Chapters 20 and 21

1.8K 92 16
                                    

Chapter 20

Pinukaw na naman ng kakaibang init ang matandang may pilat sa mukha. Nasa sulok siya ng kulungang yari sa mga ladrilyo. May kung anong gumambala sa kanyang tahimik na pananatili sa piitan.

"I can feel your psychic energy, son." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sulok. Tinungo niya ang bintanang may mga baras. Tumanaw siya mula rito. Wala siyang makita ngunit nakahawak siya sa dibdib niya. "Your warmth is near. I could almost feel you." Lumitaw ang kanyang mga nabubulok na ngipin nang siya'y ngumiti.

Ilang sandali pa ay nadismaya siya. Tumalikod siya nang nakayuko at bumalik sa sulok kung saan siya'y umupo. "Get me out of here!" Kumawala ang enerhiya mula sa kanyang bibig na nagpagalaw sa mga ladrilyong sa una ay tila malalaglag ngunit kalaunan ay tumigil at pumirmi. Walang magawa ang matanda kundi tumangis.

Samantala, nakamasid ang isang nurse sa katawan ng wala pa ring malay na si Frank Astor. "He opened his eyes again," saad niya sa kasamang doktor.

"I'm sick of seeing this man," saad ng doktor. "I don't know why Rod still keeps this pedophile alive." Matalim ang titig niya sa nakaratay. Wala ni katiting na simpatyang makikita sa kanyang mukha.

Chapter 21

Excited si David na mabisita si Dane. Alam niya kung saan ang bahay ng bagong kaibigan dahil nahatid na niya ito roon minsan. Naiinis siya dahil hindi man lang ito nagtext sa kanya, ngunit hindi na rin iyon mahalaga para sa kanya. Gusto niya lang itong makita at makausap kahit hindi siya sigurado kung papapasukin ba siya nito sa bahay nila o kakausapin ba siya nito. Gaya nang nauna niyang realization, marami pa siyang hindi alam kay Dane. Ang tanging nagbuklod sa kanila ay ang kanilang mga kakaibang kakayahan. Bukod sa mga ito, wala siyang maisip na commonality sa kanila kaya nais niyang mas makilala pa ito.

Bakas ang sigla sa kanyang mga mata habang pinapatakbo niya ang kanyang motor. Ngunit hindi niya akalaing mabilis na mabubura ang siglang nadarama. Binagalan niya ang takbo ng kanyang motorsiklo nang mapansin ang isang kotseng huminto sa tapat ng bahay nina Dane. Tinigil niya ang motorsiklo sa tabi ng kalsada. Malayo pa ay tanaw niya ang pagbaba ni Dane mula sa kotse. Kasama niya si Kyle at tila masaya sila. Nakita niya ang saya sa mukha nito, at parang nanlumo siya sa nakita. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa habang papasok sa bakurang iyon. Bumukas ang pinto at binungad ang dalawa ng isang aleng nagagalak habang pinapatuloy silang dalawa.

Agad niyang nilisan ang lugar. Matulin ang takbo ng kanyang motor. Seryoso ang mga mata niya at matalim ang titig niya. Tumigil siya sa isang bar at doon ay uminom nang uminom. Wala sa kanya na kaunti na lang ang naiwan niyang pera. Wala sa kanya na ilang oras na siya naroon, at malalim na ang gabi. Di pinansin ni David ang ingay sa loob ng pook.

"Heartbreak drinking ain't good." Hinila ng isang babae ang bote ng alak mula sa kanya.

Kukunin niya sana ito nang iniwas ito sa kanya ng babae. "Sino ka ba?" Hindi pa malabo ang paningin niya, at alam niyang may itsura ang babae.

"I can help you deal with your breakup blues." Matingkad ang mga pulang labi niya. Seryosong tinitigan ng babae ang binatang malungkot. "Your place or my place?"

Sa kasamang estranghero ay binuhos ng lalaki ang lahat ng emosyon -- pag-aalala, pagkadismaya, takot na mabuhay na mag-isa. At selos? Napuno ng mga ungol at halinghing ang kanyang silid. Marahas ang palakpak ng pagtatama ng kanilang mga balat. Sandaling naibsan ng orgasmo ang lahat ng mga negatibong emosyon na lumamon sa kanya.

Pinukaw siya ng mga tahol ni Alice. Inaantok pa siya at masakit ang ulo niya dahil sa hangover. Wala na sa bahay niya ang babae. Hindi man lang niya natanong ang pangalan nito. Ngunit wala na rin iyon sa kanya. Nagsisisi siya kung bakit siya nagpakalasing. Nabawasan pa ang pera niya. Tumungo siya sa kusina upang mag-agahan at umupo siya sa mesa matapos maihanda ang natitirang cereal nang mapansin niyang wala ng makain si Alice.

QUEERWhere stories live. Discover now