Chapters 22 and 23

1.6K 98 4
                                    

Chapter 22

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa diwa niya ang sinabi ni Dane. Tinanong niya ang sarili kung totoo ito. Gusto niyang ikaila ito, ngunit tinuya siya ng kanyang isipan. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na hindi totoo ang narinig, at isang tao lang ang naisip niya. Kaya nagpasya siyang puntahan si Hannah sa bahay nila. Laking gulat niya nang makita si Jane na nakaupo sa gilid ng kalsada sa tapat ng bahay nila.

"Auntie Jane?" Agad pinara ni David ang motor. "What are you doing here?"

Mugto ang mga mata ng ale. "They took her."

"Who?"

Tinitigan ng ale ang binata sa mga mata. "They took my daughter!" Umiyak siya.

"What?" Inalalayan niya ito papasok sa bahay.

"They took her." Nagpumiglas ito ngunit wala ring nagawa. "They took Hannah. Men came here and took her. Yes, that's what happened." Kumalma rin ito at inulit-ulit ang sinabi.

Agad namang kinuha ni David ang kanyang telepono at pinindot ang mga numero ni Hannah. Kahit papaano ay umasa siyang sasagot ang dalaga, ngunit hindi ito sumasagot. Ang pagring ng telepono sa kabilang linya ay sinundan ng mga beeps. Tuluyan nang nabahala si David. Lumapit siya kay Jane at hinawakan ito ng mahigpit sa mga braso. "Who took her?"

Umiling ang ale. "I don't know. Just men in dark jackets."

Isa itong palaisipan para sa binatang ilang minutong nag-isip ng maaaring nangyari sa kaibigan. Takot at kaba ang namayani sa damdamin niya. Wala siyang maisip na maaaring nakaaway ni Hannah. Marami siyang haka-haka sa isipan niya ngunit wala ni isa sa mga ito ang may saysay para sa kanya. Hindi niya rin matanong si Jane ng iba pang detalye dahil umiiyak lang ito na parang batang paslit.

"I'm going to find her." Hinawakan niya ang mga pisngi ng ale na tumango lang sa kanya. Nadurog ang puso niya. Ayaw niya itong iwanan ngunit wala siyang mapagpilian. Halos paliparin niya ang motorsiklo papunta sa tambayan ng mga puta sa Seattle. Malalim na ang gabi pero walang makapagsabi kung nasaan si Hannah. Nakailang tawag na rin siya dito ngunit hindi ito sumasagot.

Pinara ng tulirong si David ang motorsiklo sa isang sidewalk sa mataong district ng Seattle. Maraming dumadaang sasakyan. Hinayaan niya ang sarili niyang mabingi sa mga busina ng mga ito. Hindi niya pinansin ang mga taong naglalakad sa daan. Buhay na buhay ang lungsod kahit lampas hatinggabi na. Binati siya ng mga makislap ng ilaw mula sa nagtataasang gusaling nakapalibot sa kung nasaan siya nang iangat niya ang tingin. Nagugutom siya. Pero mas nais niyang mahanap ang babae. Ayaw niyang umuwi hangga't hindi niya nasisigurong okay ito. Naisip niyang pumunta sa mga pulis para ireport na nawawala ang kaibigan niya. Pero wala siyang tiwala sa mga ito.

Chapter 23

Umilaw ang teleponong hawak ng binatang nakadapa sa kama. Mahimbing siyang natutulog tulad ng isang karaniwang tao kapag alas tres ng madaling araw. Tumatawag si David. Dane's phone was vibrating for five minutes, but that didn't wake him up. Dumaan ang tatlong oras na mahimbing na natulog si Dane hanggang sa gisingin siya ng mga katok sa pinto.

"Breakfast's ready, gentleman."

Nagtaka siya nang makita ang pangalan ni David sa screen niya. Tatlong beses itong tumawag sa kanya't di niya nasagot. Nakasimangot siyang tinitigan ang telepono.

Kinatok ni Elaine ang bukas na pinto. "Are you gonna have breakfast on your phone?"

"I'll be there."

"What the hell." Umalis ang ginang na halatang naiinis.

Wala na ang nanay niya nang lumabas siya ng kwarto. Malamang nag-grocery ito. Maaga pa naman para pumasok siya sa trabaho. Mas malamig ang umagang ito kaya napahimas siya sa mga braso niya. Kinuha niya ang mangkok na may mga mais at bacon at tumungo sa harap ng fireplace sa living room na dala ang baso ng gatas. Tahimik siyang kumakain nang may kumatok sa pinto.

QUEERWhere stories live. Discover now