Chapter 8

2.9K 121 39
                                    

Ang paglalakbay ng kanyang diwa ay hindi niya pa lubos na kontrolado. Ilang taon na itong hindi nararanasan, siguro dahil sinu-suppress niya ang kakayahang ito. Gaya ng lagi niyang sinasabi at ng gustong ipabatid sa kanya ni Elaine, dapat ay mamuhay siya na parang isang normal na tae. Ngunit minsan gumagana nang kusa ang kanyang kapangyarihan, bagay na hindi niya maunawaan tulad ng pagkakaunawa niya sa kakayahang basahin ang isipan ng iba.

Ngayon nga ay nangyayari na naman, at batid niyang wala na naman siya sa sarili niyang utak kasi ibang silid ang nakikita niya. May babaeng nasa late 40s na natutulog sa rocking chair. Pero dumako ang tingin niya sa hawak na telepono, pero hindi niya telepono ito. Hindi rin kanya ang mga kamay na nakahawak sa bagay na ito. Alam niya dahil pinapanood niya ang isang video kung saan may sinasalaysay siya tungkol sa campus bullying at violence.

May kakaiba siyang nararamdaman. Para bang nahuhumaling siya sa sarili niya. Hindi pala. Nahuhumaling sa kanya ang taong nanonood ng bidyo niya, subalit hindi siya sigurado. Baka mali siya. Bala isa lang ito sa mga weird dreams niya.

Dahan-dahang dumilim ang paligid, at nasa kawalan siya, pero dahan-dahan ding nagliwanag ang paligid. Namulat siya sa isang pamilyar na lugar na unti-unting nagliwanag. Alam niya ang lugar na ito. Alam na alam.

Nasa labas siya ng Seattle University, naglalakad at nakatitig sa cellphone niya, tinitingnan kung may mensahe ba mula kay Joaquin. Dahil wala, binalik niya ang cellphone sa bulsa. Huli na ng mapansin niyang may nasagi siyang tao. Siya na nga ang nakasagi, siya pa ang galit. "Watch your steps, moron!" bulyaw niya

"Watch yours, too." Masama ang ngisi sa kanya ng nabundol niya. Pero teka't kilala niya ito. Oo, nakatitig siya sa sarili niya. At bigla niyang naalala ang eksena. Nabangga siya ni David nung unang araw ng pasukan. Ibig sabihin nasa utak siya ni David.

Natatawa si Dane habang nakikita niya ang mukha niya at ekspresyon sa persepsiyon ni David. Dama niya na inis na inis si David sa kanya noong mga minutong iyon. Ibang klase rin ang kumag na ito.

May humila sa kanya patungo sa kawalan kaya nawala na ang tagpong iyon. Napalitan ng maraming imaheng mabilis na gumagalaw sa iba't-ibang direksiyon, lumilitaw, nalulusaw, nawawala, at napapalitan ng iba't-ibang anyo, lugar, at tao. Ganito ba kagulo ang utak ng isang David Lawrence? Ang hindi maintindihan ni Dane ay kung bakit madalas lumitaw ang mukha niya sa mga alaala ni David.

Maingay ang auditorium kung saan ginaganap ang student council officer nominations. Nakikita na naman niya ang nakikita ni David noong mga oras na iyon. Pinapanood niya ang sarili niyang naghububad mula sa punto de bista ni David. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso nito. Ngumiti si Dane sa kanya, halatang nahihiya. Pero iniba ni David ang tingin -- at muling nalusaw ang tagpo.

Ilang mga tanong ang bumagabag sa isipan ni Dane. May gusto ba sa kanya si David? Bakit naiisip siya nito? Bakit may alab sa diwa ni David ng tingnan siya nito? Nalilito si Dane sapagkat alam niyang galit ang lalaking 'yun sa kanya.

May isa pang bumagabag sa kanya. Ito na ang pangalawang beses na nakapasok siya sa utak ni David nang hindi sinasadya. May kung anong pwersa ang humahatak sa kanya patungo sa kamalayan ni David na mukhang dehado sa pagkakataong ito dahil nakikita ni Dane ang lahat. Wala nang pwedeng itago ang utak nito mula sa mambabasa ng mga alaala. At ngayon batid na niyang may gusto sa kanya ang malditong iyon. Natawa siya sa nadiskubre.

Sa isang banda, naisip din naman niyang baka may ibang dahilan. Makikipagtalo ba siya sa sarili niya? Kailangan niyang malaman ang dahilan, subalit napagtanto niyang mali na nasa loob siya ng diwa ng iba. Isa itong uri ng trespassing. Kaya minabuti niyang lisanin ang isipan ng binatang karibal.

Humugot siya ng malalim na hininga matapos dumilat. Madilim ang silid. Kinusot niya ang mga pisngi, sinapo ang noo. Nais niyang maintindihan ang nalaman. Maaaring mali ang kutob niya.

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon