Chapter 9

2K 108 3
                                    

"Hey, handsome." Tinapik ni Hannah si David sa mukha.

"Anong nangyari sa mukha mo?" Kinusot ni David ang mga mata nang makitang may pasa sa ibaba ng kanyang labi si Hannah.

"May pagkasadista ang client ko kagabi."

"Hayop naman pala yang customer mo." Agad bumangon si David mula sa sofa. "Nasa'n na 'yan?" Lumabas si David, nagbakasakaling naroon pa sa labas ang gagong kostumer ni Hannah.

"Okay na." Hinila siya ni Hannah papasok sa bahay. "Malaki rin naman ang binayad."

"Hindi ka dapat ginaganyan. Bakit ka pumayag?"

"Wala naman akong choice eh." Pinilit niyang ngumiti. Suminghot siya.

"May sipon ka ba?"

Umiling si Hannah.

"Umiyak ka ba?" Nasapo ni David ang noo. "Asan 'yang kupal na 'yan? Babasagin ko ang mukha niyan."

Tumawa lang si Hannah.

"Bakit?"

"Napakabasagulero mo."

"Eh may pasa ka."

"Mawawala rin 'to. Huwag mo na intindihin. Ito, magkape ka." Inabot niya kay David ang tasa ng kape.

"Sigurado kang okay ka lang?"

Tumango siya.

"Si Jane nasaan?"

"Nasa likod nagbubungkal."

"Mapapagamot mo na siya."

"Sapat lang ang kinita ko para sa mga utang at bayarin."

"Huwag ka mag-alala. Kapag nakaraket ako, ipapagamot natin si Auntie Jane."

"Ako na bahala."

"Hannah, parang nanay ko na rin siya."

"David, hindi mo kami kargo. Salamat nga pala sa pagbantay sa kanya habang wala ako."

Hindi pa man nakakahigop ng kape, tumunog ang telepono ni David sa bulsa. Tumatawag si Joaquin. "Sandali lang," saad niya kay Hannah.

"Get your boys," saad ng nasa kabilang linya. "I want you here immediately."

"You want us to break into another drug den?"

"No. We intercept a shipment. Drugs worth fifty million. Call your friends. I want all of you here in an hour."

Mabilis niyang dinial ang numero ni Alex na di sumasagot. Si Eduardo naman sumagot pero ungol ng babae ang naririnig ni David. Si Brett din hindi sumasagot. "Wala talaga kayong mga kwenta." Muntik na niyang matapon ang telepono.

"Are you leaving?" tanong ni Hannah nang kunin ni David ang bag.

"May transaksiyon eh. Magpapaalam lang ako kay Auntie Jane." Nadatnan niya ang ale na nagbubungkal sa likod-bahay.

"Halika, tulungan mo ako." Puno ng putik ang mga kamay nito habang naghahanap ng kung ano sa maliit na hukay. "May tinago ako rito eh."

"Auntie, kelangan ko nang umalis."

"Talaga?"

Tunay na nag-aalala si David sa nanay ni Hannah. Walang pagdadalawang-isip na hinawakan niya ang mga maruruming kamay nito bago niya ito halikan sa pisngi. "Tama na 'yang pagbubungkal mo, auntie."

"Mag-iingat ka," mangiyak-ngiyak na tugon ng ale.

"Kayo rin, Auntie." Niyakap siya ni David. "Pangako pagkatapos nito ibibili ko kayo ng gamot para maging okay kayo."

QUEERWhere stories live. Discover now