita."

"Nagdadrama ka na. Gusto mo ba akong bumalik sa pagka-iyakin?"

Niyakap niya ako matapos kong sarhan ang maleta ko. "Hindi ba mapanganib du'n, anak?" Kahit hindi niya sabihin, nag-aalala siya. Ayaw niya lang ipahalata kasi wala rin naman siyang magagawa. Matigas ang ulo ng anak niya eh.

Umupo rin ako nang umupo siya sa gilid ng kama. "Kahit nasaan ako may panganib. Destiny ko na yata ito."

"Pwede ba kitang dalawin du'n?"

"Dadalaw naman ako dito palagi." Tinitigan ko ang nanay ko sa mga mata. "Sorry kung hindi ako naging mabutang anak."

"I know."

Hindi man lang niya sinabing hindi, mabuti kang anak. Medyo nasaktan ako. Gayunpaman, naramdaman ko ang bigat sa loob niya na hindi ko alam kung paano iibsan.

"Mag-iingat ka, Dane."

"Sila ang mag-ingat sa akin. Alagaan mo si Alice."

"Oo, hindi ko na siya ibabalik sa boyfriend mo."

Nagtawanan kaming dalawa.

Nasa sala si Alice na kinakausap ni David. Tahimik lang ang aso na para bang alam nito na hindi na niya makikita si David nang mahabang panahon. Hindi siya masigla. Nakahiga lang siya sa kandungan ng master niya, paminsan-minsan ay tumititig siya sa akin na para bang naiinis siya na dadalhin ko na ang amo niya sa malayong lugar.

Alice, 'yang si David ang may gusto na manatili kami sa Nevada.

Chapter 64

Sunod naming pinuntahan si Hannah na pinapakain ang nanay niyang may sakit. Ito ang una at huling pagkakataong nakapunta ako sa kanila.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Gulat siya nang makita si David na naka wheelchair.

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon